Part 7 Ang Pangungulit

103 3 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata. Umaga na pala. Sakto ung sinag ng araw sa mukha ko. Pinilit kong bumangon. Sobrang sakit pa din ng katawan ko. Para akong nabugbog ng todo.

Tangina. Bigla ko na lang naalala.

Nabugbog pala talaga ako. Tumayo ako at naglakad papunta sa harap ng salamin. Dahan dahan kong tinanggal ang tshirt na suot ko. Sobrang ingat kasi hindi ko din maigalaw ng komportable ang aking katawan.

"Ahh..", sambit ko.

Natanggal ko na sa wakas ang tshirt ko. Tumingin ako sa salamin. Mas dumami na ang mga pasa ko. Ung iba sobrang nangitim talaga. Napapikit ako. Inalala kong muli si Elaine. Ang pinakamamahal kong Elaine. Ang nag iisa sa puso at isipan ko.

"Nasaan ka na Elaine?", bulong ko sa sarili ko. Kailangan ko syang mahanap para mabigyan ng kasagutan ang mga tanong sa isip ko.

Napakahirap tanggapin na wala na sya sa buhay ko. Parang kahapon lang nung huli kaming nagkaniig. Ramdam ko pa ang mga yakap at halik nya. Dinig ko pa ang mga pagsambit nya ng pangalan ko. Dama ko pa ang pagsabi nya na mahal din nya ako.

"Elaine..", umagos na ang mga luha ko. Hinayaan ko lang. Minsan kelangan ko din ilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag iyak kasi sobrang sakit na sa kalooban. Tibo ako oo, pero tao lang din naman ako, nasasaktan at umiiyak din ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagbihis ako at noon ay sumampa sa treadmill. Itinodo ko ang music. Inilagay ko ang litrato ni Elaine sa harapan ko. Tumakbo ako. Masakit sa katawan pero pinilit ko ang sarili ko. Tumakbo ako hanggang sa maabot ko na ang maximum na settings. Habol ko ang hininga ko pagkatapos. Nag unat ako. Pinuwersa kong muli ang sarili ko today.

Walang problema sakin ang sakit ng katawan. Mas gusto ko pa nga na nasasaktan ako ng pisikal. Mas nakakalimutan ko kasi ang emosyonal na sakit kapag ganun.

Naligo na din ako at nagbihis. Nilinis ko ang sugat ko sa ulo at tinapalan ko ito ng gasa. Nilagyan ko din ng band aid ang sugat sa ilong ko. Medyo tuyo na din ang sugat sa pumutok na bibig ko.

Naghain na ako. Pinilit ko din na kumain. Bawat nguya, ay sabay sa aking impit na pag iyak. Wala akong gana pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kong magpalakas. Uminom na din ako ng pain killers.

Napatingin ako sa litrato ni Elaine. Nagpa plano akong bawiin sya sa pamilya nya. Sarado ang mga utak nila kaya kelangan ako na ang gumawa ng paraan para sa taong mahal ko. Alam ko itinatago nila si Elaine at ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko sya. Kahit ano pa ang mangyari.

Naglagay pa ako ng ilang gamit sa sasakyan ko. Chineck ko din ang bank book ko. Kaya kong buhayin si Elaine kung sakali man na matuloy ang pagtatanan namin. May sapat na akong ipon para makapagsimula kami sa probinsya. Malayo sa pamilya nyang walang ginawa kundi ang pahirapan at saktan sya. Malayo sa syudad na puno ng panghuhusga.

Nagmaneho ako at deretso ako sa bahay nila Elaine. May malaking gate sila kaya wala ka talagang makikita sa loob. Isinuot ko ang baseball cap ko at lumabas na ako ng sasakyan. Nagtago ako sa likod ng isang puno at nagsimula na akong magmasid.

Nakailang sasakyan din ang lumabas at pumasok sa compound na un. Sa isang time na nagbukas ung gate, nakita ko ung mga bumubog sa akin, sumakay sila sa isang sasakyan at umalis. Nag tiim ang mga bagang ko. Mag focus ka Lanz. Hindi sila ang ipinunta mo dito kundi si Elaine.

Tinawagan ko ang cellphone ni Elaine, cannot be reached pa din ito. Maya pa habang tinatawagan ko si Elaine, bigla kong nakita si Elise na palabas din ng bahay. Kinancel ko ang tawag kay Elaine. Nakabukas na noon ang gate nila at nasa harapan na ang sasakyan ni Elise. Mukha itong may lakad sa hitsura nya. Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Elise.

Ring..

"Hello?", sabi ni Elise. Kita ko din na sinagot nya ang cellphone nya. Ibinaba ko ito. Nagkibit balikat lang si Elise at sumakay na sa likod ng sasakyan. May driver sya. Sumakay ako sa sasakyan ko at sinundan ko sila. Kung meron mang nakakaalam kung asan si Elaine, malamang si Elise un.

Malaki ang posibilidad na may alam sya at sa kanya ako magsisimula na mag obserba. Mabuti na din at naisipan kong magpalit ng numero. Malamang ay na block na din kasi ako. Tumigil ang sasakyan nya sa isang mataas na building sa Makati.

Nag abang lamang ako sa sasakyan ko. Maya pa ay muling lumabas si Elise. Eto na ang pagkakataon mo Lanz. Bumaba ako ng sasakyan ko at dumiretso ako kung saan nakatayo si Elise. May hinahanap sya sa bag nya ng makalapit na ako sa kanya.

"Elise.."

"What on earth are you doing here?!"

"Alam ko na alam mo kung nasaan ang Ate Elaine mo. Kailangan ko syang makausap".

"Hindi ka din marunong umintindi noh? Hindi ikaw ang pinili ng Ate ko so get over it and move on!"

"Not until I talk to her".

Tumawa si Elise. Sabay tingin sa akin na para akong kinukutya.

"Nakikiusap ako sa'yo ng maayos Elise".

"Well, nagsasayang ka lang ng panahon kasi wala akong sasabihin sa'yo kaya puwede ba tigilan mo ako!".

"Huwag kang sumigaw at mag eskandalo dito. Maayos akong nakikipag usap sa'yo".

"Mageeskandalo talaga ako kapag hindi mo ako nilubayan!".

"Nasaan ang Ate Elaine mo? Tell me!", ramdam kong nauubos na ang pasensya ko.

"At bakit ko sasabihin sa'yo? Eh salot ka sa paningin ko! Pwe!", sigaw sa akin ni Elise.

"Uulitin ko Elise, asan ang Ate Elaine mo?!", sumigaw na din ako. Nagulat naman si Elise. Kitang kita na din nya siguro sa mukha ko na sobrang galit na din ako.

"Ate Elaine left for London okay?! She's going to live there for good so puwede ba Lanz, tigilan mo na sya dahil hindi na sya babalik pa sa katulad mong salot sa lipunan!", galit na singhal sa akin ni Elise.

"Alam mong aalis sya and hindi mo man lang sinabi sa akin?!".

Tinawanan lang ako ni Elise. Mas lalo pang naging mapangutya ang mga tingin nya.

"Mabuti na ung ganun Lanz. You don't deserve my Ate Elaine! Hindi ako makakapayag na sa isang katulad mo lang humantong ang Ate ko! Salot! Isa kang malaking salot!".

Lumapit ako at hinawakan ko si Elise sa braso nya. Sa inis ko eh medyo napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Don't touch me! Help!", nagsisisigaw si Elise.

Inilayo ko sya sa entrance ng building dahil bukod sa may CCTV dun eh meron din akong napansin na security guard. Nagsisimula na din kasi na mageskandalo itong si Elise.

"Help me! Hel—", tinakpan ko ang bibig nya at iniyakap ko ang braso ko sa kanya para hindi sya makagalaw pa. Pero nagpupumiglas pa din itong si Elise. Kinagat nya ang kamay ko kaya naman nalipat sa ulo nya ang hawak ko. I held her in a sleep hold position and ilang seconds lang, bumagal na ang pagpiglas nito hanggang sa tuluyan nang natigil ang paggalaw nya. Inihiga ko sya sa daan. Tumingin ako sa paligid ko. Walang tao. Tinignan ko ulit si Elise.

"Elise.. Elise..", banayad kong tapik sa pisngi nya, walang reaksyon.

Fuck!

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon