Part 47 Nang Nakunan si Elaine

72 1 0
                                    

"Ayos na po ba lahat Nana?", tanong ko sa matandang mayordoma namin.

"Oo Elaine. Naayos na namin lahat. Magpahinga ka kaya muna at kanina ka pa din nagluluto at naghahanda", sagot naman sakin ng matanda.

"Okay lang po ako Nana. Excited lang po na makauwi na si Theo mula sa trabaho. Sana po eh magustuhan nya ang sorpresa na inihanda ko para sa kanya".

"Naku hija, paniguradong magugustuhan nya ang balita mo. Pati tuloy ako na katanda na eh natutuwa sa inyong dalawa. Hala sige na at mag gayak ka na din".

"Sige po Nana. Papanhik na po muna ako", paalam ko sa matanda sabay akyat na ng hagdanan papunta sa kwarto namin ni Theo.

Naupo ako sa may harap ng salamin. Tinignan ko ang aking sarili. Inilugay at sinuklay ko ang buhok ko. Napahawak ako sa aking mga mata. Medyo mugto ang mga ito. Nabahiran ng lungkot ang buong katawan ko.

Ilang gabi na din kasi akong naiyak. At sa ilang gabing un na ang dahilan ay napapanaginipan ko si Lanz. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sya maalis sa isipan ko. Para akong nag aalala na hindi ko mawarian.

Isa lang ang gusto kong mangyari ngayun. Gusto ko lang makasiguro na okay at ligtas si Lanz. Alam ko din kasi ang galawan ni Kuya. Natatakot ako para kay Lanz. Kapag nagkataon, wala syang kalaban laban kay Kuya. Iniisip ko pa lang ang mga pedeng mangyari ay kinikilabutan na ako.

Kinuha kong muli ang jewelry box at inangat ko ito. Kinuha ko ung liham sakin ni Lanz na itinago ko doon. Binasa ko itong muli. Nagsimula na namang mangilid ang aking mga luha. Sobrang miss na miss ko na si Lanz. Pero kelangan ko na syang pakawalan at kalimutan. Para na din sa katahimikan naming lahat. Itutupi ko na sanang muli ang liham ng biglang may humablot dito mula sa aking kamay. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Nabalot din ng takot ang aking buong katawan.

"What's the meaning of this Elaine?!", galit na tanong ni Theo. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit.

"That's nothing Theo. Please, that's nothing. Please bel—".

Pak!

Umalingawngaw ang malakas na sampal sakin ni Theo. Napahawak na lang ako sa aking pisngi. Para akong nabingi sa lakas ng hambalos ng kamay ni Theo sakin.

"Nothing Elaine?! This is still a memory from Lanz! You kept this from me!"

"I'm so sorry Theo. I didn't mean for this to happen. I was about to throw it away".

"Liar!", galit na sabi ni Theo. Bigla na lang sya lumapit sakin at hinatak nya ako sa buhok ko at kinaladkad nya ako palabas ng kwarto namin at pababa sa hagdanan.

"Theo, please stop! You're hurting me already!", naiiyak ng sabi ko.

"I will teach you a lesson!"

Nakita kami ng mga katulong at sinundan na lang nila kami. Pati ang mayordoma namin ay nandun din pero lahat sila ay walang magawa para matulungan ako. Nang marating namin ang sala, itinulak ako ni Theo malapit sa fireplace kaya't bigla din akong napaupo sa malamig na sahig.

Itinaas nya ung liham ni Lanz at pinagpupunit nya ito. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Sa bawat pagpunit ng papel ay parang pinupunit na din ang puso ko.

"This is what this deserves!", singhal ni Theo sabay tapon ng pira pirasong papel sa fireplace. Tinignan ko na lang ito habang nasusunog. Unti unting nilamon ng apoy ang mga papel. Napatulala na lang ako.

"So are you going to leave me for that piece of shit Lanz?!", galit na tanong ni Theo.

"N—No Theo! I'll stay here with you", sagot ko naman. Biglang lumapit muli si Theo at sa mga oras na ito ay inilapat nya ang kanyang kanang kamay sa leeg ko na para ba nya akong sinasakal. Napahawak na lang ako sa kamay nya. Mas dumidiin pa ang pagsakal nya sakin. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang galit at poot.

"You'll never leave me Elaine! Never!"

"T—Theo, s—stop, p—please", ramdam kong para akong mawawalan ng malay.

"Ahh!", sigaw ng aming mga katulong. Napatingin si Theo sa kanila na noon ay itinuturo ako. Napatingin din si Theo sakin. Biglang lumuwag ang pananakal nya sakin. Tinignan na lang nya ako.

Batid ko na ang nangyari. Napahawak na lang ako sa aking tyan. Pagtingin ko sa gawing ibaba ko, nakita ko na lang ang tuluy tuloy na pagdaloy ng dugo. Noon din ay biglang umikot ang paningin ko.

"Elaine!"
__________

"Iniwan ka ni Ate to go to London. Bakit hanggang ngayon iniisip mo pa din sya?"

"Mahal ko ang Ate mo. Iniisip ko na baka nalilito lamang sya. Na sana ay makapagpaliwanag sya sakin. Para naman alam ko kung saan din ilulugar ang sarili ko".

"Ganun na nga ang ginawa sa'yo tapos mahal mo pa din? Martir ka ba Lanz?"

Bumuntong hininga na lamang ako. Hindi din ako maiintindihan ni Elise kasi hindi pa siguro ito umibig.

"Maiintindihan mo din ako Elise kapag umibig ka na din ng tapat at totoo".

Batid kong lumungkot ang mukha ni Elise. Sinubukan nya itong itago sakin. Ibinaling na lamang nya ang kanyang tingin sa labas. Hinayaan ko na lamang sya.

Maya maya pa eh narating na namin ang Puting Buhangin na beach. Biglang nagbago ang awra ni Elise. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkasabik at pagkatuwa. Panigurado din naman ako na magugustuhan nya ang lugar na ito. Dinadayo din kasi itong talaga ng mga turista lalu na ang mga dayuhan.

Ipinarada ko na ung truck ko. Bumaba na kami ni Elise at naglakad patungo sa resort. Tunay nga na napakaganda nitong lugar. Tahimik at payapa. Napatingin sakin si Elise sabay ngiti ng pagkaganda ganda.

"Ang ganda ng buhangin, kulay puti talaga".

"Kaya nga yan ang pangalan ng lugar na ito nang dahil dun".

"L—Lanz.."

"Bakit?"

"Salamat dahil isinama mo ako dito. Napakaganda ng lugar".

"Kasing ganda mo Elise".

"May sinasabi ka ba Lanz?"

"Ah eh wala naman. Andun na mga kumpare ko. Natatanaw ko sila mula dito".

Naglakad na kaming muli ni Elise. Habang papalapit na kami ay sinalubong naman kami ni Amanda. Tumingin sakin si Elise, medyo galit ang mga tingin nito.

"Lanz, bakit andito ang babaeng walang balakang?!"

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon