Part 85 Ang mga Bagong May-Ari ng Kompanya

37 1 0
                                    

Nagsisimula nang magsidatingan ang mga bisita. Ang pormal na handaan ay napapaligiran ng madaming magagarang ilaw. Sabay sa saliw ng pagtugtog ng musika ay ang mangilan ngilan na mga bisita na nagsasayaw.  Tunay na isang malaking handaan ito na madaming imbitadong bisita.

Si Manang Flor ay nag aayos ng mga tapis ng lamesa. Inayos din nya ang ilang kandila sa bawat lamesa. Ayos na din noon ang mga plato at kubyertos. Lumapit sa kanya si Maya.

"Ante, huwag na po kayong magtrabaho dyan. Ang sabi po sa atin ng Señorito Enrico ay isasama daw po tayo pero hindi para magtrabaho kundi magpahinga daw po tayo ngayong gabi".

"Alam ko na yan ang sinabi sa atin dito. Hindi naman ako nagtatrabaho. Inaayos ko lang ang mga ito", sagot naman ng matanda.

"Nakita nyu ba si Enrico?", biglang singit na tanong ni Carmen. Malikot ang mga mata nito na naghahanap. Hindi na ito kapakali sa kinatatayuan nito.

"Hindi ko pa sya nakikita. Bakit mo hinahanap?", tanong ni Maya.

"Ano bang pakialam mo?", inis na singhal ni Carmen. Inayos nito ang kanyang buhok. Nang maaninagan nito si Enrico ay nagmadali itong naglakad ng palayo at patungo sa kinaroroonan ni Enrico.

Bigla lang itong natigilan nang mapagtanto nito na kasama ni Enrico ang Mommy nito. Lalo lang itong nainis dahil mas lalong hindi nito makakasama si Enrico.

"Ang sungit naman ni Carmen. Grabe pati ang kolorete ni Carmen sa mukha. Para na tuloy syang kolorete na tinubuan ng mukha", pabirong sabi ni Maya sabay hagalpak ng tawa.

"Ikaw talagang bata ka. Alam mo namang medyo sensitibo yang si Carmen. Konting kibot ay magtatampo. Mag aaway tuloy kayo ng hindi oras nyan", saway ni Manang Flor.

"Pasensya na po Ante. Hindi na po kasi ako makatiis".

"Tulungan mo na lang ako dito nang matapos tayo ng maaga".

"Ante..", natigilan at tulalang tawag ni Maya. Nakatingin ito sa malayo. Si Manang Flor naman ay napatingin sa gawi ng tingin ni Maya.

Si Elaine pala. Dumating na ito. Kasama nito si Theo na noon ay nakahawak sa kanyang bewang. Bumaba na sila ng hagdanan at tinungo ang lamesa kung saan ay nakalagay ang kanilang pangalan.

"Wow! Ang ganda ni Ate Elaine!", puna ni Maya habang nakatitig kay Elaine.

Isang mahabang dress ang suot nito. Parang mapusyaw na rosas ang kulay na sya namang bumagay sa suot nitong high heels na sandalyas. Nakataas din ang mahaba nitong buhok na may konting buhok na nakalaylay sa magkabilang pisngi nito. Simple lang din ang kolorete nito sa mukha.

Perlas na hikaw din ang suot ni Elaine. Wala itong kuwintas na suot kaya't kitang kita ang hubog ng mga dibdib at balikat nito. Mas lalo tuloy lumitaw ang natural na angking kagandahan ni Elaine. Si Theo naman ay naka tuxedo. Ang panloob nitong damit ay halos kakulay ng suot ni Elaine na para bang pinaghandaan nila ang gabi na ito.

"Halina at doon tayu maupo sa malapit sa kanila", aya ni Manang Flor. Maging sila Manang Flor at Maya ay naka ayos din. Inimbita silang lahat ngunit walang nakaka alam kung kanino nanggaling ang imbetasyon.

Ang naalala lamang ni Manang Flor ay ang nakabili ng kompanya nila Elaine ang syang nang imbita. Base na din un sa narinig nitong mga pag uusap nila Enrico at Theo. Para siguro magkakilanlan din silang lahat.

Nagtataka din ito kung bakit hinintay at pinatagal pa na magkita ang bagong may ari ng kompanya at ang mga dating nagmamay ari nito.

"Doña Beatrice, Enrico..", bati ni Manang Flor.

"Manang Flor, dito na kayo maupo nang magkakasama tayong lahat", mungkahi ni Enrico. Nanatili naman na tahimik si Doña Louisa.

"Ate Elaine, ang ganda ganda mo po!", giliw na bati ni Maya.

"S—Salamat..", halos walang emosyon sa sagot ni Elaine.

Tumabi si Manang Flor kay Elaine. Pinisil nito ang kamay nito. Tiim na ngiti naman ang isinagot ni Elaine. Nang maaninagan ng mabuti ni Manang Flor si Elaine, napansin nito na may itinatago ito sa kanyang mukha. Napakunot ang noo nito.

"Elaine? Anong nangyari sa'yo?"

"H—Ho? Wala po Manang Flor. Nabundol lang po ako ng pintuan sa banyo", pagsisinungaling ni Elaine.

Alam ni Manang Flor na hindi totoo ang kakasabi lang ni Elaine. Wala pa ang bakas na un sa may labi nya kanina nang magkita sila sa mansyon.

"Elaine, alam kong—", naputol ang sasabihin ni Manang Flor nang mapansin nitong biglang tumigil ang musika at nagsipagbalikan ang mga bisita sa kani-kanilang mga upuan. Napatingin silang lahat sa punong abala na noon ay inaayos ang mikropono.

"Good evening Ladies and Gentlemen. We welcome you to the launch party of LR Corporation!", sabi nito na sinundan naman ng masigabong palakpakan mula sa mga bisita.

"May we request to come up to the stage the former owners of this multi-million peso company.. the Ayalas!", sabi ng punong abala sabay hudyat sa kinaroroonan nila Enrico na umakyat sa stage. Tumayo naman sila Doña Beatrice at Enrico.

"Elaine, umaykat din kayo ni Theo", sabi ni Enrico kay Elaine. Tumango naman ito sabay tayo. Inayos nito ang dress na suot nya habang si Theo naman ay ibinutones din ang coat ng kanyang suot na tuxedo. Sabay sabay silang umakyat ng stage.

Nakakasilaw ang ilaw na direktang nakatutok sa kanila. Muli ay nagsalita ang punong abala. "Let's give a warm applause to the Ayalas!", sabi nito habang muling nagpalakpakan ang mga bisita.

"Enrico, bakit ba meron pang ganito?", tanong ni Doña Beatrice na halatang medyo naiirita na.

"Mommy, ito ang request ng bagong may ari bago daw nito ibigay sa atin ang buong bayad. Remember, the new owner is paying cash so we're obliged to entertain their requests. I also don't approve but we really don't have a choice", sagot naman ni Enrico.

"And now, the moment we all have been waiting for, the big reveal of the new owners!", puno ng kagalakan na sabi ng punong abala.

Tumigil ang pagtugtog ng musika at nanatiling tahimik ang mga bisita.

"May we request to come up to the stage, Lanz Rodriguez and Elise Racquel Ayala!"

Noon din ay nabaling ang ilaw sa kinaroroonan nila Lanz at Elise at lahat ng mga mata ay sa kanila na nakatitig.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon