Part 6 Ang Unang Pagkikita

93 3 0
                                    

Isinara ko ung liham ni Ate. Ilang beses ko din itong binasa. Naiinis ako kay Ate kasi parang nagbibigay pa sya ng pagasa kay Lanz. Dapat tinapos na nya kasi nung huli silang nagkita.
Pati tuloy ako ay madadamay. Maaga akong nagpunta sa coffee shop. Umorder lang ako ng isang tasang black coffee. Napatingin ako sa bintana. Naulan pa pala. Baka hindi na sumipot ung Lanz na un. Kailangan kong magdesisyon din tungkol sa liham ni Ate.

Malapit ko ng maubos ang kape ko pero wala pa ding bakas ni Lanz. Mas lalo lang tuloy akong nainis sa kanya. Kung nakipagtanan pala si Ate paghihintayin pa nya ng ganito katagal? Ano sya? Pa importante? Kapag naubos ko itong kape ko, bahala na sya sa buhay nya. Aalis na ako kaagad.

Maya pa ay tumunog na ung bell ng entrance, hudyat na may pumasok kumbaga. Tinanaw ko kung sino ung dumating. Naka cap ito at plain white shirt tapos brown na joggers at Adidas na runners. Oo, sinipat ko na sya agad agad. At alam kong si Lanz na ito.

Itinaas ko ang kamay ko at kinawayan ko sya. Napakunot ang noo nya sabay tingin sa likod nya. Duh. Ikaw ang kinakawayan ko. Mas kumaway pa ako. Lumapit na sya sakin. Itinabi ko muna ung liham sa aking bag. Casual lang na usapan ito Elise. Huwag kang papahalata.

"Sorry Miss, ako ba ang kinakawayan mo?".

"Oo. Have a seat Lanz".

Napakunot lalo ang noo ni Lanz. Hinila nya ung upuan sabay upo at lapit sa lamesa. Tinitigan nya ako. Tinignan ko din sya. Grabe. Ang dami nyang sugat at mga pasa sa mukha at malamang sa katawan din nya. Bigla kong naalala ung video na ipinakita ni Kuya kay Ate Elaine. Ahh, kaya pala bugbog sarado itong kaharap ko ngayon dahil iniutos siguro ni Kuya na turuan sya ng leksyon. Mabuti nga sa kanya dahil inaagaw nya si Ate Elaine sa amin.

"Sino ka? At bakit mo ako kilala?".

Tinaasan ko sya ng kilay. "I'm Elise. Kapatid ako ni Ate Elaine".

"Si Elaine? Nasaan sya? Kasama mo ba sya ngayon?", sunud sunod na ang tanong sa akin ng mokong na ito.

"Hindi ko sya kasama Lanz".

"Eh nasaan sya kung ganun? Okay lang ba sya?"

"Oo, okay lang si Ate", pagsisinungaling ko.

"Mabuti naman. Nag aalala kasi ako sa kanya", may bahid ng sakit sa mga mata nya.

"Pinapunta nya ako dito para kitain at kausapin ka".

"Ha? B—Bakit? Asan sya Elise?"

"Hindi na sya sasama sa'yo Lanz. Hindi ikaw ang pinili ng Ate ko".

"Hindi totoo yan. Nasaan ang Ate mo? Sya ang kelangan kong kausapin at hindi ikaw!", nagtiim na ang mga bagang nya.

"Huwag mo akong sigawan Lanz! Pinapasabi nya na hindi ka na nya mahal. Nakikipaghiwalay na sya sa'yo", iritang sagot ko kay Lanz. The nerve of this person na sigawan ako.

"Hindi ako naniniwala Elise. Kilala ko ang kapatid mo. Hindi nya ito magagawa sa akin, sa aming dalawa".

"Pwes tanggapin mo dahil un ang desisyon ni Ate. And frankly speaking, tama ang naging desisyon nya. Walang idudulot na maganda ang mga katulad nyong salot sa lipunan".

"Paano magiging tama kung bibitaw sya sa kung anong meron kami?! Sa ginagawa nyo na tinuringang pamilya ni Elaine, sino sa atin ang salot sa lipunan ha?"

"Tama un dahil my sister deserves to be loved by a man at hindi ng isang katulad mo. Sisirain mo lang ang buhay ni Ate! Mabuti na lang at nagising na sya sa katotohanan", napipikon na ako sa walang kwentang taong 'to.

Akmang tatayo na ako nang pinigilan ni Lanz ang braso ko.

"Don't touch me!"

"Nasaan ang Ate mo Elise? Kailangan ko syang makausap!".

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi ha Lanz? Ayaw na sa'yo ng Ate ko. Leave her be!"

"Hindi ganun si Elaine. Hindi nya ako bibiguin. Alam ko. Naniniwala ako. Hindi mo sya kilala gaya ng pagkakakilala ko sa kanya".

"Pwes mali ang pagkakakilala mo sa Ate ko! Let go of me you jerk!", galit na singhal ko sa kanya. Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lanz.

"Elise.. nakikiusap ako. Nasaan ang Ate mo? Sya ang kailangan kong makausap tungkol sa aming relasyon".

"Hindi ko alam kung makulit ka lang talaga or hindi ka talaga makaintindi? Hindi ikaw ang pinili ng Ate ko! So suck it up!", galit at pasigaw ko ng sabi kay Lanz.

"Elise nakikiusap ako. Nasaan ang Ate mo? Itinatago ba sya ng pamilya nyo? Kahit ako na ang pumunta kay Elaine, makausap ko lang sya. Please Elise".

Natawa na lang ako sa mokong na 'to. 'Sige, sundan mo si Ate sa London', natatawang sabi ko sa sarili ko.

"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo ha Lanz? Sinira mo ang buhay ng Ate ko. And because of you, she will suffer forever!"

"Ano ba pinagsasasabi mo? Gusto ko lang makausap si Elaine. Nasaan sya Elise, nasaan sya?!"

"Lanz listen to me because I'm only going to say this one last time. Or tatagalugin ko na lang para sa'yo at baka sakaling mas maintindihan mo", inis na sabi ko sa kanya. Nanatili naman syang tahimik. Good.

"Hindi ka minahal ni Ate. Palipasan ka lang nya ng oras. Ginamit ka lang nya kasi alam nyang mahal na mahal mo sya. Never syang naging seryoso sa'yo. Alam mo ba kung bakit ang dali lang nyang bitawan ka? Dahil nagsawa na sya sa'yo and in the first place hindi ka naman nya talaga minahal ng totoo!", isinampal ko ang mga salitang ito kay Lanz.

Dali dali akong lumabas ng coffee shop at sumakay ako agad sa sasakyan ko. Hindi na ako hinabol pa ni Lanz. It means magaling kang umarte Elise. Tama lang un sa kanya dahil sinira nya ang pamilya namin. Kung tutuusin kulang pa ang mga sinabi ko sa lahat ng problemang idinulot nitong si Lanz sa buhay ng Ate ko. Buti nga sa salot na un.

Kukunin ko na sana ang susi ng sasakyan ko sa bag ko nang makapa ko ang liham na isinulat ni Ate. "Patawad Ate Elaine. Kung ibibigay ko ang liham mo, hindi ka papakawalan ng Lanz na un. Patuloy ka pa din nyang guguluhin. At patuloy pa din nyang guguluhin ang pamilya natin", bulong ko sa sarili ko. Inistart ko na ang sasakyan ko sabay harurot paaalis at palayo sa coffee shop..

"Lanz.. tol.. okay ka lang?", tanong sa akin nung kaibigan naming barista.

"Oo tol. Salamat", sagot ko. Tinapik nya din ako sa balikat ko.

Gusto kong magalit ng todo. Sumuntok sa pader ganun. Gusto ko din umiyak. Pero, lahat ng un ay na balewala ng tuluyan. Napakahirap na tanggapin na wala na si Elaine sa buhay ko, na wala na sya sa piling ko. Sa isang iglap, bigla na lang naglaho ang lahat ng mga pangarap namin. Tinawagan kong muli ang cellphone ni Elise. Cannot be reached na ito.

Tangina.

"Bakit mo ito nagawa sakin Elaine? Bakit mo nagawang bitawan ako ng ganun na lang?", galit na bulong ko sa sarili ko. Saan kaya nila itinatago si Elaine? Nag tiim na ang mga bagang ko.

Ung pagmamahal na nasa puso ko ay unti unti ng napapalitan ng galit at poot.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon