Part 48 Isla Puting Buhangin

62 1 0
                                    

"Ayan ka na naman sa babaeng walang bakakang na yan eh".

"Eh totoo naman ah! Tsaka hindi mo man lang sinabi sakin na kasama pala sya".

"Bakit naman? Kaibigan din kasi sya ng kumpare ko. Alam mo naman na maliit lang ung bayan namin kaya halos magkakakilala ang mga tao".

"Ah basta! Sana sinabihan mo ako na kasama sya".

"Eh bakit nga ba?", tanong ni Lanz. Tinignan naman sya ng masama ni Elise at nag hudyat na tumigil na sya dahil malapit na si Amanda.

"Hi Lanz!", ang laki ng ngiti ni Amanda nang makalapit na sya kina Lanz at Elise. "Hi Ellie, buti nakasama ka?", baling naman ni Amanda kay Elise.

'Buti nakasama? Ano ba ang tingin nito sakin? Papahuli sa mga ganitong lakad? Naku ha. Don't me babaeng walang balakang!', sabi ni Elise sa isip nya. Nginitian na lang nya si Amanda.

"Tara Lanz! Nagdala pala ako ng paborito mong pagkain. Panigurado akong magugustuhan mo", aya ni Amanda.

"Ha? Naku nakakahiya naman. Pero salamat ng madami", sagot ni Lanz.

Si Elise naman ay namumula na ang mukha sa pagkainis. "Lanz, wala pala akong dalang tuwalya. Pero may dala ka naman diba? Share na lang tayo", sabi ni Elise. Patay malisya na inayos kuno ang kanyang buhok.

"Ha? Sa itinagal tagal mong nag gayak kanina, nakalimutan mo pang magdala ng tuwalya?", napakamot na lang sa ulo si Lanz. Tinignan na naman ni Elise si Lanz na magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Huwag kang mag alala Ellie, may dala akong extra na tuwalya. Hindi mo na kailangan hiramin ung kay Lanz", sabat ni Amanda.

"Ay hindi okay lang Amanda. Ung kay Lanz na lang ang gagamitin ko. Pero thank you", nakangiti na sabi ni Elise. Sa loob loob naman nito ay napipikon na sya kay Amanda.

"Hindi, okay lang talaga sakin. Oh paano, ibigay ko na lang sa'yo mamaya ha", tinapik din ni Amanda ang balikat ni Elise. "Tara na kayo. Sumunod na kayo ha", dagdag pa ni Amanda bago tumalikod at naglakad palayo.

"The nerve of the babaeng walang balakang to touch my shoulder and make tapik like that!", naiiritang sabi ni Elise.

"Magtigil ka na dyan Elise. Dalhin mo itong isang bag mo at ako na ang bahala sa iba pa", sabi ni Lanz.

"Okay fine", sabi naman ni Elise. Inabot nya ung bag mula kay Lanz sabay nagsimula na itong maglakad. Si Lanz naman ay sumunod sa likod ni Elise.

"Pare! Mabuti nakarating kayo", bati ng kaibigan ni Lanz.

"Salamat pare! Nasaan pala si mare?", tanong ni Lanz. Inilapag nya ang kanilang mga gamit dun sa isang nirentahan na tent.

"Okay lang ba kayo na magkasama sa iisang tent kumpare? Sumama kasi ung mga pinsan ni misis kaya medyo nagkulang sa nireserve na tent".

"Oo naman pare. Walang problema dun", sabi naman ni Lanz. "Oo nga pala pare, si Ellie pala", pagpapakilala ni Lanz.

"Hi", nakangiting bati ni Elise. Nakipagkamay naman ang kumpare ni Lanz.

"Kamusta Ellie. Enjoy lang kayo dito ha. Sagot ko naman lahat. Tsaka kung may kelangan kayo magsabi lang kayo ha", sabi ng kumpare ni Lanz.

"Sige salamat", sagot naman ni Elise.

"O sya pare, maiwan ko muna kayo ni Ellie at may aasikasuhin pa ako. Mamaya pala punta tayo sa Kwebang Lampas pagkakain ng tanghalian".

"Sige pare salamat", sabi na lang ni Lanz. Nagsimula na syang mag ayos ng kanilang gamit sa loob ng tent.

Malaki at maluwag naman ang tent. Sakto sa dalawang tao, o kaya naman ay tatlong bata. Pinagmamasdan ni Lanz si Elise. Ibinabaon ni Elise ang kanyang mga paa sa ilalim ng buhangin. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha. Tumingala din ito para lasapin ang sikat ng araw sabay pikit ng kanyang mga mata na para bang ninanamnam ito.

Mula sa kinaroroonan ni Lanz ay kitang kita nya ang leeg ni Elise pati na din ang hubog ng katawan nito mula sa suot nitong damit. Napalunok na lang sya. 'Tangina naman. Eto na naman ang epekto ni Elise sakin', sabi ni Lanz sa isip nya.

Naglatag din ng sapin si Elise sa may buhangin at doon ay humiga ito na para bang nagsa-sunbathing. Suot nito ang shades nya kaya hindi nito alintana ang matingkad na sikat ng araw.

Nang matapos mag ayos ng mga gamit si Lanz, pinuntahan na nito si Elise. Sa wari ni Lanz ay natutulog si Elise kaya't hinayaan na lang nya ito. Nagtungo sya sa kung nasaan ang grupo. Nakipagkwentuhan sya sa mga kaibigan nya na noon na lang nya muling nakita.

"Gelpren mo ba ung kasama mo Lanz?", tanong ng isa nyang kaibigan.

"Naku hindi Sare. Malayong kamag anak ko si Ellie", sabi ni Lanz.

"Ah ganun ba. Tisay at maganda si Ellie, single ba sya?", muling tanong ni Sare.

"Oo single sya pero may pagkapihikan kasi si Ellie".

Tumabi kay Sare ang kasintahan nito. Isa sila sa same sex couples na kasama sa lakad na ito. "Boypren ba ang hanap nya tol o katulad natin?", tanong ng kasintahan ni Sare kay Lanz.

"Naku yan ang hindi ko alam. Tanungin nyu sya mamaya paggising nya", sagot naman ni Lanz.

"Feeling ko katulad natin sya", sabi ni Sare. "Mahal, tara na at maligo na tayo sa dagat", aya ni Sare.

"Sige mahal. Tol, Lanz, maiwan muna namin kayo", paalam nila sa grupo.

"Sama kami. Maligo na din kami", sabi pa ng isang magkasintahan.

Sumunod na din ung iba sa grupo. Lumapit si Amanda kay Lanz.

"Lanz, magswimming ka na din ba?"

"Ha? Maya maya na siguro. Hintayin ko kasi si Ellie".

"May itatanong ako Lanz".

"Ano un Amanda?"

"Alam ko malayong kamag anak mo si Ellie pero siguro naman kilala mo sya ng lubos hindi ba?"

"Ha? Ah eh oo kilala ko naman sya. Bakit mo naman naitanong?"

"Dederetsuhin na kita Lanz", sabi ni Amanda. Napalunok na lang si Lanz. May alam ba si Amanda tungkol kay Elise? Nanatili lang na tahimik si Lanz at hinintay ang sasabihin ni Amanda.

"Feeling ko may gusto sakin si Ellie. Alam mo un? Iba ung mga titig nya sakin", siguradong sabi ni Amanda.

Hindi mawarian ni Lanz kung maiinis ba sya o matatawa sa narinig nya. Napakamot na lang sya sa ulo nya.

"Ah basta Lanz, ramdam ko. Sinabi ko nga un kay Nanay nung isang beses. Nga pala, halika na, maligo na tayo", aya ni Amanda. Akmang hihilain ni Amanda si Lanz. Nagsimula na din na makipagkulitan si Lanz. Umaalingawngaw din ang kanilang mga tawanan.

Sa isang banda, tiim lang ang tingin ni Elise sa kanilang dalawa. Bumangon na ito at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng naghaharutan na sila Lanz at Amanda.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon