Part 26 Bumabait Ba ang mga Dragona?

66 2 0
                                    

Naalimpungatan ako ng sikat ng araw na deretso sa mga nakapikit kong mga mata. Dahan dahan kong iminulat ang mga ito. Para ngang dumating na din ako sa punto na ayaw ko agad magising. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Para akong nabugbog ng sobra. Ganito ang pakiramdam ko kapag nagkakasakit ako dati. Un bang kapag tinamaan ka ng trangkaso. Teka? Nasaan nga ba ako? Napatingin ako sa kisame. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin. Hindi ko ito kwarto. Napagtanto ko din na parang hindi lang ako ang nakahiga dito sa kama.

Dahan dahan kong itinagilid ang ulo ko. Lanz?! Si Lanz ang katabi ko?! Ah, nasa bahay pa pala ako nitong si Lanz. Pero bakit kami magkatabi dito sa kama?! Sobrang lapit ng mukha ni Lanz sa mukha ko. Ramdam ko ang mga paghinga nya. Nakadantay kasi ang ulo ko sa braso nya. Inilapit ko pa ang ulo ko sa may dibdib nya. Dinig na dinig ko din ang mga tibok ng puso nya. Naramdaman ko din na wala pala akong suot ba damit, at si Lanz ay nakahubad din. Shit! Kinumpirma ko ito nang sumilip ako sa ilalim ng kumot.

Naghahalo na ang aking mga emosyon sa ngayon. Gusto kong magwala at maging histerikal sa mga ganitong pangyayari pero parang mas pinili ko ang tumahimik at tumitig na lang kay Lanz. Maamo din pala ang mukha nya. Hinawi ko ng bahagya ang kanyang buhok. Ang kapal ng mga kilay nya. Talo pa ako. Ung mga kilay ko kasi eh sabog. In fairness, makinis din ang ilong ni Lanz. Wala kang makikitang blackheads or whiteheads man lang. Samantalang ako kailangan ko pang mag nose strips to remove ung whiteheads ko. Napatingin din ako sa mga labi nya. Makapal ang mga ito. Siguro kapag sya ang hahalik sakin eh paniyak na masasapawan ang maliliit kong mga labi.

Bigla kong naalala nung nagpunta kami sa ilog. Sobrang nag enjoy ako sa pagligo dun. Napangiti na lang ako. Ang sarap magtampisaw at sumisid dun. Napaka relaxing ng buong paligid. Nawala bigla ang mga ngiti ko dahil naalala ko ang akmang paghalik sakin ni Lanz. Nahulog ito mula sa inakyat nyang burol. Sakto ang pagbagsak nya sa aking harapan. Tinakot pa ako na madami daw linta dun sa ilog. Yeah, yeah. Napayakap tuloy ako sa kanya ng di oras. Akala ko talaga eh hahalikan na nya ako. Perfect setting kasi. Basa kaming pareho tapos magkadikit halos ang mga mukha namin dahil sa biglaang pagyakap ko sa kanya.

Pero hindi nya ako hinalikan. Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. I mean, hindi naman ako nagdedemand na halikan ako ni Lanz. Siguro hindi ako ang tipo nyang babae kaya ni katiting eh wala syang pagnanasa sakin. Nakakasama lang ng loob. Nakauwi kami ng hindi man lang nya ako kinausap. Medyo masama na nun ang pakiramdam ko. Naalala kong dumiretso na lang ako sa kwarto sabay itinulog ko na lang ang mga sama ng loob ko.

Naalala ko pa na ipinagluto ako ni Lanz ng arroz caldo. Ang sarap nyang magluto. Or baka dahil na din sa masama ang pakiramdam ko na sa tingin at isip ko eh masarap ang kinakain ko. Okay na sana eh. Ang sweet na sana ng sitwasyon. Pero humingi ng dispensa si Lanz sa nangyari sa ilog. Muli ay kumirot na naman ang puso ko. Oo alam ko wala akong karapatan para sumama ng ganun ang loob ko.

Wala na akong matandaan simula nun. Ang dami ko ding tanong sa aking isipan. Paano naging ganito ang pwesto namin ni Lanz? Kailan sya tumabi sakin? Sya ba ang naghubad sakin? Bakit hindi ako nagagalit sa ganitong nangyari sa amin? Bakit, bakit parang gusto ko ata ng ganitong sitwasyon kasama si Lanz? Tanong, tanong, puro ka tanong Elise.

Maya maya pa eh gumalaw na si Lanz. Shit! Ipinikit kong muli ang aking mga mata. Kunyari ay tulog pa din ako. Pinapakiramdaman ko din kung ano ang susunod na gagawin nitong si Lanz. Nanatiling nakadantay ang binti ko sa kanya at matyaga akong naghintay..
__________

Bigla akong nagising at nagmulat ng aking mga mata. Pumikit akong muli para mabalikan kaagad at masundan ang aking panaginip pero wala na eh, nagising na ako. Nagising na din ako sa katotohanan. At nang mahimasmasan ako at napagtanto ko na ang mga pangyayari, napamura na lang ako ng malupit.

"Tangina naman. Tangina talaga Lanz", bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko si Elise. Nakatulog pa din ito. Sinalat ko ung noo nya. Hindi na ito mainit. Hay salamat naman na wala na itong lagnat. Dahan dahan akong kumawala sa pagkaka yakap ko sa kanya. Medyo mahirap kumawala kasi nakadagan sa akin ang matambok na hita ng babaeng ito. Bahagya din itong gumalaw. Napatigil ako. Nang makasiguro akong tulog pa din ito, nagsimula akong muling kumawala.

Sa wakas ay nakawala na ako. Dahan dahan din akong bumangon. Nagsuot na din ako ng aking mga damit. Tinignan kong muli si Elise. Mahimbing pa din ang tulog nito. Tatalikod na sana ako ng meron akong napagtanto.

"Paano mo dadamitang muli ang babaeng ito?", tanong kong muli sa sarili ko. Patay. Paniguradong magagalit ito kapag nagising sya habang dinadamitan ko sya. Paniyak na gegerahin na naman ako ng babaeng dragon na ito.

Pero hindi ko un ininda. Binihisan ko pa din si Elise. Panaka naka lang naman ang mga galaw nya. At tumitigil naman ako sa bawat mga paggalaw nya. Natapos ko na syang bihisan. Tinitigan ko syang muli mula sa mga paa nya hanggang sa ulo nya. Sobrang dami nang sumagi sa isipan ko na mga puwede kong gawin. Napailing na lang ako.

"Wala ka na ba sa tamang pag iisip Lanz", sabi ko na naman sa sarili ko. Ang manyakis mo mag isip. Kinumutan kong muli si Elise at lumabas na din ako ng kwarto. Deretso ako sa kitchen sabay bukas ng ref. Halos tunggain ko ng isang deretso ang isang pitsel ng malamig na tubig. Hindi kasi din maalis sa isipan ko ung panaginip ko.

Ung panaginip na may kasamang kamanyakan. Walanjo. Pati sa panaginip ay manyakis pa din ako. Ayos lang naman. Aminado naman ako. Laking gulat ko nang sa pagtalikod ko eh andun na si Elise.

"Elise! Gising ka na pala?", gulat na gulat na tanong ko. Sa sobrang kaba ko ay bumilis pa lalo ang pagtibok ng puso ko. Naghihintay na lang ako na singahalan at sigawan ng babaeng ito.

"Good morning Lanz", mahinahon na bati sakin ni Elise.

Shit! Ayoko ng ganito. Mabait ang dragona. Hindi ako sanay.

Nakakatakot.

Mas nakakatakot syang ganito.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon