Part 31 Nabighani

54 1 0
                                    

"Hoy Lanz! Ano nangyayari sa'yo ha?! Mukha kang naengkanto!", nagulat ako sa sinabi ni Elise.

"Ha? Ah eh wala, wala naman. Saan mo nakuha yang suot mo?", tanong ko kay Elise.

"Well, maganda ba?", tanong din nito sakin. Umikot pa ito para makita ko ang kabuuan ng suot nya. Napalunok na lang ako.

"Ah eh oo maganda. Kaya lang..", natigilan ako.

"Kaya lang ano?", tanong naman ni Elise. Natigilan din ito.

"Eh kasi ano..", hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanya. Baka isang maling sabi ko eh bugahan na naman ako nito ng apoy.

"Ano nga?! Tell it to me Lanz!", ayan na. Nagtatransform na po ang dragona.

"Ung kasing cleavage mo Elise, kitang kita. Parang luluwa na ang dibdib mo", matapat na sabi ko sa kanya. Naghahanda na ako para umilag sakali man na mahambalos ako nito ng biglaan.

"Oh really?", nakangiti pa ito. Naguluhan ako.

"Teka, bakit nakangiti ka pa?"

"It means maganda ang fit sakin ng damit na ito kasi nabibigyang pansin ang cleavage ko", parang proud pa ito sa pagkakasabi nya.

Napailing na lang ako. "Hinde Elise. Tatakpan mo yang cleavage mo", sabi ko naman. Kinuha ko ung isa kong jacket na nasa loob ng kabinet. "Ayan, isuot mo ito", sabi ko.

"Na ah! Hindi bagay yang lumang jacket mo sa outfit ko noh! I am not wearing that!", pasinghal na sabi ni Elise.

"Huwag ng matigas ang ulo Elise. Pasilungan ang pupuntahan natin at hindi kabaret".

"How dare you?! I have spent the entire day making this outfit out of scraps that I could find! The least you can do is appreciate what I came about with the little things I have on hand!"

Inakupo patay na. Iningles na ako ng dragona. Mas nakakatakot pala ito. Pero okay na din un. At least hindi ko din naintindihan lahat ng sinabi nya. So hindi gaanong masakit sa loob. Dahan dahan akong lumapit kay Elise. Titig na titig ako sa kanya. Napatigil sya sa pagsasalita nya dahil nasa harapan na nya ako. Nakatitig din sya sakin.

Tinignan ko sya ng dahan dahan mula sa ulo nya, papunta sa mukha nya, pababa sa dibdib nya at pabalik sa mukha nya. Akmang sasampalin nya ako nang maunahan kong mahawakan ang kamay nya.

"Bastos!", sigaw nito sakin.

"Elise, ako lang ito. Pero isipin mo kung andun na tayo na pasilungan at kung iba ang titingin sa'yo ng ganito. Huwag mo sana akong ilagay sa posisyon na makikipag away pa ako sa iba".

"M—Makikipag away? Like what do you mean?", inosenteng tanong nito sakin.

Bumuntong hininga ako. "Kapag may nambastos sa'yo dun, hindi ko alam ang puwede kong magawa. Baka mapa away ako ng di oras. Kaya sana, nakikiusap naman ako ng maayos, takpan mo yang dibdib mo", mahinahon na sabi ko.

"Okay fine. But not with your jacket. I'll find something else", sabi nito sabay pasok muli sa kwarto. Walanjo. Pumasok na naman sa kwarto. Baka abutin na kami ng umaga nito.

Pero hindi naman sya nagtagal. Paglabas nito, may takip na ang dibdib nya. Parang meron na syang suot na shawl mula sa isang malaking panyo. Bilib din ako sa babaeng ito. Mula sa loose fitting na shirt ay nagawa nitong gawin itong dress. Ginupit nya ito at ginamit nya ang belt ko para mas makita ang hubog ng katawan nya at maging fit ito sa kanya.

"Oh, ano na naman po ang problema?!", galit na singhal ni Elise sakin.

"Wala naman akong sinasabi ah!", pagtanggol ko sa sarili ko. "Ang ganda mo kasi", pabulong na dagdag ko na lang.

"Ano ibinubulong mo dyan ha?!"

"Wala. Halika na. Mahuhuli na tayo sa pasilungan", aya ko sa kanya.

Narating namin ang bahay ng babaeng mapapangasawa ng kumpare ko. Nilagyan nila ung kanilang bakuran ng mga bakod na balag, un bang mga nilala na dahon ng niyog. May mga ilang lamesa din at upuan na naka ayos sa gitna. Naka ayos na din ung solàr o bulwagan kung tawagin. Napakapit sakin si Elise nang naglalakad na kami papalapit sa entraha ng pasilungan.

"Lanz, I thought this will be like a disco thing? Bakit ganito?", tanong nito.

"Probinsya ito Elise. Ganito talaga ang mga sayawan dito", paliwanag ko naman.

"Uhm, okay lang ba ang hitsura ko?", tanong nitong muli. Tinitigan ko sya habang sinisipat nito ang buong lugar.

Hindi ko akalain na puwede palang gawing lipstick ang papel de hapon na kulay pula. Natawa na lang ako. Simple lang ang makeup nito. Naalala kong naiinis ito dahil nawawala ang lipstick nya, siguro kasi nahulog un nung araw na dinala ko sya dito sa probinsya. Nakakatuwa kasi nakagawa ito ng paraan para makapag makeup sya ng ayos. Gamit lang ang isang pirasong papel de hapon.

"Huwag kang mag alala Elise. Maganda kang tignan okay?"

Nagtama ang mga paningin naming dalawa matapos kong sabihin un. Sakto pa naman na may poste ng ilaw sa ulunan namin kaya kitang kita ko ang kanyang mga mata. Sobrang maamo talaga ng mga mata nito. May gusto sana akong gawin, at gagawin ko na nang—

"Pareng Lanz!", sigaw ng kababata ko. Nabasag ang noon ay pinaplano ko sana.

"Uy Pare! Congratulations magpapasakal ka na!", nag akapan kami sabay fist bump sa huli.

"Oo nga Pare. Salamat nakarating ka dito sa pasilungan".

"Syempre naman Pare. Nga pala si El—", hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Ellie..", nakangiti si Elise sabay bigay ng kamay nya sa kababata ko. Kinamayan naman sya nito.

"Wow Pareng Lanz, ala eh gelpren mo ba sya? Ibang klase ka talaga!"

Napangiti na lang ako. Inanyayahan nya kami sa loob. May ilang bisita na din na andun.

"Ellie talaga?"

"Eh anong gusto mo? Ipagkalat ko ang tunay kong pangalan? No way! Teka, bakit magkahiwalay ang mga babae at lalaki?", tanong muli ni Elise nang makapasok na kami.

"Ganyan talaga ang pasilungan. Magkahiwalay. Dun sa isang gawi ang mga babae at sa kabila naman ang mga lalaki. Dun ka sa mga babae".

"At ikaw?"

"Alam mo na syempre. Dun ako sa mga lalaki".

Tinaasan na lang ako ni Elise ng kilay. "Bahala ka na nga Lanz. Buhay mo yan", sabi na lang nito sabay punta sa gawi ng mga babae.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon