Part 71 Ang Banta ni Amanda

51 1 0
                                    

Pinagmamasdan ni Lanz si Elise habang himbing na himbing itong matulog sa kama. Bahagya lamang na natatakpan ng kumot ang buong katawan ni Elise. Nakalabas ang kanang hita nya at binti habang nakadantay ito sa isang unan.

Naka tshirt lang si Elise na sobrang laki. Kitang kita ni Lanz mula sa kanyang kinatatayuan ang hubog ng pwetan ni Elise. Mas lalong pumuti ang kutis ni Elise nang masinagan ito ng ilaw sa kwarto. Napapikit si Lanz habang inaalala ang mga naganap kani kanina lang.

"Lanz! Aarrgghh!", impit na sigaw ni Elise habang mas humigpit ang pagsabunot nito sa buhok ni Lanz. Ramdam ni Lanz ang panginginig ng mga hita at binti ni Elise.

Dinilaan ni Lanz ang pagkababae ni Elise pataas sa gawi ng puson nito, tyan, gitna ng dibdib, leeg at hanggang sa muling marating ng mga labi ni Lanz ang mga labi ni Elise. Dinampian nya ito ng isang matamis na halik.

Iniyakap naman ni Elise ang kanyang mga braso sa batok ni Lanz. Nilalaro nya sa pagitan ng kanyang mga daliri ang mga hibla ng buhok ni Lanz. Sinabayan ni Lanz na maligo si Elise at nang natapos ay nagbihis silang pareho.

Si Elise ay dumiretso sa kama at natulog. Si Lanz naman ay pinagmamasdan si Elise habang napakalalim ng tulog nito.

'Marahil ay pagod na pagod si Elise', sabi ni Lanz sa kanyang sarili. Batid nito na sya ang dahilan kung bakit napagod ng ganun si Elise. Isinara ni Lanz ang pintuan ng kwarto at dumiretso ito sa terasa.

Magsisindi na sana sya ng sigarilyo nang makita nyang paparating si Amanda. Napakunot na lang ng noo si Lanz.

"Lanz!", bati ni Amanda habang kumakaway ang kanang kamay nito. Nagmadali itong lumapit kay Lanz.

"Amanda, napadalaw ka? Anong sa atin?", tanong ni Lanz.

"Lanz, ikakasal ang kaibigan ko na nakatira sa kabilang bayan", panimula ni Amanda. "Gusto kong samahan mo ako dun bilang date ko", pagtuloy pa nito.

Muntik ng mabilaukan ng usok ng sigarilyo si Lanz sa kanyang narinig. "Bakit ako Amanda? Madami naman iba dyan?", ito na lang ang natanong ni Lanz.

"Ikaw ang gusto ko Lanz", deretso na sabi ni Amanda.

"Hindi ako puwede Amanda. Madami akong inaasikaso ngayon. Pasensya ka na".

Biglang naging seryoso ang mukha ni Amanda. "Lanz, kung ako sa'yo, pagbibigyan mo ang kagustuhan ko", sabi ni Amanda.

"Bakit Amanda? Ano ang ibig mong sabihin?"

"Nanggaling sa pwesto namin ng Inang ang kapatid ni Elise".

Natigilan si Lanz. Sumeryoso na din ang tingin nito kay Amanda.

"Itinuro mo na andito si Elise?", tanong ni Lanz.

"Hindi".

Parang nabunutan ng isang malaking tinik si Lanz. Nakahinga na din sya nang maluwag.

"Salamat Amanda. Salamat at naiintindihan mo ang sitwasyon namin ni Elise", buong tapat na sabi ni Lanz.

"Huwag mo akong pasalamatan Lanz dahil lahat ng ginawa ko ay may kapalit".

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan".

"Magmula ngayon Lanz, susundin mo ang lahat ng kagustuhan ko. Dahil kung hindi, hindi na ako magdadalawang isip na sabihin kay Enrico kung nasaan ba talaga ang kanyang kapatid na si Elise. At panigurado ako Lanz na hindi mo magugustuhan ang gagawin nya".

"Pinagbabantaan mo ba ako?"

"Hindi Lanz. Ipinapaintindi ko lang sa'yo ang lugar mo sa buhay ni Elise".

"Paano ka naman nakakasiguro na kapatid nga ni Elise ang naghanap sa kanya?"

"Sigurado ako Lanz. May mga kasama syang mga tauhan. Hindi ko lang alam kung mga bodyguards nya ang mga un. Sila ung nga tipo ng tao na ayaw mong makabangga kung alam mo ang ibig kong sabihin".

Alam ni Lanz na nagsasabi ng totoo si Amanda. Pero ang hindi nito maintindihan ay bakit pinagbabantaan sya nito.

"Amanda, kung ano man ang meron kami ni Elise—", hindi na natapos ni Lanz ang sasabihin nya dahil nagsalita na kaagad si Amanda.

"Kung ano man ang meron kayo Lanz ay dapat mo ng putulin. Mapapahamak ka lang Lanz kapag hindi mo itinigil ang kahibangan mo sa Elise na un".

"Amanda, nagpapasalamat ako at hindi mo kami ipnagkanulo ni Elise. Pero ang talikuran ko ng ganun ganun na lang si Elise ay hindi mangyayari. Yan ang nakakasiguro ako".

"Lanz, ano bang meron si Elise at nagkakaganyan ka?", may halong hinanakit sa tono ni Amanda.

"Mahal ko sya Amanda. At mahal din nya ako".

Mas naging seryoso ang mga tingin ni Amanda. "Lanz, kung ganun ay mas nararapat lang na sundin mo ako. Sasamahan mo ako sa kasal ng kaibigan ko".

"Amanda.."

"Huwag mo sana akong subukan Lanz. Mabait ako sa'yo kasi alam mo ang nararamdaman ko. Gaya ng sabi ko, kailangan mo lang ako sundin sa mga kagustuhan ko", ito ang huling sinabi ni Amanda bago ito tuluyan na umalis.

Nagsindi ng isa pang sigarilyo si Lanz. Napahawak na lang sya sa kanyang ulo. Malaking problema kapag nagkataon ang mga sinabi ni Amanda. Nag isip si Lanz ng puwede nyang gawin para tablahin ang mga pagbabanta ni Amanda. Kailangan nyang gawan ito ng paraan sa lalong madaling panahon. Wala naman syang pakialam sa sarili nya. Ang inaalala lang talaga ni Lanz ay si Elise. Napatingin si Lanz sa loob ng bahay.

'Elise..', bulong ni Lanz sa kanyang sarili.
__________

"Are you okay?", tanong ni Theo.

Napatingin dito si Elaine. "Yes, I'm okay", sagot naman ni Elaine sabay hawak sa pisngi ni Theo.

Si Theo naman ay hinalikan ang kamay ni Elaine. Nakatitig lang ito kay Elaine.

"You didn't eat that much Elaine. And these past few days you also haven't been eating good too. I'm worried about you".

"I—I'm not that hungry. Maybe later I will eat again. Don't worry, okay? I don't want you worrying about me".

Tumango na lang si Theo. "I love you", sabi nito  habang nakatitig pa din kay Elaine.

Ngumiti naman si Elaine. "I.. I love you too Theo", payak na sagot ni Elaine.

"Are you excited?", tanong muli ni Theo.

"Y—Yes, of course", pagsisinungaling muli ni Elaine.

"I'm glad you are", hinalikan ni Theo ang mga labi ni Elaine bago ito umayos sa pagkakaupo sabay ipinikit din nito ang kanyang mga mata.

Nawala na ang ngiti sa mga labi ni Elaine. Tumingin ito sa labas ng bintana. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. At mas lumakas pa ito nang maramdaman nyang lumapag na ang eroplano.

Nasa Pilipinas na sya.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon