Part 5 Ang Liham

90 2 0
                                    

lang oras na kaya akong naiyak? Hindi ko na napansin. Ang alam ko lang ay pagod na ako. Pagod na pagod. Pinakiramdaman ko din ang sarili ko. Ang sakit ng katawan ko. Sa totoo lang, walang problema sa akin kung pisikal na sakit. Etong emosyonal na sakit ang dumudurog sa akin ng todo.

Maya pa eh naramdaman ko na na may pumasok sa kwarto. Naglapag ito sa lamesa ng sa tingin ko ay pagkain. May nadinig kasi akong mga kubyertos at plato. Lumapit na sa akin ang nagdala ng pagkain. Lumuhod ito sa gilid ng kama. Pagtingin ko, si Elise pala.

"Ate, kumain ka na please. Para magkaroon ka ng lakas", sabi nito.

Sobrang mugto na ng mga mata ko kaya halos hindi ko na ito maimulat ng maayos. Batid ko na mukha ding nasasaktan si Elise sa mga nangyayari. Bakas sa mukha nya ang lungkot.

"Ate.. please..", muli nitong pakiusap sa akin.

Pero, wala talaga na akong lakas pa upang magpatuloy. Gusto ko ng matapos dito ang lahat lahat. Ngayon na alam kong magiging ligtas si Lanz mula kay Kuya, wala ng saysay pa para sa akin ang ituloy pa ang buhay ko. Oo, puwede kong mahalin pa din si Lanz ng patago pero makakaya ko ba na magsimula na din syang magmahal ng iba?

Hindi ko ata kakayanin. Mahal na mahal ko sya. At kahit sarili kong kaligayahan at pagibig ang kapalit ng kanyang kaligtasan, gagawin at tatanggapin ko. Muli na naman akong umiyak. Sabay sa pag agos ng mga luha ko ay ang kirot na nararamdaman ng puso ko. Kung may literal na namatay ang puso, ako na ata un.

"Ate..", muli ko na namang narinig ang boses ni Elise. Ahh, buhay pa pala ako. Nakakadinig pa ako eh.

"Ate.. anung puwede kong gawin para makatulong sa'yo?", tanong ni Elise sa akin. Hinahaplos nya ang aking balikat. Inayos din nya ang buhok ko. Bigla akong may naisip. Bumangon ako agad at pinunansan ang mga luha ko. Hinawakan ko ang mga kamay ni Elise.

"Elise.. may ipapakiusap sana ako sa'yo", taimtim kong pagsumamo sa kanya.

"Kahit ano Ate. Sabihin mo lang", sabi naman nya sa akin. Bigla akong nabuhayan ng loob.

"Gusto ko sana na makipagkita kay Lanz", pagtatapat ko. Biglang binawi ni Elise ang mga kamay nya.

"Ha? Ano ka ba Ate Elaine? Alam mo naman ang sitwasyon diba? Alam mong bantay sarado ka dito. At mamayang gabi na ang flight mo papuntang London".

Tama si Elise. Masyadong delikado kapag pinilit ko pang makipagkita kay Lanz. Baka lalo lang syang mapahamak kapag nagkataon. Hindi ko na talaga kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.

"Elise.. ikaw na lang ang makipagkita kay Lanz", suhestyon ko.

"Nababaliw ka na ba Ate? Galit ako sa taong un. Nang dahil sa kanya, malalayo sa sa akin, sa amin", galit na sabi ni Elise.

"Elise.. hindi mo naman sya kailangan kausapin eh. May ibibigay ka lang na liham sa kanya. Isusulat ko ngayon. Please Elise. Nakikiusap ako. Para kahit tuluyan akong mahiwalay kay Lanz eh maipaliwanag ko naman ng maayos ang mga naging desisyon ko".

Napaisip din si Elise. 'Please pumayag ka na', yan ang taimtim kong panalangin. Ito lang kasi ang naiisip ko na paraan para magkaroon naman ng closure ung relasyon namin ni Lanz. Ito ang tamang gawin. Lanz deserves an explanation, kahit hindi na sa personal, kahit sa pamamagitan na lang ng isang liham.

Bumuntong hininga si Elise sabay tumango ito. Niyakap ko sya ng mahigpit. Sobrang saya ko na napapayag ko si Elise. Inabutan nya ako ng papel at ballpen. Nagsimula na akong magsulat..

Mahal kong Lanz,

Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad dahil hindi ako makakarating ngayon dito sa tagpuan nating dalawa. Nagbago na ang desisyon ko at mas pinili kong sundin na lang ang kagustuhan ng aking pamilya.

Alam ko handa kang ipaglaban ako. Pero, ako na mismo ang bibitaw sa ating dalawa. Dalangin ko ay sana makahanap ka ng taong tunay at tapat na magmamahal sa'yo.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga oras na tayo ay magkasama. Ung mga oras na nangangarap tayo ng magandang kinabukasan. Ung mga oras na ramdam na ramdam kong mahal na mahal mo ako.

Mula ng makilala kita ay nagbago na ang mga pananaw ko sa buhay. Sinabayan ko ang pangarap mo na mamuhay ng payak pero masaya. Wala akong pinagsisisihan sa lahat lahat ng nangyari sa ating dalawa.

Sa mga panahon na kasama kita, naramdaman ko ang tunay na kahulugan ng pagpaparaya at pagpapaubaya. Ngayon ko mas nararamdaman na minahal kita ng higit pa sa sarili kong buhay.

Salamat sa lahat Lanz. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.

Elaine

"Ate.."

Inabot ko kay Elise ang liham. Wala ng humpay ang aking pag iyak. Niyakap akong muli ni Elise at noon ay hinayaan ko lang na lamunin ako ng aking mga luha..
__________

Napatingin ako sa salamin. Nagsisimula ng lumitaw ang mga pasa ko sa mukha. May ilan ding sugat sa mukha ko. Dahan dahan kong tinanggal ang suot kong damit.

"Ah!", napapikit na lang ako. Huminga ako ng malalim at itinuloy ko ang pagtanggal ng damit ko. Nang matanggal ko ito, tumingin akong muli sa salamin. Umikot din ako para mas makita ko pa ang mga inabot ko sa kamay ng mga bumugbog sa akin.

May malaki akong pasa sa gawing tagiliran ko. Madami din akong mga pasa sa likod at sa tyan ko. Muli kong tinignan ang aking mukha. Pumutok din pala ang mga labi ko. May sugat din ako sa may gitna ng ilong ko. Tsk. May umaagos pang dugo sa bandang ulunan ko. Kinuha ko ung damit ko at syang pinangtakip ko sa dumudugong sugat ko.

Huminga akong malalim. Medyo masakit din ang aking paghinga. Hindi ko din alam paano ako nakauwi pagkatapos ng sinapit ko kanina.
Bumili lang ako ng mga kakailanganin namin ni Elaine kapag nagtanan kami.

Paglabas ko ng tindahan, sinalubong na ako ng mga suntok at tadyak. Ung isa pa sa kanila ay may brass knuckles na suot. Kaya pala bugbog sarado ang mukha at katawan ko. Sa totoo lang, wala akong pakialam kung anu man ang mangyari sa akin. Ang mas inaalala ko ngayun ay si Elaine.

Malinaw sa pandinig ko na sinabihan akong tigilan ko na si Elaine. Mas lalo lang akong nag alala. Wala pang message si Elaine. Buti na lang at nasa sasakyan ung cellphone ko at hindi nasira nung binubugbog ako.

Nagbihis na ako at nagempake ng mga damit. Inilagay ko na din un sa sasakyan ko. Nagsuot na lang din ako ng cap, para na din maitago ng bahagya ang aking mga pasa. Ayoko din na mag alala sa akin si Elaine kapag nakita nya akong ganito.

Ding!

Biglang tumunog na ang cellphone ko. Dali dali ko itong kinuha at binasa ang message.

Magkita tayo sa coffee shop, in 15 minutes.

Bigla akong nabuhayan ng loob. Napatingin ako sa relo ko. Dagli akong uminom ng pain reliever at nagmaneho na agad papunta sa coffee shop.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon