Part 11 Ang Pagtakas

71 1 0
                                    

"Nagsasabi ka ng maayos?", pagkumpirma ni Lanz.

"Yes. I'm really hungry. Pero sana kalagan mo ako para makakain ako ng maayos", kalmadong pakiusap ni Elise.

"Naninibago ako na kalmado ka", sabi naman ni Lanz.

"Please, Lanz?"

"Susubuan na lang kita".

"Ayokong makaabala. Kaya ko naman kumain mag isa. Kailangan mo lang akong kalagan".

Kitang kita ko na napaisip si Lanz. Sana pumayag naman ang mokong na ito. Ang dami pang tsetse buretse nito. Nauubusan na ako ng pasensya. Maya pa eh bumuntong hininga na si Lanz.

"Sige kakalagan na kita".

"Ayan, mabait ka naman pala eh".

"Mabait talaga ako".

Aba at nagbuhat pa ng sariling bangko ang mokong na ito. Brace yourself Elise. Pumunta sa likuran ko si Lanz at sinimulan na nyang kalagan ang mga kamay ko. Shit! Parang nangalay mga braso ko mula sa pagkakatali ah. Tsk tsk.

Then, nag squat na si Lanz sa harap ko at isinunod naman nya ung tali sa mga paa ko. Pagka kalag ng tali ng mga paa ko, itinulak ko sya agad, napaupo sya ng tuluyan sa sahig. Tumakbo ako papunta sa pintuan. Nakita kong patayo na si Lanz. Isinara ko ung pintuan. Sakto kasi andun pa ung padlock kaya ini-lock ko ung pintuan gamit ung padlock.

"Elise!", sigaw ni Lanz.

"Buti nga sa'yo! Manigas ka dyan!", sabay tawa ko ng malakas.

"Yes, nakalaya din mula sa pagkakabihag. Now, I just need to find my way out of here", sabi ko sa sarili ko. Nag ikot ikot ako sa bahay hanggang sa nakita ko sa wakas ung pinaka front door.

Lumabas ako. Shit! Gabi na pala. Madilim na ang paligid. Malawak din pala ang lugar na ito. May light switch dun sa may front door. Binuksan ko un. Lumiwanag dun sa may harapan. May gate pala dun. Tumakbo akong muli hanggang sa marating ko ung gate. Fuck! May lock ito. Napatingala din ako.

Tangina.

Ang taas ng gate. Bwisit! Umatras ako ng konti para tantyahin ung kabuuan ng gate. Nag stretching ako, tumalon talon ng konti at huminga ng malalim.

"Sisiw lang itong gate na ito sa'yo Elise noh! Wala itong sinabi sa experience mo sa rock climbing!", pangungumbinse ko sa sarili ko.

Isa pang hingang malalim, tapos nagsimula ko ng akyatin un gate. Takte. Kapag may nakakita sakin dito mapagkakamalan pa akong akyat bahay. Feeling ko eh nasa bandang gitna na ako ng gate, tumingin ako sa baba. Fuck!

Wrong move Elise. Medyo nalula ako ng konti nung tumingin ako sa baba. Mataas na pala ang naakyat ko. Tumingala akong muli. Konti na lang Elise. Huminga ulit ako ng malalim at nagpatuloy ako sa pag akyat.

Ayan na! Ayan na ang itaas ng gateee, shit! May mga bubog ung taas ng gate. Fuck my life! Lord, galit ka ba sakin? Why oh why? Kapag tumuloy pa ako, paniyak magsusugat sugat ang mga binti ko. Sino ba naman ang nakaisip na maglagay ng bubog sa tuktok ng gate?! Ahh, malamang ang hinayupak ang nakaisip nito.

"Fuck you Lanz! Grr!", sigaw ko.

"Oh, ano? Tapos ka na?", halos mahulog na ako gulat. Dahan dahan akong lumingon. Anak ng tipaklong! Bakit andito itong mokong na ito?! Ano ba Lord? Galit Ka po talaga sakin noh?! Lalo lang akong naiinis.

"Damn you!", singhal na sigaw ko kay Lanz.

Nag cross ito ng arms. Hindi nya inalis ang tingin nya sakin.

"Oh? Akala ko tatakas ka?"

"How on earth did you escape?! Ikinulong kita ah! Nilock ko mismo ung padlock!"

"May isa pang pintuan ung kwarto. Secret door lang un. Hindi ko sinabi sa'yo kasi sec—", hindi na nito natapos ang sasabihin nya.

"Alam ko ibig sabihin ng secret! Duh!"

"Ano? Dyan ka na lang ba hanggang umaga?", natatawa nitong sabi.

"Huwag ka ngang tumawa tawa dyan! Sa halip na magtatatawa ka dyan, tulungan mo akong bumaba dito!"

"Ano po? Ano pong sabi nyo?", pang aasar na sabi nito habang kunyaring inilagay ang kamay nya sa likod ng tenga nya. Kainis! Huminga ako ng malalim.

"Tulungan mo akong bumaba dito.."

Tumaas ang mga kilay ni Lanz habang parang naghihintay pa sya ng sasabihin ko. Inirapan ko sya.

"Please.."

"Ayan. Marunong ka naman palang makiusap", parang nangungutya pa ito. Naku! Nanggigigil na ako dito sa mokong na ito! Lumapit na si Lanz sakin.

"Halika na. Bumaba ka na", kalmado nitong sabi sakin. Pinanlakihan ko sya ng mga mata.

"And how do you expect me to come down huh?!"

"Tumalon ka. Huwag kang mag alala. Sasaluhin kita", may kumpyansa nyang sabi sakin.

"Hoy Lanz! Hindi ako naniniwala sa'yo!"

"Ano ba? Tatalon ka ba o hindi? Kasi kung hindi, papasok na ako sa loob ng bahay".

"Kapag ako tumalon at hindi mo ako nasalo at nabalian ako, malilintikan ka talaga sakin!"

"Ang dami mo pang satsat! Talon na!"

Tangina namang buhay ito oh! Ano na Elise? Hindi ka naman puwedeng magstay dito forever diba? Tumalon ka na for God's sake! Huminga na naman ako ng malalim.

"Sige na! Tal—", un na lang ang narinig kong sinabi ni Lanz. Bigla na lang kasi akong tumalon. Pikit mata akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa gate.

Ang bilis lang ng mga pangyayari. Wala akong naramdaman na matigas na semento kung sakali man na hindi ako nasalo ng mayabang na ito. Pinakiramdaman ko kung saan ako bumagsak. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sakto ang ilaw sa poste, kitang kita ko ang mukha ni Lanz. Sa kanya pala ako bumagsak. Ung dibdib ko, sakto sa dibdib nya.

Nanlaki mga mata ni Lanz sa gulat din sa mga nangyari. Para itong yelo, nanigas na. Akmang tatayo ako agad ng—

"Ouch!", hindi ako nakatayo. Sa halip ay napaupo na lang ako sa semento sabay hawak sa paa ko. Fuck! I must've twisted my ankle nung bumagsak ako.

"Owww..", naiiyak na ako. Susubukan ko sana ulit na tumayo nang pinigilan ako ni Lanz.

"Elise! Huwag ka na tumayo. Sandali lang", tinignan nya ang paa ko.

"Ouch! Wag mo na hawakan! Masakit kaya!"

"Baka natapilok ka nung pagbagsak mo".

"Baka?! Yan lang sasabihin mo sakin?!"

Mas lumapit pa sakin si Lanz at nagulat ako ng akmang bubuhatin nya ako.

"What the hell are you doing?!"

"Puwede ba Elise itikom mo muna ang bibig mo?! Ang ingay ingay mo! Para kang manok na putak ng putak!", galit na ang tono ni Lanz. Napatingin na lang ako sa kanya. Tumahimik na din ako.

"Bubuhatin kita dahil alam nating pareho na hindi mo kayang maglakad. Siguro naman ayaw mong matulog dito sa labas diba?", medyo kumalma na ang tono ng boses nya. Binuhat na ako ni Lanz. Hinayaan ko lang sya.

"Kumapit ka at baka mahulog ka na naman".

Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg nya. Nagkatitigan kami saglit tapos tumingin na sya sa harap. Napayuko na lang ako at nanatili akong tahimik.

"Huwag kang mag alala, gagawan ko ng paraan para hindi ka na masaktan".

Napatingin na lang ako kay Lanz.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon