Part 65 Si Manang Flor

64 3 0
                                    

Dali dali na tumakbo si Elise papunta kay Manang Flor.

"Elise!", sigaw naman ni Manang Flor. Niyakap nito nang mahigpit si Elise. Si Elise naman ay nagsimula nang mangilid ang mga luha.

"Manang Flor! Hindi po ako makapaniwala na andito kayo. Paano nyu po ako natunton?", tanong ni Elise.

"Mahabang kwento Elise. Masaya ako na okay ka at malayo sa panganib", mas humigpit pa ang yakap ni Manang Flor kay Elise.

"Lanz, sa loob na kaya muna tayo ng bahay? Hindi kasi kami mapakali kapag andito tayo sa labas. Alam mo na, baka may makakita pa sa atin dito", sabi ni Sare.

Si Lanz naman ay nakakunot ang noo. Nakatingin lang ito kina Elise at Manang Flor. Hindi din ito makapaniwala na sinuway sya ni Elise. Ilang beses nitong sinabi na huwag lalabas ng bodega pero heto ito ngayun, nasa labas. Napapikit na lang si Lanz sa dismaya. Napabuntong hininga na lang ito.

"Halina tayo sa loob ng bahay at dun makapag usap", aya ni Lanz.

Pumasok na sila sa bahay ni Lanz. Nagkatinginan sila Lanz at Elise at kitang kita ni Lanz sa mga mata ni Elise ang hindi nito mawarian kung pag aalala ba o pagkapanatag. Sino ba itong Manang Flor? Wala naman nababanggit si Elise tungkol dito pero mukhang malapit sila sa isa't isa.

Nag init ng tubig si Lanz. Inihanda naman ni Sare at kanyang kasintahan ung mga tasa para sa kape. Sila Elise naman at Manang Flor ay nakaupo sa sala. Panaka naka ang tingin ni Lanz sa gawi nila Manang Flor at Elise.

Yumakap muli si Elise kay Manang Flor. "Manang Flor, hindi talaga ako makapaniwala na andito ka. Si Mommy, kamusta? Ang Kuya kamusta?", tanong ni Elise. "S—Si Ate Elaine? May balita na ba sa kanya?", medyo mahina ang tanong nito sa huli. Parang ayaw nitong marinig ni Lanz ang pangalan ng Ate Elaine nya.

"Elise, okay naman si Mommy mo. Nasa Amerika sya ngayon, may aasikasuhin daw sa negosyo. Si Ate mo Elaine, wala kaming balita. Ang huli naming alam ay ikinasal na sya", malungkot na sabi ni Manang Flor?

"Ikinasal? Ha? Kanino?", buong pagtataka na tanong ni Elise.

"Sa kababata nya. Kay Theo".

"Kay Theo?!", bulalas ni Elise. Napatakip ito ng kanyang bibig. Hininaan din nito ang kanyang boses. "Eh walang kwenta un eh! Bakit sa kanya pa?", tanong ni Elise. Nagkibit balikat na lang si Manang Flor.

"Hindi din namin alam. Biglaan pati. Sila Mommy mo lang ang umattend at sa London ginanap".

"Manang Flor, paano nyu ho ako natagpuan? Malayo at liblib ho itong Pagbilao".

Hinawakan ni Manang Flor ang mga kamay ni Elise. "Elise, huwag ka sana mabibigla. Alam na ng Kuya mo na andito ka. May tumawag sa kanya na tiga dito sa Pagbilao. Narinig ko ang kanilang pag uusap. A—Amanda Santillan ung tumawag", sabi ni Manang Flor.

Napanganga na lang si Elise. 'At ang malanding hipon na babaeng walang balakang pala ang dahilan! Naku nga naman', sumagi sa isipan ni Elise. Ikinalma nito ang kanyang sarili.

"Kilala mo ba un Elise?"

"Opo Manang Flor. Medyo tsismosa nga po ang babaeng un. Ano ho ang sabi ng Kuya?"

"Alam mo naman ang Kuya mo Elise. Nag usap usap sila ng kanyang mga tauhan. Hindi ko na napakinggan ung pag uusap nila kasi pribado. Pero kilala mo naman ang Kuya mo Elise. Kaya't inunahan ko na sya dito. Nagbaka sakali lang ako na makita kita. Naswertihan lang", paliwanag ni Manang Flor.

"Mabuti na lang ho at sila Sare ang nakausap nyu. Mabuti ho silang kaibigan ni Lanz".

"Lanz? Sya ba ung sumalubong sa amin?"

"Opo. S—Sya ho ung dating kasintahan ni Ate Elaine", malungkot na sabi ni Elise.

"Naku eh ganu ba? Eh bakit ka naman andito kasama nya? Ano ba ang nangyari sa'yo Elise? Nung una ang akala naming lahat eh nagbakasyon ka lang kasama ng mga kaibigan mo. May mga text ka pa dati tapos bigla na lang nawala".

Natigilan si Elise. 'Ah baka un ung panahon na wala ng battery ang cellphone ko. Nawala na din sa isip ko ang tungkol sa cellphone na un ah. Wala din ako maalala na nagtext ako sa bahay. Baka si Lanz kasi nasa kanya naman ang cellphone ko dati', sabi ni Elise sa kanyang sarili.

Maya maya pa eh inilapag na nila Lanz ang mga kape sa lamesa.

"Magkape po muna tayo", sabi ni Lanz.

"Ah Lanz, si Manang Flor pala. Manang Flor, si Lanz ho", pagpapakilala ni Elise.

"Kamusta po kayo?", tanong ni Lanz habang nakipagkamay ito.

"Mabuti naman. Ikinagagalak kitang makilala Lanz", nakipagkamay naman si Manang Flor sa kanya.

"Ellie, este Elise..", panimula ni Sare.

"Sare, pasensya na kayo ha. Kailangan ko lang kasi itago ang totoo kong pagkatao. Medyo maimpluwensya kasi ang pamilya ko. Meron lang pati akong mga inaayos kaya ako andito", pagtatakip ni Elise kay Lanz. Nang tinignan si Lanz ni Elise, walang emosyon sa mukha nito.

"Naku wala un Elise. Simula ngayon Elise na ang itatawag namin sa'yo. Un eh kung magkakasama lang tayo. Kapag may ibang tao, Ellie itatawag namin sa'yo".

"Salamat Sare. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito", sabi na lang ni Elise.

Maya maya pa eh nagpaalam na sila Sare. Naiwan na sa bahay sila Lanz, Elise at si Manang Flor.

"Eto po Manang Flor", sabi ni Lanz sabay abot ng isa pang kumot sa matanda. "Medyo malamig po kasi dito sa madaling araw", dagdag pa nito.

"Salamat Lanz. Napakabuti mo", sabi naman ni Manang Flor.

"Manang Flor, mauna na ho kayong magpahinga. Kakausapin ko lang ho si Lanz", paalam ni Elise. Tumango na lang ang matanda. Isinara ni Elise ang pintuan ng kwarto saka nito hinanap si Lanz. Andun ito na nakaupo sa hapag. Malalim ang iniisip nito.

"Lanz..", naupo si Elise sa isang upuan na malapit kay Lanz.

"Elise, isa lang ang sinabi ko kanina sa'yo na dapat mong gawin. Pero hindi mo pa din ginawa. Sinuway mo pa din ako", malungkot na sabi ni Lanz.

"Lanz, pasensya ka na. Nang makita ko si Manang Flor, lumabas ako kaagad. Si Manang Flor ang nag alaga sa amin nung mga bata pa kami. Sobrang malapit ang loob namin sa kanya. Wala na akong ibang naisip nang makita ko sya kundi ang yakapin sya nang mahigpit", paliwanag ni Elise.

Napabuntong hininga na lang si Lanz. Lumapit ito kay Elise at niyakap nya ito.

"Sa susunod, huwag mo nang uulitin un. Pinag alala mo ako ng todo".

"Sorry Lanz".

"Shh. Okay na un. Kalimutan mo na", pag alo ni Lanz kay Elise.

Biglang natigilan si Elise.

"L—Lanz, alam na pala ni Kuya kung nasaan ako. Ang babaeng walang balakang ang nagsabi sa kanya".

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon