Part 29 Ang Kasal ni Elaine

63 1 0
                                    

"I told you not to cry. You'll just ruin your makeup sweetheart!", paulit ulit na sabi sakin ng makeup artist.

"I'm sorry. I just can't—", un na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Aww.. I know the feeling sweetheart. You'll get married today and you're crying because you're happy. Tears of joy. Oh so beautiful. But stop ruining my masterpiece sweetheart!", muling paalala nya.

"Okay..", sumang ayon na lang ako. Natapos na ang makeup ko. Natapos na din ang buhok ko. Simple lang ang pinili kong look for today. Ayokong masyadong magarbo dahil hindi naman ako 100% na masaya.

Hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi. Parang naisip ko nga na ayoko ng magising kung makakatulog man ako. Bantay sarado ako ni Mommy. Magmula ng magpropose si Theo sakin, nakabantay na lagi si Mommy. Nakasunod ito sa kahit saan ako magpunta.

Ayoko sanang pumayag sa kasal pero ano ang magagawa ko? Isang sabi lang ni Mommy kay Kuya at isang utos lang ni Kuya sa mga tauhan nya, paniyak mapapahamak si Lanz. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kahit ako na lang ang maghirap, huwag lang sya. Inisip ko na puwede ko naman syang mahalin kahit palihim lamang, basta ba alam ko at sigurado ako na buhay sya. Lagi kong ipinagdadasal na sana ay mapabuti ang kanyang lagay at sana ay maging masaya na din sya.

Masakit man pero ipinagdarasal ko din na sana ay makalimutan na nya ako. At sana ay mapatawad din nya ako sa papasukin kong desisyon ngayon. Mahal naman ako ni Theo. Siguro naman ay matututunan ko din syang mahalin kagaya ng pagmamahal nya sakin. Alam kong mahirap kasi hindi ako straight pero I don't really have a choice. Lalo na at buhay ni Lanz ang nakataya.

Binuksan ko ung jewelry box. Habang sumasayaw ang isang babae dun sa may salamin nito ay nagsimula na din tumunog ang malamyang musika nito. Pinanood ko lang ito hanggang sa matapos ang musika. Napapikit ako nang matapos ito.

"Lanz.. I'm sorry.. please forgive me..", tumutulo na naman ang mga luha ko. Inagapan ko kaagad ang makeup ko at dinampian ko ng kleenex ung mga luha ko.

Iniangat ko ung jewelry box at kinuha ko dun ang isang nakatiklop na papel. Binulatlat ko un at binasa ang nakasulat dito.

Elaine,

Mahal na mahal kita. Balang araw ay ititira kita sa ipinapagawa kong bahay sa Pagbilao. Dun tayo magsisimula ng ating pamilya. Ikaw at ako, hanggang sa huli.

Lanz

Tiniklop ko itong muli. Wala ng humpay ang pag iyak ko. Parang sasabog na ang dibdib ko. Muli kong pinunasan ang mga luha ko sabay tingin sa salamin. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang kasal namin ni Theo. Garden wedding ang theme. Napapikit akong muli. Si Lanz kaagad ang pumasok sa isip ko.

"Elaine, saan mo ba gusto magpakasal tayo?", tanong sakin ni Lanz habang yakap yakap nya ako sa likuran ko.

"Kahit saan Lanz basta kasama kita", sagot ko naman. Hinalikan nya ang pisngi ko.

"Dito sa beach maganda magpakasal. Tapos sobra sigurong ganda mo kapag naka puti ka na gown".

"Beach? Bakit dito sa beach mo gusto magpakasal?", tanong ko kay Lanz.

"Dahil walang hanggan ang pagmamahal ko sa'yo Elaine. Sing lawak ng karagatan", parang tinula pa nya ang pagkakasabi nito. Natawa na lang ako. Mas humigpit pa ang yakap nya sakin. Ito ang tunay na kaligayahan ko. Ang mahalin ni Lanz at mahalin din sya.

"Gusto ko na din ng beach wedding", pag sang ayon ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Elaine", bulong nya sakin.

"I love you too Lanz", sabi ko naman.

"Wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang makasama ka hanggang sa ating pagtanda. Pangako, aalagaan kita at mamahalin. Ituturing kita na aking prinsesa sa abot ng aking makakaya", pagtuloy nya.

"Lanz, hindi ko kailangan ng magarbong buhay. Sapat na sakin na mahalin mo ako ng tapat at totoo. Gagawin ko din ang lahat para mapaligaya ka", naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap nya sakin.

Hindi ko namalayan na niyayakap ko na din pala ang sarili ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sana ay panaginip lang ang mga nangyayari. Isang masamang panaginip. Sumilip ako sa may bintana. Maayos na at handa na ang lahat.

Nagsisimula na din na magsidatingan ang mga bisita. Tanaw ko na sila Mommy at si Tita Margie. Maliit lang ang kasalan na ito kaya wala din ang mga kapatid ko dito ngayun. Balak kasi nila Mommy at Tita Margie na magkaroon ng isa pang kasal sa Pilipinas. Dun paniyak na magarbo un. Invited lahat ng mga amiga nila. Kailangan kong mas maging matatag kapag ginanap na ang kasal sa Pilipinas. Alam kong malalaman at malalaman ni Lanz un at paniguradong gagawa un ng paraan para pigilan ang kasal ko.

Pero inunahan ko na ang isipin na un. Kakausapin ko na sya bago pa man maganap ang kasal namin ni Theo sa Pilipinas. Sana lang ay maintindihan ni Lanz. Sa totoo lang, wala na sya magagawa. After today, I'll be officially married to Theo. Sa papel nga lang, hindi sa isip at puso. Alam kong kasalanan ang maikasal sa taong hindi mo naman mahal pero sisikapin kong kalimutan na lang si Lanz at susubukan kong mahalin din si Theo.

Tinulungan ako ng dalawang miyembro ng glam team ko para isuot ang aking wedding gown. Sakto ang fit nito. Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror. All white. Nakakasilaw ang kaputian sa panglabas na kaanyuan pero puro pighati at pasakit pala sa kaibuturan. Tinulungan din nila ako sa aking sapatos.

"Smile Elaine. It's your wedding day".

"Yeah, you look so beautiful girl! You should smile more. Theo's a very lucky guy!".

Iniwan na nila ako para makapag isa ako bago ako lumabas ng kwarto. Pinilit kong ngumiti sa harapan ng salamin.

"Happiest day of my life..", sarkastikong sabi ko sa sarili ko.

Matutuwa si Lanz kapag nakita nya akong nakaputing wedding gown kagaya ng pinangarap namin noon. Sayang at hindi sya ang sasalubong sakin sa altar. Huminga ako ng malalim sabay labas na ng kwarto.

Nagsitayuan na ang mga bisita nang makita nila akong parating. Si Theo ay naghihintay naman sa harapan. Pigil na pigil ang pagluha ko. Nagsimula na akong maglakad papunta kay Theo. Bakit hindi maalis sa isipan ko na si Lanz ang sasalubong sakin sa may altar?

Sa totoo lang, hindi ko alam paano akong nakarating sa harap. Nagsimula na ang seremonyas. Wala ako sa focus. Ni hindi pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi ni Father. Malayong malayo dito sa kasalang ito ang isip at puso ko.

"I do..", bigla akong nagising dahil sa sagot ni Theo. Hindi ko din alam kung paanong biglang magkaharap na kaming dalawa. Hindi ko na siguro ito namalayan.

Ako na ang tinanong ni Father. Napatingin ako kay Mommy at sa lahat ng mga bisita. Napatingin din ako kay Father at huli ay kay Theo. Naghihintay silang lahat ng isasagot ko.

"Father.. I.."

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon