Part 12 Aso't Pusa

65 2 0
                                    

Binuhat ko si Elise papasok sa bahay. Salamat naman at hindi na ito nakipagtalo pa sa akin at hinayaan nya akong tulungan sya. Minsan kailangan din kasi ng babaeng ito na sinisigawan sya, masyado din kasing matabil ang mga dila nya.

Pagpasok sa bahay, dahan dahan ko syang iniupo sa sofa. Medyo naka angat ang paa nya, napansin kong hindi nya ito inilapat sa sahig. Nakatitig ako sa kanya, badya ko na hindi sya komportable at parang malapit na syang umiyak. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Elise. Lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ko ang apektadong paa nya—

"Ouch! Ow! Owww!", napapikit na lang sya sabay kapit sa hita nya at kagat sa mga labi nya.

Dahan dahan kong inalis ang rubber shoes na suot nya. Tinanggal ko na din pati ang medyas nya. Tinignan ko ang paa nya, yeah, maga na nga ung bandang bukung bukong nito, sobra. Bukod sa namamaga ito eh namumula din. Naramdaman ko na medyo loose din ung paa nya, ibig sabihin parang nabalian sya. Kaya ganun na lang ito magsabi na nasasaktan sya. Mas lalo ako nakaramdam ng awa sa lagay nya ngayun.

Nung nag military training ako nung kolehiyo ako, tinuruan din kami ng ilang immediate first aid treatments. May mga karanasan din ako dito kasi ang lola ko din ay magaling maghilot kaya naman unti unti kong sinubukan na hilutin ang paa ni Elise.

"Ouch! Fuck Lanz! Dahan dahan naman!", nagsimula ng tumulo ang mga luha nya.

"Hindi ka lang natapilok, may bali ka din".

"And how do you know that aber? Doktor ka ba? I don't believe you Lanz".

Hindi ko pinansin si Elise. Kinuha ko ung maliit na side table at inilagay ko un sa ilalim ng binti nya, para nakalaylay lamang ang paa nya. Tumayo ako at kumuha ng isang pirasong mansanas sa ref. Kumuha na din ako ng dahon ng tuba, tela mula sa isang lumang damit ko at kandila.

Ibinigay ko kay Elise ang mansanas. Tinignan ako nito na para bang kinukwestyon nya kung bakit ko sya binigyan nito.

"Kagatin mo".

"What??"

"Bite the apple".

"Duh! Nakakaintindi ako ng tagalog Lanz noh! Ang itinatanong ko eh kung bakit mo ako binigyan nito?"

"Basta. Kagatin mo lang yan. Un lang gagawin mo Elise so please lang sumunod ka naman".

Natigilan ito. Sa wakas ay kinuha nya na ung mansanas mula sa kamay ko. Lumuhod akong muli sa harapan nya.

"Elise..", kinuha ko ang atensyon nya habang hawak ko na ung paa nya.

"What?", singhal nya sakin.

"Bibilang ako ng hanggang tatlo pero bago ako magbilang, kagatin mo na ung mansanas".

Sumunod naman ito sakin. Kinagat na nito ang mansanas.

"Isa, dalawa—", bago ako makarating sa tatlo, nai twist ko nang muli ang paa nya.

"Owww! What the actual fuck Lanz! Fuck!", tuluy tuloy na sigaw ni Elise.

Kita at ramdam kong dumiretso na ang hitsura ng paa ni Elise. Nakumpirma ko din na may bali nga. Buti na lang at naitama na agad. Sinindihan ko ung kandila at ininit ko dun ung dahon ng tuba. Inilapat ko un sa bukong bukong ni Elise saka ko tinalian ng tela. Sa buong proseso na ito, nakita kong nakatingin lang si Elise sa mga ginagawa ko. Nang biglang tinignan nya ako, sinalubong ko din ang tingin nya.

"Kaya mo na bang maglakad?", tanong ko kay Elise.

"Hindi kasi gagapang ako diba. Alam mo na ngang ganito ang lagay ko tapos magtatanong ka pa ng ganyan?", inirapan nya ako. Nawawalan na ako ng pasensya sa mga ikinikilos ni Elise. Ano ba itong pinasok ko? Hay nga naman. Grabe din ang babaeng ito.

Narealize ko na nakatulong ung ginawa ko kasi medyo magaling na itong si Elise. Unti unti na kasing nababalik sa nang aaway na version ang personalidad nito. Sa pag irap ni Elise ay dinig namin pareho ang pagkalam ng sikmura nya. Nagkatinginan na lang kami.

"Gutom ka na? Gusto mo ng kumain?", tanong ko kay Elise. Tumango na lamang ito.

Binuhat ko syang muli at iniupo ko sa upuan sa may lamesa. Ininit ko na din ung pagkain at ipinaghain ko syang muli. Nakatitig lamang sya sa pagkain na nasa harapan nya.

"What's that?"

"Fried tilapya and chop suey. Eto ang kanin", sabi ko naman sa kanya.

Pinili lang ni Elise ung chop suey. Hindi nya din ginalaw ang kanin at pritong tilapya. Medyo mabagal din kumain itong si Elise. Parang ninanamnam ang mga gulay na kinakain nya. Maya pa ay tumindig ako at kumuha ng isang baso at nilagyan ko un ng tubig. Un ang binigay ko sa kanya.

"Ayaw mo ng ulam?", tanong ko.

"I don't eat fish and rice", siwalat nito sakin.

Iniwas nyang muli ang sarili nya sakin. Ayoko sanang binabara din ako nitong si Elise kasi mas magkakaroon sya ng lakas ng loob na tanungin ako ng mga questions nya kung bakit sya andito. Tahimik naman na itinuloy ni Elise ang pagkain nya.

"Hayaan mo bukas bibili ako ng pagkain natin. Huwag kang tatakas ha".

"Duh! Paano ako tatakas kung ganito ang lagay ko ha Lanz? Nag iisip ka ba? Anung gusto mo? Lumipad ako?", inirapan na naman nya ako. Sa totoo lang, natatawa na ako dito kay Elise.

"Puwede din. Lalo na kung nagiging manananggal ka pala. Alam mo ung humihiwalay ung mula bewang pataas tapos may pakpak at nalipad?".

"What are you saying?", medyo inis na naman itong si Elise.

"Sabihan mo lang ako kung saan mo iniwan ung kalahati ng katawan mo, para alam ko ba kung asan ka".

Bigla akong binato ni Elise ng balat ng saging. Saktong sakto sana sa mukha ko pero nasalo ko ito. Muli ay tinignan ko si Elise.

"Sumosobra ka na ha. Pasalamat ka at pinagbibigyan lang kita".

"Bakit ba ako andito Lanz? Ano ba ang binabalak mo sakin? Hahanapin ako ng pamilya ko at kapag nalaman nila itong mga ginagawa mo sakin, paniyak eh mananagot ka sa kanila", mahinahon naman na paliwanag ni Elise. Kinuha ko ung cellphone nya na nasa bulsa ko.

"Itext mo sila. Sabihin mo nasa kaibigan mo ikaw at magbabakasyon ka lang ng ilang araw", sabi ko sabay abot ng cellphone sa kanya.

"Ilang araw?!", sumigaw na naman itong si Elise.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon