Part 4 Tanan

97 1 0
                                    

Pinapanood ko si Ate Elaine habang nageempake sya ng mga gamit nya. Hindi talaga ako mapalagay sa mga nangyayari. Nang sinabi sakin ni Ate Elaine na magtatanan na sila ni Lanz, mas lalong tumindi ung galit na nararamdaman ko dun sa Lanz na un.

I mean, kung mahal nya talaga ang kapatid ko eh dapat papalayain nya ito at hindi bibigyan ng isa pang problema. Lumapit ako kay Ate Elaine. Hinawakan ko ang mga kamay nya. Bigla syang napatingin sakin.

"Ate.. please reconsider your decision. Walang patutunguhan itong ganitong klaseng relasyon na meron kayo Ate. Please, makinig ka sakin", pagsumamo ko kay Ate. Pinisil nya ang mga kamay ko.

"Elise, mahal ko si Lanz at mahal din nya ako. Alam ko medyo mahirap intindihin kasi hindi ka pa nakaranas na umibig ng tapat at totoo".

"Ate, kahit naman hindi ako umibig may mga nakakarelasyon din naman ako kahit papano. Pero, hindi mga tibo Ate. Huwag sa mga tibo. Puro kamalasan lang sila sa buhay Ate, please listen to me, please", muling pagsumamo ko.

"Elise, mabait si Lanz if you get to know her. Sya talaga ang mahal ko. Ipaglalaban ko sya hanggang sa huli. At wala kahit na sino ang makakapigil sa amin", determinadong sabi sakin ni Ate. Itinuloy nya ang pageempake.

"Ate.."

"Elise, sa'yo pala magtetext si Lanz kung saan kami magkikita. Samahan mo ako ha?".

"Ate, iiwan mo ba ba ako? Mas importante na ba talaga si Lanz kesa sa akin? Kesa sa amin nila Mommy and Kuya?", naiiyak na ako.

Tumayo si Ate Elaine at niyakap nya ako. Ayoko itong mga nangyayari. At wala akong ibang sinisisi kundi ang walang kwentang Lanz na un. Sinira nya si Ate Elaine. At sisirain nya din ang buong pamilya namin.

"Elise, babalik ako kapag medyo okay na ang lahat. Kapag medyo tanggap na si Lanz. Sa ngayon kasi eh mahirap pa. Medyo mataas pa ung tensyon", paliwanag ni Ate sakin. Muli ay itinuloy nya ang pageempake.

Nanatili akong nakatayo habang pinapanood si Ate. Pero, hindi ko hahayaan na maling desisyon ang gawin ni Ate. She deserves so much more. A lot more. At hindi un makakamtan ni Ate kapag si Lanz ang nakatuluyan nya. I had to do something. I had to let someone know.

'I'm sorry Ate', sumagi na lang ito sa isipan ko sabay labas ng kwarto namin. Hindi ko kaya na mawala si Ate ng ganun na lang. Nang dahil lang sa Lanz na un.

Sinabi ko ang lahat lahat kay Mommy. Andun din si Kuya Enrico nung oras na un. Tumayo sya at agad na may kinausap sa cellphone. Pagkatapos nun ay tumango sya kay Mommy na parang nagkaintindihan sila kahit papano.

"Nasaan ang Ate mo?", tanong ni Mommy sakin.

"Nasa kwarto Mommy. Nageempake na sya. Mommy huwag mo ng pagalitan si Ate please".

"It's not for you to decide on Elise", si Kuya na ang nagsalita. Natatakot ako sa kung anong puwedeng mangyari. Bigla na lang tumahimik si Mommy at si Kuya na para bang may hinihintay silang dalawa.

Maya pa ay nag ring na ang cellphone ni Kuya. Sinagot nya ito. Pagkababa nya tumango na lang sya kay Mommy. Tumayo na din si Mommy at naglakad na sila papanhik sa kwarto namin ni Ate. Sumunod ako sa kanila.

"Elaine!"

"Mom—", hindi na natapos ni Ate Elaine ang sasabihin nya. Napahawak na lang sya sa pisngi nya matapos syang muling sampalin ni Mommy.

"You will stop this madness of yours Elaine! Once and for all! Talaga bang naging bobo ka na dahil sa pagibig? Ha?! You're not gonna throw your life away for this lesbian!", galit na galit ang tono ni Mommy.

"Mahal ko si Lanz Mommy! Hindi nyo kami mapaghihiwalay!", matapang na sagot ni Ate. Tuluy tuloy na din ang pagluha nya. Nasampal pang muli ni Mommy si Ate. Dun na umawat ako at si Kuya dahil masasampal na naman si Ate ng hindi oras.

"Sa kanya ako sasama!", sigaw ni Ate. Akmang kukunin na ni Ate ang bag nya nang pigilan sya ni Kuya.

"Anong sinabi mo Elaine? Ha?! Sasama ka sa tibong un?! Ha?!", si Kuya na ang sumuntok sa tyan ni Ate. Napalupasay na sa sahig si Ate.

"Ate!", sigaw ko habang pinipigilan ako ni Mommy dahil pupuntahan ko sana si Ate.

Ubo ng ubo si Ate habang hawak nya ang tyan nya. Umupo si Kuya sa harap ni Ate. Hinila nitong muli ang buhok ni Ate. Napahawak na lang si Ate sa braso ni Kuya.

"Sa kanya pa din ako sasama!", singhal ni Ate Elaine kay Kuya Enrico.

"Inutil!", nasampal na naman si Ate. Nasuntok na naman sya at sumubsob na si Ate sa sahig. Ung mukha nya halos nakadikit na sa sahig. Patuloy din ang pag ubo nya.

"Matigas ka talaga Elaine? Ha?!", sinipa pa sya ni Kuya. Mas napahawak na si Ate sa tyan nya.

"Kuya! Tama na!", sigaw ko. Umiiyak na din ako. Si Mommy naman ay patuloy pa din ang pagpigil sa akin.

Kinuha ni Kuya ang cellphone nya. Binuksan nya ito. Hinila nyang muli ang buhok ni Ate na para ba syang ibinibitin. Nasa ganitong posisyon si Ate nang may ipinapanood si Kuya sa kanya.

"Nooo!", umiiyak na sigaw ni Ate Elaine.

Dinig namin ni Mommy ang video. May binubugbog ang mga tauhan ni Kuya. May tauhan pa si Kuya na sumisigaw na "Wala ka pala eh! Wala kang binatbat!".

Wala ng humpay ang pag iyak ni Ate. Ipinipikit nya ang mga mata nya pero sinisinghalan sya ni Kuya na panoorin nya pa ang video. Mas hinigit na ni Kuya ang buhok ni Ate.

"Elaine, huli na ito. Sa susunod na makipagkita ka sa tibong un, sa morge na ang kakahantungan nya. Huwag mo akong subukan Elaine!", pagbabanta ni Kuya. Binitawan na nito ang buhok ni Ate sabay talikod sa kanya.

Biglang bumangon si Ate at lumuhod at niyakap ang mga binti ni Kuya.

"Kuya.. please.. huwag mo ng saktan si Lanz.. ako na ang lalayo sa kanya.. susunod na ako sa lahat ng gusto nyo ni Mommy.. hayaan mo na lang si Lanz.. nagmamakaawa ako sa'yo Kuya.. please Kuya.. please..", iyak na ng iyak si Ate habang nakayakap sa mga binti ni Kuya.

Pinakawalan na ako ni Mommy. Tumakbo ako kay Ate at niyakap ko sya. Si Kuya naman ay nagpatuloy sa paglakad palabas ng kwarto. Inaalo ko si Ate. Umiiyak na din ako kasi ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Ate ngayon. Awang awa ako sa kanya.

"Elaine—", si Mommy na ang nagsalita.

"You will fly to London tonight. And you will stay there for good!"

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon