Part 80 Ang Muling Pagkikita ni Elaine at Elise

46 1 0
                                    

"Saan sila nagpunta Sare?!", galit na sabi ni Elise habang dumiin pa ang kapit nito sa braso ni Sare.

"Aray naman Elise. Kalma ka lang okay? Nagusap lang naman silang dalawa", sabi naman ni Sare.

"Saan nga sila nagpunta? Mahirap bang sagutin ang tanong ko Sare?"

"Naglakad sila patungo dun sa gawing likuran ng bahay. Hindi ko naman alam kung ano ang andun", paliwanag ni Sare.

"Dapat kanina mo pa sinabi!", inis na sabi ni Elise sabay alis ng suot nitong apron. Nagmadali itong naglakad palayo kina Sare.

"Ano ang nangyari dun?", tanong nilg kasintahan ni Sare habang kumakain ito.

"Huy, grabe ka. Inunahan mo pang kumain ang lahat", saway ni Sare.

"Ikaw naman tinikman ko lang", nakangiti na sabi nito.

Piningot naman ni Sare ang tenga nito.

"Ow!", bulalas nito.

"Dumito na muna tayo. Mukhang may tensyon na magaganap kapag nagkita kita na silang tatlo. Maghintay na lang tayo dito", sabi na lang ni Sare.

"Bakit? May alam ka ba tungkol sa kanilang tatlo?"

"Ikaw talaga napaka tsismoso mo! Sa totoo lang, konti lang ang alam ko sa kwento nilang tatlo. Parang ex ata ni Lanz si Elaine, si Elaine na kapatid naman ni Elise".

"Si Elise na ang alyas ay Ellie diba?"

"Oo. Naku ikaw talaga, matagal ko ng ikinuwento un sa'yo eh".

"Bakit kaya nagbalik si Elaine? Hala! Para bawiin si Lanz?!"

"Baliw ka talaga! Maghintay na lang tayo dito. Sana maging okay ang pag uusap nila".

Tumango na lang ang kasintahan ni Sare.

Naglakad ng mabilis si Elise. Hindi na ito mapakali, lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Pero walang bakas nila Lanz at Elaine. Iba ang kaba sa dibdib ni Elise. Hindi nito alam kung matutuwa ba sya o mas lalong mag aalala na andito ang Ate Elaine nya. Hindi naman sa ayaw nya na andun ang Ate nya, pero may mga bagay kasi sya na hindi sinabi hindi lang sa Ate nya kundi pati na din kay Lanz.

'Nasaan na ba sila?', tanong ni Elise sa kanyang sarili. Malaki ang lupain ni Lanz at dahil bago lang dito si Elise, hindi ito pamilyar sa lugar. Tinahak lang nito ang gawing likuran ng bahay base na din sa sinabi nila Sare.

Nagpatuloy si Elise sa paglalakad at noon din ay nakita nya ang isang gazebo. Habang papalapit sya ay mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Kitang kita na nya si Lanz. Nang makalapit pa sya ay nakita na din nya ang kanyang Ate Elaine, nakayakap ito kay Lanz. Natigilan si Elise at akmang tatalikod at maglalakad na sana ng palayo mula sa kanyang nakita. Pero hindi sya makagalaw. Para syang napagkit mula sa kanyang kinatatayuan.

Tahimik ang paligid. Batid ni Elise na hindi na nag uusap sila Lanz at ang Ate Elaine nya. Magkayakap na lang silang dalawa. Sari sari na ang pumasok sa isipan ni Elise. Hindi na din nya mawarian ang kanyang mararamdaman. Dahil gusto na din ni Elise na umiwas sa komprontasyon, yumuko na lang sya at nagbadya na maglalakad na ng palayo.

"Elise!", sigaw ni Elaine nang makita nito si Elise. Itinulak nito si Lanz palayo sabay takbo papalapit sa kanyang kapatid.

"Ate!", sigaw din ni Elise pagka angat ng ulo nito.

Tumakbo din si Elise patungo kay Elaine. "Elise!", sigaw muli ni Elaine. Nang magtagpo ay mahigpit na nagyakap ang magkapatid.

"Ate..", naiiyak na sabi ni Elise.

"Elise, namiss kita. Kamusta ka?"

"Ate, kailan ka pa bumalik? Paano mo ako natunton dito?", naiiyak nang tanong ni Elise.

"Mahabang storya Elise. Masaya ako na nakita kitang muli".

"A—Ako din Ate. Namiss din kita ng sobra".

"Elaine, Elise..", si Lanz na ang nagsalita nang makalapit na ito sa magkapatid. "Dun muna ako sa loob ng bahay para makapag usap kayo ng masinsinan", huling sabi nito sabay tapik sa balikat ni Elaine. Lumapit din sya kay Elise sabay halik sa pisngi nito. Napakunot ang noo ni Elaine sa kanyang nakita. Napahawak din sya sa balikat nya na noon ay tinapik ni Lanz. Kumirot na naman ang kanyang puso sa kanyang mga nakita.

Hindi nagtagal at nagtungo ang magkapatid sa may gazebo at naupo sila na magkatabi. Ilang minuto din ang lumipas bago naglakas ng loob na magsalita at magtanong si Elaine.

"So Elise.. anong meron sa inyo ni Lanz?"

"Ate, it's not what you think", malungkot na sagot ni Elise.

"What is it then?"

"Ate, please. Huwag ka sana magalit sakin o kay Lanz. We didn't expect to—", natigilan ito.

"You didn't expect to what? Fall for each other?", si Elaine na ang nagsabi.

"Ate.."

Napaiyak na lang si Elaine. "Elise, ibinigay mo ba kay Lanz ang liham na isinulat ko para sa kanya bago ako umalis?", seryosong tanong nito.

Hindi nakasagot si Elise. Napayuko na lang ito. "I'm sorry Ate".

Hindi makapaniwala si Elaine sa mga naririnig nya mula kay Elise. "Bakit Elise? Bakit hindi mo ibinigay kay Lanz? Un na nga lang ang hiniling ko sa'yo dati", nagsimula ng mangilid ang mga luha ni Elaine.

"Ate, alam kong hindi ko na maibabalik ang nakaraan at hindi ko na maitatama ang mga pagkakamali ko. Pero sana mapatawad mo ako Ate. Galit ako kay Lanz dahil ang nasa isip ko lang nun ay ipinahamak ka nya. Wala akong pakialam sa pagmamahalan nyu sa totoo lang. Un ang dahilan kung bakit hindi ko ibinigay ang liham mo Ate. Hindi ko gusto si Lanz para sa'yo".

"Hindi mo sya gusto para sakin kasi mas gusto mo sya for you?"

"No Ate, it's not what you think. Hindi ko naman inexpect na—", natigilan si Elise.

"Na ano Elise?"

Napayuko si Elise. Bakas sa mukha nito ang matinding kalungkutan. "Na mag-fall kay Lanz Ate", pagkasabi nito ay iniangat ni Elise ang ulo nya at lumapit kay Elaine. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Elaine. "Ate, I'm sorry. Alam ko na mali pero wala na akong magagawa eh. Andito na tayong lahat. I'm really, really sorry Ate".

Nakatingin lang si Elaine kay Elise.

Pak! Sa bugso ng damdamin ni Elaine ay nasampal nya si Elise. Napahawak naman sa kanyang pisngi si Elise. "Ate..", naluluha na sabi nito.

"Of all people Elise, sa'yo ako lubos na nagtiwala. Hindi ko akalain na ikaw mismo ang ta-traydor sakin. Thanks for nothing Elise", huling sabi ni Elaine sabay talikod at lakad palayo kay Elise.

"Ate!", umiiyak na sigaw ni Elise.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon