Part 61 Ang Pabuya

51 2 0
                                    

"Lanz.."

"Elise! Okay ka lang ba? Nagugutom ka ba? May masakit ba sa'yo?", sunud sunod ang tanong ni Lanz. Nagulat ito nang lumabas ng kwarto si Elise at sinadya sya sa sala.

"Okay lang ako Lanz. Puwede ba tayong mag usap?"

"Oo naman. Bakit? May bumabagabag ba sa'yo?"

"W—Wala naman. May mga bagay lang ako na gustong linawin sana".

"Ano un Elise?"

Napatigil si Elise. Nakatingin sya kay Lanz at si Lanz din ay nakatitig din sa kanya. Pinag isipan din ni Elise kung sasabihin ba nya kay Lanz ang totoo tungkol sa Ate Elaine nya. Karapatan ni Lanz na malaman ang totoo pero handa ba si Elise sa maaaring maging reaskyon ni Lanz sa kanya?

Handa ba sya na kung sakali na magalit si Lanz ay tuluyan na din itong mawala sa kanya? Wala syang masamang intensyon sa Ate Elaine nya. Ang gusto lang nya ay mapabuti ang kalagayan ng kanyang pinakamamahal na Ate. At hindi sa piling ni Lanz un.

Pero nang makilala nya ng lubusan si Lanz, napagtanto nito na hindi mahirap mahalin si Lanz. Napakabuti nitong tao. Kaya naman sobrang mahal na mahal din si Lanz ng Ate Elaine nya. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Elise.

"Elise..", lumuhod si Lanz sa harapan ni Elise at pinunasan nito ang mga luha na dumadaloy sa mga pisngi ni Elise.

"Lanz, may itatanong sana ako sa'yo".

"Ano un Elise?"

'Elise, itatanong mo ba o hindi?!', ito ang sumagi sa isipan ni Elise habang nakatitig kay Lanz. Sa totoo lang ay naiinis na sya sa kanyang sarili kasi hindi na nya malaman ang kanyang mararamdaman at maging ang kanyang sasabihin.

"Elise?", inulit muli ni Lanz.

"Lanz, mahal mo pa ba si Ate Elaine?", deretsong tanong ni Elise.

Napatitig pa lalo si Lanz kay Elise. Walang emosyon sa mukha nito. Ramdam ni Elise ang kirot sa kanyang puso sa hindi din nya maipaliwanag na dahilan.

Napabuntong hininga na lang si Lanz. Maya maya pa eh hinawi ni Lanz ang buhok ni Elise na nakatakip sa mukha nito. Hinimas din nito ang pisngi ni Elise.

"Magbihis ka. May pupuntahan tayo", sabi naman ni Lanz kay Elise.

"Saan tayo pupunta Lanz? May tanong ako sa'yo diba?"

"Alam ko Elise. Doon ko sasagutin lahat ng mga katanungan mo. Panigurado pati ako na magugustuhan mo ung lugar".

Hindi na nakasagot si Elise. Nakatingin lang sya kay Lanz.

"Sige na.. pumayag ka na..", panunuyo ni Lanz.

Haay. Bakit ganito ang nararamdaman ni Elise? Bakit sa tuwing ganito si Lanz ay lumalambot na ang puso nya. Hindi sya makahindi. Tangina Elise. You fell for your sister's lover. Haay nga naman. Napakalaki mong T Elise. Isang mag asawang sampal nga please? Shit. Hindi matiis ni Elise si Lanz. Bumigay na din ito.

"S—Sige Lanz", un na lang ang nasabi ni Elise.

"Dala ka pala bathing suit", nakangiti na sabi ni Lanz.

Napangiti din si Elise.

Dali dali na umuwi si Amanda mula sa bahay ni Lanz. Halos matapon din ang dala dala nyang ulam na nakalagay sa mangkok dahil sa pagmamadali nya. Pagdating nito sa kanilang bahay, ipinatong na lang nya sa lamesa ang mangkok at dumiretso na sya sa kanyang kwarto. Hinalukay nya ang kanyang kabinet at andun, sa pinakailalim, at natatabunan ng mga damit ang isang papel.

Nang mapanood ni Amanda ang tungkol kay Elise sa telebisyon ay isinulat nito ang numero na puwedeng tawagan ng kung sino man ang may alam kung nasaan si Elise. Base sa napanood ni Amanda, may kaya at maimpluwemsya ang pamilya ni Elise. Ang Kuya nito na may mga tauhan sa gawing likuran nung oras ng interview. At ung nanay ni Elise na mukhang donya ang hitsura.

Isinulat din pala ni Amanda ang halaga ng pabuya na ibibigay sa kung sino man ang may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Elise. Tama ang mga kutob ni Amanda. Dati pa kasi, iba na ang pakiramdam ni Amanda kay Elise. Parang hindi kasi ito laking probinsya, parang isang sopistikadang mayaman ang dating nito. At wala naman syang nababalitaan na gelpren ni Lanz. Meron pala pero hindi naman ito palagi naikukwento ni Lanz.

Ang lagi lang sinasabi ni Lanz ay iuuwi nya sa bahay nya ang kanyang gelpren at sa mga oras na un ay ipakikilala nya sa lahat. Hindi naman gelpren ang pakilala ni Lanz kay Elise kundi isang malayong kamag anak. Napakadaming pagdududa ni Amanda sa mga nalalaman nya ngayon.

Tinignan nyang muli ang litrato. Mukha ngang sopistikado ang mga nasa larawan. Kung manamit, ung pagmakeup hanggang sa mga alahas na suot nilang pareho. Nakaramdam ng konting inggit si Amanda. Pansin din nya ang kwintas na suot nila. Malinaw na nakasulat sa kanilang kwintas ang mga pangalan na Elaine at Elise.

"Ikaw pala ang nawawalang si Elise, Ellie. Bukod sa mailalayo na kita kay Lanz ay magkakaroon pa ako ng malaking pabuya. Hindi din biro ang kayang ibigay ng pamilya mo. Sa totoo lang, sigurado akong ikaw si Elise. At dahil nasa akin ngayon ang alas, puwede pa akong humingi ng mas malaking pabuya mula sa pamilya mo. Magagamit namin ni Lanz un para makapagsimula na magkasama kaming dalawa", sabi ni Amanda sa kanyang sarili.

Ibinulsa nya ang papel at lumabas na sya ng kwarto. Nadatnan nya si Inang Puring na kadarating lang galing sa pagtitinda sa pwesto nito sa may palengke. Bakas sa mukha ng matanda na pagod na pagod ito.

"Inang! Tulungan ko na po kayo!", bati ni Amanda.

"O, 'nak. Kanina ka pa ba nakauwi?"

"Kani-kanina pa po Inang. May inaasikaso lang po kasi ako".

"Ala eh bakit ganire itong mangkok? Natapon ba Amanda?", tanong ni Inang Puring nang makita nito ang mangkok na nasa lamesa.

"Ah, wala po Inang. Nagmadali lang po ako kanina kaya natapon ang laman. Gutom po ba kayo? Ipaghain ko po kayo".

"Ala eh sige. Ako muna ay magpapalit ng damit", sabi ng matanda sabay pasok nito sa kwarto.

Nagsimula ng maghain si Amanda. Hindi maalis sa kanyang isipan ang posibilidad na nasa kanya ang alas sa ngayun. Si Ellie nga ay si Elise at napakalaking pabor kapag nagkataon na tama ang kanyang mga spekulasyon. Mas magiging maganda ang buhay nila ni Inang Puring. Hindi na nila kailangan ni Inang na magtrabaho pa. At malalayo na nang tuluyan si Lanz kay Elise.

Napatingin ulit si Amanda sa papel. Buo na ang plano ni Amanda sa kanyang isipan.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon