Epilogue

96 1 0
                                    

"Ikaw ang lahat sa akin..", nagsimula nang kumanta si Lanz. Kasabay ng kanyang pagkanta ay ang pagtugtog din nito ng kanyang gitara.

"Ang galing mo namang kumanta, Lanz", sabi ni Elise.

Ngumiti lang si Lanz. Patuloy pa din ito sa pagkanta. "Paano matitiis ang isang damdamin.."

Sumabay naman si Elise sa pagkanta ni Lanz. "Kung ang isinisigaw, ikaw ang lahat sa akin.."

Napamulat si Elise. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Buhay na buhay ang mga alaala ni Lanz, sa buong pagkatao ni Elise.

"Lanz.. miss na miss na kita. Saan ka man naroroon ngayon, sana ay masaya at payapa ikaw".

"Madami akong balita sa'yo, Lanz. Handa ka na ba makinig?", nakatingin si Elise sa isang porselanang lalagyan. Ipina-cremate ni Elise si Lanz ng pumanaw ito. Un din kasi ang kahilingan ni Lanz nung nabubuhay pa ito.

"Nanganak na pala si Carmen. Lalaki ang anak niya. At kamukhang kamukha ng Kuya Enrico! Nga pala, nakatuluyan ni Carmen ung anak nung matanda na nakakita sa kanya nung nag aagaw buhay siya. Grabe din ang dinanas ni Carmen noh? Pero alam mo ba na nagbago na siya? Bumait na siya ng todo".

"Si Manang Flor naman ay nagbakasyon sa London kasama ni Nana. Ayun, palaging nagrereklamo na giniginaw daw siya at palagi daw siyang inaatake ng kanyang rayuma", napatawa na lang si Elise. "Biniro ko nga siya na baka dun siya makahanap ng kanyang true love".

"Sila Sare naman at ang kanyang kasintahan ay sila pa rin hanggang ngayon. Ang huling balita ko sa kanila ay malapit ng magpropose ung kasintahan ni Sare. Imbitado tayo sa kasal nila kapag nagkataon".

"Nga pala, hindi ka maniniwala na ang nakatuluyan ni Amanda ay si Marco na siya naman ng kasalukuyan na Mayor ng Pagbilao. Alam mo ba na gumanda ang turismo sa Pagbilao magmula ng umupo bilang Mayor si Marco. Ibang iba talaga siya kumpara sa kanyang Ama".

"Si Maya pala, Lanz, dalaga na. Pinag aaral pala siya ni Ate. Malapit na din siyang matapos sa kanyang kinuhang kurso".

"Si Ate Elaine naman ay patuloy na nag aalaga kay Mommy. Lumalakas naman si Mommy. Nakakatulong ung mga therapies niya sa kanya".

"Malapit na din palang bumaba ang desisyon patungkol sa divorce ni Ate Elaine kay Theo. Akalain mo na napapayag pala ni Ate si Theo. Okay na din un. Hindi naman deserve ni Theo ang katulad ni Ate".

"Ung kompanya na ibinigay mo sakin, ibinigay ko kay Ate Elaine. Siya na ang namamahala nito. Napalago niya ito ng todo. Mabait din kasi na amo si Ate".

"Ipinaayos ko din pala ung lumang bahay natin sa Pagbilao. Madaming memories doon kaya gusto kong mas maging maayos pa iyon sa tuwing uuwi ako at magbabakasyon".

"Ang dami ng nangyari, Lanz. Si Andrea, patuloy pa din ang komunikasyon naming dalawa. Alam mo ba na isa din siyang freelance writer? At, ang kuwento natin ay gagawin niyang isang nobela? Excited na ako na basahin ang kuwento ng ating pag iibigan".

"Halika na, Lanz sa loob ng bahay. Magtatakip silim na pala", binuhat ni Elise ang porselanang lalagyan at ipinasok na niya ito sa bahay.

Nagsimula na din siyang magligpit ng ilang gamit doon. Napagdesisyunan ni Elise na ibenta na lang ang kanilang bahay at tumira na lamang sa Pagbilao. Habang inaayos niya ang mga papel na andun ay may isang sobre na nahulog sa sahig.

Kinuha ito ni Elise. "Hala, ito pala ang liham ni Ate kay Lanz dati! Paano ito napunta dito?", tanong ni Elise sa kanyang sarili.

Nang buksan niya ito ay bumalik sa kanya ang alaala ng liham ng kanyang Ate. Subalit, ang mas pumukaw ng atensyon niya ay ang isa pang liham na andun.

Nagulat si Elise dahil ang liham na ito ay galing kay Lanz. Sulat kamay ito ni Lanz.

Pinakamamahal kong Elise,

Pasensya ka na kung hindi ko nasabi sa'yo na nabasa ko na ang liham ng Ate Elaine mo. Huwag kang mag alala. Hindi naman ako galit sa'yo. Sa totoo lang ay nagpapasalamat ako sa'yo kasi mas naunawaan ko ang aking sarili ng magkahiwalay kami ni Elaine.

Masakit sa una, aaminin ko. Pero kaya pala hindi kami nagkatuluyan ni Elaine, ay nakatadhana pala ako sa'yo.

Nalaman ko ngayon na terminal na ang sakit ko at ilang buwan na lang ang aking itatagal.

Hindi ko ito sinabi sa'yo kaagad kasi ayokong mag alala ka sakin. Sana ay mapatawad mo ako sa hindi ko pagsabi nito sa'yo.

Sinabi ko sa sarili ko na lahat ay gagawin ko para mapasaya ka sa araw araw na buhay pa ako. Ipinangako ko sa aking sarili na mamahalin lang kita at pagsisilbihan sa abot ng aking makakaya.

Salamat, Elise. Sa pagmamahal mo. Sa katapatan mo.

Mahal na mahal kita, Elise.

Hanggang sa muli nating pagkikita,
Lanz

PS. Huwag kang mag alala. Sa langit ay ikaw pa din ang aking dragona.

Niyakap ni Elise ang liham ni Lanz. Hinayaan na lang niya na tumuloy tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon