Part 22 Unang Halik Na, Naging Bato Pa

60 2 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang lapit ng mukha ni Elise sa mukha ko. Basa kami pareho dahil hanggang bewang din ang lalim ng ilog. Bukod dun ay medyo umaambon din. Malamig ang paligid pero sobrang init ng pakiramdam ko. Sa pagkakadikit ng katawan ni Elise sakin at sa pagkaipit ng cleavage nya, sobrang dami ng naglaro sa isipan ko.

At un na nga na nakatitig din sya sakin, na para bang naghihintay. Shit! Walang makeup si Elise. Sobrang ganda ng mukha nya, makinis. Bahagya nyang binuksan ang mga labi nya at naramdaman ko ng medyo bumilis din ang paghinga nya. Maya pa eh pumikit na ito. Shit Lanz!

Dahan dahan kong inilapit pa ang mukha ko sa mukha nya. Ang mga labi nya, parang nangungusap ang mga ito. Parang napakalambot. Napakanipis din nito kaya napakagat labi na lang ako. Medyo full kasi ang mga labi ko kaya naiisip ko ng halikan ng buo ang manipis na mga labi ni Elise na para bang masusubo ko itong lahat. Napalunok din ako ng ilang beses.

Pumikit na din ako habang akmang hahalikan ko na ang mga labi ni Elise. Ngunit sa pagpikit ko, biglang sumagi sa isipan ko si Elaine. Napamulat ako ng di oras sabay ng pagbilis pa lalo ng pagkabog ng dibdib ko. Napakunot din ang noo ko.

Tinignan ko si Elise. Nakapikit pa din ito. Naghihintay pa din ng galaw mula sakin. Sobrang pigil na pigil na ang nararamdaman ko. Maya maya pa eh nagmulat na ito ng mga mata nya. At nang magsalubong ang mga tingin namin, biglang namula ang mga pisngi nya. May bahid din ng pagtataka sa buong mukha nya. Ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Kung tapos ka na, umuwi na tayo. Sa bahay na lang tayo kumain. Mukhang mas lalo pa kasing lalakas ang pag ulan. Baka mastranded tayo sa daan eh mahirap na", sabi ko kay Elise. Tumalikod na ako at nagsimula na akong maglakad palayo kay Elise. Sa pagtalikod ko, kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya na para ba syang iiyak na na hindi ko din maintindihan sa sarili ko.

Gusto kong muling harapin sya at yakapin ng mas mahigpit. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

'Magtigil ka nga Lanz. Kapatid sya ng babaeng pinakamamahal mo. Hindi ka dapat nakakaramdam ng ganito sa kanya. Tandaan mo, sya ang dahilan kung bakit nawala sa'yo ng tuluyan si Elaine', paulit ulit kong bulong sa sarili ko. Mas gusto kong magalit sa sarili ko ngayon. Wala na sa lugar ang inaasta ko.

Nagsimula ng lumakas ang pagbuhos ng ulan. Nakita ko naman na nakasunod naman na sakin si Elise. Kinuha ko na din ung mga gamit namin. Ibinigay ko kay Elise ung payong. Ako naman eh kumuha ng twalya at un ang ginamit kong parang payong. Sa wakas ay narating na namin ang truck. Dali dali kaming sumakay.

Tahimik lang si Elise sa buong byahe. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Ni minsan ay hindi nabaling ang tingin nito sakin. Hindi ako mapakali sa mga nakikita ko sa kanya. Hindi ako sanay na ganito sya katahimik. Parang may mali kumbaga. Mas sanay kasi akong sinisinghalan nya ako or sinisigawan. Nagsimula na tuloy akong mag alala sa mga ikinikilos ni Elise.

Nakarating na kami ng bahay. Magtatanong na sana ako sa kanya nang bigla na lang itong bumaba ng truck sabay takbo papasok sa bahay. Pinatay ko na ung makina sabay kuha bg mga gamit namin at tumakbo na din ako papasok sa bahay. Grabe na ang buhos ng ulan. Parang nagbabadya ang bagyo. Mabuti na din at nakauwi na kami.

Pagpasok ko sa bahay, wala si Elise sa sala. Nakita ko ung bakas ng basang tsinelas nya na patungo sa kwarto. Baka napagod din sya ng husto. Medyo malayo din kasi ung ilog dito. Nagtuyo na ako ng sarili ko at nagpalit na din ako ng mga damit ko. Wala pa ding Elise. Nag aalala na ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi eh kelangan kong humingi ng pasensya sa nangyari sa ilog kanina. Ayoko din na isipin nya na nagte take advantage ako sa kanya. Pumanhik na ako sa kwarto at banayad kong kinatok ung pintuan. Walang sagot.

"Elise? Okay ka lang ba?", wala pa ding sagot.

Hinawakan ko ung doorknob, hindi ito naka lock. Aba himala. Karaniwan kasi ay nagla lock itong si Elise ng pintuan. Dahan dahan ko itong binuksan at saka ako pumasok. Nakahiga si Elise sa kama. Nakatagilid ito na para bang nakabaluktot din ang pwesto nya. Nasa paanan lang nya ung kumot.

Pinulot ko ung mga basang damit na pinagpalitan nya at ipinatong ko ang mga un sa may upuan na andun. Naglakad na akong palapit sa kanya. Nakakapanibago ngayon itong si Elise. Iniisip ko tuloy na baka naoffend ko sya kanina. Pero desidido talaga akong humingi ng pasensya sa kanya. Mas lumapit pa ako sa kanya. Medyo gumalaw ito ng konti. Gising pa sya. Salamat naman.

"Elise? Okay ka lang ba? Gusto ko nga pala humingi ng pasensya dahil dun sa nangyari sa ilog kanina. Ayoko sanang isipin mo na nagte take advantage ako sa'yo. Sana ay wag kang magalit sakin. Pinilit ko naman umiwas. Sana ay okay ka lang. Nakakapanibago kasi ikaw na ganyan ka katahimik", sabi ko sa kanya.

Gumalaw lang sya ng konti. Napaungol din ito ng mahina. Napakunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang drama ng babaeng ito?

"Elise?", inuga ko nang bahagya ung balikat nya. Muli na naman itong umungol ng mahina. Inuga ko syang muli. Wala na naman itong reaksyon. Hindi na ako nakatiis. Iniharap ko na sya sakin.

Pulang pula ang mga pisngi ni Elise. Butil butil din ang pawis nito sa noo nya. Pinagpapawisan sya pero nanginginig din ang buo nyang katawan.

"Elise.. Elise..", sinubukan ko na din syang gisingin. Mas malakas na ung pag uga ko sa kanya. Hindi pa din nito minumulat ang mga mata nya. Nag alala na ako ng sobra sa kanya. Sinalat ko na ang noo nya. Napakainit nito. Pati mga pisngi nya ay sobrang init din.

Shit!

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon