Part 56 Ang Sorry Ni Theo

55 1 0
                                    

"N—Nana?", halos pabulong kong sabi sabay bangon. Hinawakan ko ang aking ulo dahil bigla na lang itong sumakit ng todo.

"Elaine, huwag ka na munang bumangon. Kailangan mong makapagpahinga ng lubos", sagot naman sakin ni Nana.

Pagkabangon ko, nakaramdam ako ng sakit mula sa tyan at puson ko. Biglang binalot ng takot ang buo kong katawan. Napatingin na lang ako kay Nana na noon ay nakaupo sa gilid ng aking kama.

Napakunot ang aking noo. Nangingilid ang aking mga luha ng tinanong ko si Nana—

"Ang baby ko Nana?"

Naluluha naman ang matanda sabay iling nito. Napaluha na lang din ako. Niyakap naman ako ni Nana.

"Tahan na Elaine. Makakasama sa'yo kapag sumama pa ang loob mo".

"Anong nangyari Nana? Wala akong maalala", pinilit kong alalahanin ang mga nangyari. Biglang nanlaki ang aking mga mata. "Teka, si Theo! S—Sya ba Nana?", bulalas ko. Akmang babangon ako nang pinigilan ako ni Nana.

"Elaine, maghunus dili ka. Sabi ng doktor ay magpahinga ka ng maigi", nag aalalang sabi sakin ng matanda.

"Nana.. ang baby ko..", humahagulgol na ako sa pag iyak. Niyakap pa ako ng mas mahigpit ni Nana.

"Elaine, may importante pala akong sasabihin sa'yo".

Pinunasan ko ang aking mga luha. "Ano un Nana?"

"Pinapaalis na kami ni Theo. Ang gusto nya ay kayong dalawa na lang ang maiwan dito sa bahay".

Kinilabutan ako sa aking narinig. "Nana! Huwag po kayong pumayag! Huwag nyu po akong iwan dito, parang awa nyu na! Mapapatay nya ako panigurado!", sumubsob na lang ako sa balikat ni Nana.

"Elaine, kahit ayaw namin umalis, wala kaming magagawa. Patawad hija", umiiyak na din si Nana.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Andun si Theo, walang emosyon sa kanyang mukha. May dala itong mga bulaklak.

"Nana, please give us a minute", pormal na sabi ni Theo.

Mas humigpit pa ang kapit ko kay Nana. Senyales na huwag nya akong iwan na kami lang ni Theo.

"Theo, I'd like to stay here if that's okay. I'll stay across the room. You won't even notice that I'm here, I promise. Elaine's doctor said not to leave her by herself", maayos na paliwanag ni Nana.

"Why?! Don't you think I can look after my own wife?!", bigla na namang nawala sa kontrol si Theo at nagmamadali itong lumapit kay Nana.

"Stop!", sigaw ko. Tumigil naman si Theo. "Nana, I'll be fine. Please give us a minute like what Theo had said", sabi ko kay Nana. Hindi ko maaatim na may masamang mangyari kay Nana. Sobrang malapit sakin ang matanda.

"Elaine..", puno ng pag aalala ang mukha ni Nana.

"Okay lang po ako", paniguradong sabi ko kay Nana. Medyo nagdalawang isip pa si Nana kung iiwan nya akong mag isa kasama si Theo. Pero hindi naglaon at napapayag ko na din sya. Lumabas na ng kwarto si Nana. Lumapit si Theo sakin at naupo sa gilid ng aking kama.

"Elaine.. I know you're mad at me. I'm sorry. Please forgive me", panimula ni Theo. Iniabot din nya sakin ang mga bulaklak na kanyang dala dala.

"Theo.. our baby..", naiiyak kong sabi. Niyakap naman ako ni Theo.

"I'm sorry.. I don't know what came over me. I'm sorry Elaine. Please forgive me".

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anu ang mararamdaman at sasabihin ko. Napapikit na lang ako at hinayaan ko na lang na tumulo ang aking mga luha.

Sa pagyakap ni Theo sakin, hindi maalis sa isip ko ang imahe ni Lanz. Mas lalo lang ako humagulgol sa pag iyak.
__________

"O, mag dahan dahan ka naman!", bulalas ni Lanz nang pagbaba ko ng kanyang truck ay kamuntikan na naman akong masubsob.

"Sorry! Medyo naliliyo pa kasi ako", sagot ni Elise. Biglang nagbago ang awra ni Lanz.

"Okay lang", kalmado nitong sabi. "Halika, aalalayan kita", sabi nito sabay kapit sa bewang ni Elise.

Narating nila ang sala at naupo si Elise sa sofa.

"Salamat Lanz", sabi nito.

"Nagugutom ka ba? May masakit ba sa'yo? Inaantok ka ba?", sunud sunod ang tanong ni Lanz.

"Lanz, hinay hinay lang. Isa isa lang", sabi naman ni Elise. "Okay lang ako", dagdag pa nito.

Tumabi si Lanz sa kinauupuan ni Elise. Hinawi nya ang buhok nito na nakatakip sa mukha nya. Titig na titig sya kay Elise.

"L—Lanz, okay ka lang?"

Hindi ito sumagot. Hinawakan nito ang baba ni Elise sabay lapit ng mukha nito sa mukha ni Elise. Napapikit naman si Elise. Bigla din bumilis ang tibok ng puso nya. Dahan dahan na lumapat ang mga labi ni Lanz sa mga labi ni Elise.

Nang maglapat ang kanilang mga labi, bigla na lang nag init ang kanilang mga pakiramdam. Mas naging mapusok na ang mga halik ni Lanz. Si Elise naman ay sumasabay sa bawat halik ni Lanz.

"Oohhmm..", napaungol si Elise.

"Elise.. oohhmm..", bulong na banggit ni Lanz ng pangalan ni Elise. Napaungol na lang ito nang marinig nito ang pag ungol ni Elise.

Bumaba na ang mga halik ni Lanz sa leeg ni Elise. Si Elise naman ay tumingin paitaas. Bawat dampi ng mga labi ni Lanz ay damang dama ni Elise. Iniyakap nito ang kanyang mga braso sa leeg ni Lanz.

Sinimulan ni Lanz na hawakan ang laylayan ng damit ni Elise. Itinaas naman ni Elise ang kanyang mga kamay para matanggal ni Lanz ang damit nito. Naghubad na din ng pang itaas na damit si Lanz.

Nakatitig lamang si Elise kay Lanz. Inilapat ni Elise ang kanyang mga palad sa balikat ni Lanz, papunta sa leeg nito. Bahagya nyang kinabig si Lanz para nakaupo na ito ng deretso sa sofa. Si Elise naman ay dahan dahan na pumaibabaw kay Lanz.

Napatingala naman si Lanz kay Elise habang si Elise naman ay nakatungo sa kanya. Hinawakan ni Elise ang magkabilang pisngi ni Lanz sabay halik sa mga labi nito. Sinuklian naman ni Lanz ang mga halik na un.

Kinapa ni Lanz ang kawit ng bra ni Elise at nang makapa nya ito, tinanggal nya ang pagkakakawit nito.

"Oohhhmmm..", napaungol muli si Elise. Hinagod naman ni Lanz ang likod ni Elise bago nito natanggal ng tuluyan ang bra ni Elise.

Napaliyad na lang Elise ng simulang halikan ni Lanz ang dibdib nito.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon