Part 45 Ang Manliligaw ni Elise

68 1 0
                                    

Kitang kita ni Lanz na sobrang naiinis na si Elise. Hindi nya ito malapitan kaagad dahil na din sa mayroong tumatawag sa kanyang pangalan.

"Lanz? Lanz?", ulit muli ng boses lalaki na tumatawag kay Lanz.

Umirap lang si Elise sabay higa sa kama at talikod. Kumunot na lang ang noo ni Lanz. Bahagya nitong isinara ang pintuan ng kwarto sabay punta sa may sala para pagbuksan ang kung sino man ang bisita na tumatawag.

Nagulat na lang si Lanz nang makita nito kung sino ang nasa entraha ng pintuan. Lalong kumunot na lang ang noo nito.

"M—Marco? Anong ginagawa mo dito?", payak na tanong ni Lanz.

"Uy Lanz, salamat naman at pinagbuksan mo ako ng pintuan. Akala ko ay walang tao. Kay tagal mo naman akong pagbuksan", pang aasar pa ng bisita.

"Ha? Nasa kwarto kasi ako kaya hindi ko nadinig kaagad. Pasensya ka na. Ano ba ang sadya mo at bigla ka atang napadalaw?", tanong muli ni Lanz.

Hindi din maiwasan ni Lanz na mapatingin sa mga dala ni Marco. Mga, oo, madami. Ilang palumpon ng mga bulaklak tapos mga tsokolate at may stuff toy pang kasama. 'Ano bang balak gawin nitong si Marco?', tanong ni Lanz sa sarili nya.

"Ah, ang mahalaga ay napagbuksan mo ako. Nga pala Lanz, andyan ba si Ellie? Maaari ko ba syang makausap at makita?", pormal na tanong ni Marco.

Tangina. Si Ellie pala ang hanap ng mokong na ito. Hindi na maipinta ang pagmumukha ni Lanz. Ang lakas naman ng loob ng lalaking ito na bisitahin si Ellie.

"Natutulog pa sya Marco. Para ba sa kanya yang mga dala dala mo?", hindi na nakatiis si Lanz kaya itinanong na nya ito kay Marco.

Napatingin si Marco sa mga dala nya. "Ah, eto bang mga ito? Ah, eh oo para sa kanya. Magmula nung pasilungan, hindi na sya mawala sa isipan ko. Gusto ko syang makita muli kaya nagtanong tanong ako", sabi ni Marco.

"Nagtanong tanong? Anong ibig mong sabihin?", tanong naman ni Lanz.

"Ha? Hindi ko kasi alam kung saan nakatira si Ellie. Tapos walang nakakakilala sa kanya. Si Amanda ang nagsabi sakin na dito nga nakatira si Ellie, sa bahay mo".

"Si Amanda? Ano pang sabi nya?"

"Wala naman, un lang na dito sya nakatira kasama mo. Malayong kamag anak mo daw sya. Un lang naman. Bakit Lanz? May problema ba?"

Biglang nabago ang reaksyon sa mukha ni Lanz. "Ha? Wala naman. Ano ba ang intensyon mo kay Ellie?", deretsong tanong ni Lanz.

"Gusto ko sana syang ligawan".

"L—Ligawan?"

"Oo Lanz. Wala naman sigurong masama dun diba? Wala naman akong karelasyon. At wala din sya".

"Paano ka nakakasiguro na walang karelasyon si Ellie?", nagsisimula ng magtiim ang mga bagang ni Lanz.

Napatawa na lang ng malakas si Marco.

'Eh gago pala ito tinatawanan pa ako sa tanong ko', sabi ni Lanz sa isip nya.

"Wala kasing umaaligid sa kanya Lanz. At imposible naman na ikaw ang karelasyon nya dahil magkamag anak pa din kayo, kahit malayo pa", napatawa itong muli.

Tangina naman nito. Nang aasar pa talaga ang hinayupak. Isa pa at bibinggo na sakin ang taong ito.

"Natutulog pa sya Marco. Bumalik ka na lang sa susunod", sabi na lang ni Lanz.

"H—Ha? Tanghaling tapat na ah. Tanghali ba talaga syang gumising lagi?", pangungulit muli ni Marco.

'Anak ng tipaklong naman oo. Hahambalusin ko na ang pagmumukha nito eh', sumagi muli sa isip ni Lanz.

"Pagod sya Marco. Bumalik ka na lang sa susunod".

Nakaramdam na din si Marco. Napakunot na lang ang noo nito.

"Maaari mo bang ibigay ang maga ito sa kanya?"

"Dalhin mo na lang sa susunod na bibisita ka".

"Hindi na kailangan", napatingin pareho sila Lanz at Marco sa may gawing likuran ni Lanz. Nakatayo dun si Elise.

"Ellie!", bati ni Marco. Bakas sa mukha nito ang tuwa nang makita si Elise.

Tuluyan nang lumabas ng pintuan si Elise. Hindi naman nawala ang pagkakatitig ni Lanz sa kanya na para bang may gusto itong ipahiwatig at sabihin dito. Pero hindi ito pinansin ni Elise. Bagkus ay binigyan nito ng pagkagandang ngiti si Marco.

"Marco, kamusta ka? Napadalaw ka ata?"

"Naku Ellie sobrang bumuti na ang pakiramdam ko nang masilayan ko ang maganda mong mukha", abot hanggang tenga ang ngiti ni Marco.

'Tangina naman ng lalaking ito. Bulok na yang istayl mo hoy', nakasimangot na sabi sa isip ni Lanz.

"Para sa'yo pala", sabay abot ni Marco ng mga dala nya kay Elise.

"Wow! Ang dami! At ang gaganda!", tuwang sabi ni Ellie.

"Ang dami at ang gaganda!", pakutyang ulit ni Lanz sabay maktol. Napatingin si Elise sa kanya sabay tingin dito ng masama.

"May sinasabi ka ba Lanz?", tanong ni Elise.

Biglang nagising si Lanz mula sa mga naiiisip nya. "Ha? Wala", sagot na lang nito.

"Meron pa akong mga dala pero andun sa loob ng sasakyan", gumawi ang tingin nito sa isa sa mga bodyguard nya sabay kumpas ng kamay na para bang senyales na ibaba at dalhin ang ibang mga dala nya.

'Meron pang iba na dala? Ano ba ang plano nitong mokong na ito?', naiinis na sabi ni Lanz sa isip nya.

"Naku Marco, maraming salamat. Napakadami naman ng mga dala mo", sabi ni Elise.

"Nagustuhan mo ba? Sana magustuhan mo".

"Oo naman. Napakalambing mong tao Marco. Nakakatuwa ka", sabi pa ni Elise.

"Talaga Ellie?"

At un na nga. Ngumiti na naman ng pagkaganda ganda ang mokong na ito. Ang sarap buhusan ng nagyeyelong tubig nang magising sa kahibangan.

Ipinatong na ng bodyguard ni Marco ang iba pang mga dala nito. Napadami, sobra. Nanlaki ang mga mata ni Elise sa mga nakikita nya ngayun.

"Grabe Marco. Napakadami naman. Anu bang meron?"

Natigilan pareho sila Lanz at Marco. Pero mas natigilan si Lanz.

"Ah, eh Ellie, diba masama ang pakiramdam mo?", naniningkit na ang mga mata ni Lanz na para bang may ipinapahiwatig na parang babala kumbaga.

Napatingin naman si Marco kay Ellie na para din bang naghihintay ng sagot.

"Ha? Okay na ang pakiramdam ko", sagot ni Elise. Kitang kita nito na galit na ang tingin ni Lanz sa kanya. "Iwan mo muna kami ni Marco nang makapagusap naman kami ng maayos", dagdag pa nito.

'Iwan?! Kasama ang mokong na ito?! Neber!', sabi ni Lanz sa isip nya.

"Ellie, baka mabinat ka", muling subok ni Lanz. Dito ay nakaramdam na si Marco.

"May problema ba?", tanong na nito.

"Wala!", sabay pang sabi nila Elise at Lanz. Nagulat na lang si Marco, parang nalilito na din na hindi nya maintindihan. Pero binasag nito ang titigan nila Elise at Lanz.

"Ellie, gusto ko sana umakyat ng ligaw sa'yo!", sigaw ni Marco.

Napatingin na lang sa kanya sila Elise at Lanz.

Tangina.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon