Part 39 Sa Albularyo

67 1 0
                                    

Kumapit si Elise sa leeg ko. Binuhat ko sya at isinakay ko sya sa truck ko. Tahimik lang si Elise. Ni hindi nya ako kinontra na binihisan ko sya kanina at binuhat ko sya ngayun. Walang lakas ang dragona ko. Inilagay ko ang seatbelt nya at sumakay na din ako sa driver's side.

Pasulyap sulyap ako kay Elise. Mukhang natutulog ito. Hinimas ko ang pisngi nya na mas tumambok pa dahil sa pamamaga. Bumaba ang kamay ko sa kamay nya. Hinawakan ko ito. Bigla kong naalala si Elaine.

Ganito kasi kami ni Elaine kapag ako ang nagmamaneho. Hawak ko ang kamay nya habang ung isang kamay ko ay nasa manibela. Ngayon, ginagawa ko din ito kay Elise. Hindi na naman nya ako pinigilan. Pinisil ko ang kamay nya. Ang lambot ng kamay ni Elise. Wala talagang kakalyo kalyo.

Narating na namin ang bahay ni Inang Puring. Maliit lang ang bahay nila subalit malaki at malawak naman ang hardin nito. Sobrang daming halaman ni Aling Puring. Natanaw ko na sya kaagad nang makarating kami. Itinawag ko na kasi kaagad na dadayo kami ni Elise at sasadyain namin sya.

Matapos akong mag park ng sasakyan, kinausap kong muli si Elise.

"Elise, andito na tayo. Okay ka lang ba?", isang tango lang ang isinagot sakin ni Elise.

Bumaba na ako at ipinagbukas ko sya ng pintuan. Nang makita at mapagtanto ko na nanghihina pa sya eh binuhat ko syang muli. Sinalubong naman kami ni Aling Puring.

"Lanz, parini na sa loob. Dun mo sya iupo sa may sofa sa sala", sabi ni Inang Puring. Tinapik din nito ang balikat ni Lanz.

"Salamat po sa pagpapaunlak Inang Puring".

"Naku eh walang anuman Lanz", sabi naman ng matanda. Itinuro nito ang sofa kung saan nya dapat ihiga si Elise.

Maya pa eh kumuha ng isang malaking lalagyan si Inang Puring. Pinuno nya ito ng tubig. Nagsindi na din sya ng kandila at sinimulan na nyang initin ang tawas sa apoy ang kandila. Habang ginagawa nya ito ay taimtim din syang nagsasamo ng dasal.

Matapos nyang initin ito ay inilubog nya ang tawas sa tubig. Umusok ito ng saglit. Pag angat ni Aling Puring ng tawas ay pinagmasdan nyang maigi ito.

"Lanz, saan kayo nanggaling ni Elise?", tanong ni Inang Puring.

"Dumalo ho kami sa pasilungan nung kababata ko nung isang gabi", sagot ko naman.

"May nadaanan ba kayung palayan or liblib na daan?"

"Oho. Binaybay ho namin ung pilapil ng palayan na malapit na sa kabilang ibayo".

"May nakikita kasi akong palaka dito sa tawas ko".

"Palaka?!", sabay na sabi nila Lanz at Elise.

"Like frog? Lanz, what does that mean?", tanong ni Elise. Ibinaling naman ni Lanz ung tanong sa matanda.

"Ano hong ibig sabihin nun Aling Puring?"

"Wala bang nakitang palaka si Elise nung gabing un?", tanong naman ni Aling Puring. Napatingin ako kay Elise.

"Uhm.. may palaka akong nakita sa palayan. It was staring at me", sagot ni Elise.

"Kailan?", tanong ko naman kay Elise.

"Nung iniwan mo akong mag isa dun. Sa sobrang inis at takot ko eh naupo ako dun sa isang malaking bato", kwento ni Elise.

"Tapos?", si Lanz muli ang nagtanong.

"Well, I was pissed that time kaya binato ko ng bato ung palaka", inosenteng sabi ni Elise.

"Sa susunod eh hayaan mo na lang ba ang mga ganun na nasa paligid mo", payo ni Inang Puring.

"Okay..", sagot naman ni Elise.

May dinikdik na dahon si Inang Puring sabay lagay din ng langis. Saka nito ipinahid sa buong mukha ni Elise.

"Uhm Lanz, what is she doing?", buong pagtataka na tanong ni Elise.

"Ginagamot ka. Shh wag ka na muna mag ingay dyan".

Matapos ipahid sa buong mukha ni Elise ung ginawa ni Aling Puring, nagsimula na naman itong magsamo ng dasal. Saka nito dinurog ng pino ung tawas.

"Hay sya. Puwede na kayo umuwi. Ipahinga mo sarili mo Elise".

"Salamat po Inang Puring", sabi ko sabay abot ng pera sa kanya. Tinanggihan naman ito kaagad ng matanda.

"Itabi mo na laang iyan Lanz. Harinawa eh makatulong ako at tuluyan ng gumaling si Elise".

"Salamat pong muli Inang Puring. Sige ho alis na ho kami", yumakap ito kay Aling Puring.

"Thank you po", sabi naman ni Elise.

Napansin kaagad ni Lanz na kaya na ni Elise ang tumindig at maglakad. Hay salamat at umiepekto na ung ritwal na ginawa ni Inang Puring. Pinagmamasdan ko sya habang naglakakad ng—

"Lanz!"

Napatingin kaming dalawa ni Elise.

"Oy Amanda! Andito ka pala", sabi ko.

"Oo, kadarating ko lang galing bukid. Aalis na ba kayo? Huwag muna! Ipagluluto ko kayo ng pagkain", sabi nya.

"Ah ganun ba, eh di sige", sagot ko naman.

Pagbaling ng tingin ko kay Elise, nakasimangot na ito.

"Oh! Anu nangyari sa'yo?"

Hindi ako sinagot ni Elise. Matalim ang tingin niya sakin.

"Bakit?? Bakit ganyan ka na naman makatingin? Eto talaga oo. Kagagaling mo lang sa sakit tapos ganyan ka pa?", sabi ko.

"Napakamanhid mo Lanz..", mahinang sagot nya.

Ako? Manhid? Ano ba sinasabi ng babaeng ito? Nag kunyari akong hindi ko sya narinig.

"Anong sabi mo?"

"Wala.."

"Ano nga? Hindi ko kasi narinig eh".

"Wala nga!", singhal nito sakin.

Napa atras tuloy ako ng di oras. Grabe talaga ang dragonang ito kapag nagbubuga na ng apoy. Kailangan marunong kang umilag kahit papaano.

"Huwag muna tayo umuwi. Dito na tayo kumain", mahinahon na sabi ko kay Elise.

"Ayokong kumain dito. At ano na naman ang iluluto nya? Gata na naman??", sarkastikong tanong nito.

"Huwag ka naman ganyan. Nanay nya ang nakagamot sa'yo".

"Nanay nya at hindi sya..", pasaway na sagot ni Elise.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo ha Elise? Pagdating kay Amanda eh ang init init ng ulo mo kaagad? Nagmamagandang loob lang naman ung tao".

"Malandi lang talaga yang babaeng walang balakang na yan", sabi nito sabay irap.

"Ayan na naman ang walang balakang. Meron syang balakang, maliit nga lang".

Hinampas akong bigla ni Elise.

"Owww!", sabi ko na lang. Lumalagitik ang hampas nito. Nanunuot sa kaibuturan ng kalamnan ko. Oo, galit nga ito. Ramdam na ramdam ko eh. Wagas kung makahampas.

"Ayokong kumain ng luto ng babaeng walang balakang", dinig kong sabi ni Elise.

"Sinong babaeng walang balakang?", nagulat kaming pareho ni Elise nang nakalapit na pala sa amin si Amanda.

Napatingin ako kay Elise ng di oras. Akmang magsasalita na ito.

Shit!

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon