Part 15 Ang Pagyakap

64 1 0
                                    

Bakit ang sakit ng katawan ko? Shit. Parang ang bigat na hindi ko maintindihan. Ouch. My back. Para akong nangalay. Ahh. Umaga na ba? Bakit wala akong maamoy na morning coffee? Tsaka bakit hindi malambot ang mga unan ko? Ung, ung blanket isn't as soft as I remembered it. I turned my head from side to side. Tsk. May stiff neck na naman ako. I should call my massage therapist kasi parang kelangan ko ng isang oras na masahe. Isa? No, no, no. Dalawang oras. Hindi ito kaya ng isa lamang.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Sinalat ko ang paa ko. Biglang bumukas ang mga mata ko. Napabalikwas ako ng bangon. Fuck! Ang sakit ng paa ko. Sinipat ko ito. Nakabalot ito ng dahon. Tinanggal ko isa isa ung mga nakatapal sa paa ko hanggang sa matanggal ko ng lahat un. Nanginginig kong hinawakan ung bukung bukong ko. Medyo masakit pa din ito. Pero medyo humupa na ang pamamaga nito. I looked around.

Paanong hindi sasakit ang katawan ko pag gising ko eh dito ako nakahiga sa cheap na higaan na ito. Ni wala man lang kutson. Napaka cheap talaga nitong si Lanz. Teka, asan na nga ba ung mokong na un? Dahan dahan akong tumayo. Sinubukan ko na din ang maglakad. Medyo okay na din ang paglakad ko. Narating ko ang pintuan. Sinubukan ko itong buksan. Aba! Himala at bumukas ito!

Dalawa lang yan Elise. It's either nakalimutang isara ng mokong na un itong pintuan or sinadya nyang iwang bukas? It doesn't matter. Ang mahalaga ay bukas ito. Tumambad sa akin ang kitchen at sala. Walang tao. Wala din ni isang bakas ni Lanz sa paligid. Salamat naman at wala sya. At least hindi nito masisira ang araw ko ngayon. Pumunta ako sa kitchen. Tsk. Walang pagkain sa lamesa. Bigla na namang kumalam ang sikmura ko. Shit.

Binuksan ko ung ref. Napakadaming laman. Napakadaming tubig. Tsk. Umirap na lang ako. Binuksan ko din ung freezer. May ilang frozen food na andun. Kinuha ko ung isa. Inikot ko ito hanggang sa nagulat ako at nabitawan ko ito.

"Shit!", sabi ko sa sarili ko habang akmang pupulutin ko ung frozen na isda. Alam kong isda kasi nakita ko ung mukha nito. Nag face to face kami ng isda. Ibinalik ko ito sa freezer. Bigla na namang kumalam ang sikmura ko. Nakakainis naman.

Nasaan na ba kasi ung mokong na un? Tumingin akong muli sa paligid ko. Malaki din pala itong bahay. Mataas ung kisame. Napatango ako kasi mataas na kisame means mas airy or maaliwalas ang bahay. Kaya pala din hindi ganun kainit.

Tinungo ko ung pinaka main door, hindi din ito naka lock. Nagtataka ako. Sadya bang talaga na hindi ni lock ni Lanz ang mga pintuan? Lumabas na ako. Noon ko lang nakita ang kabuuan ng labas ng bahay ni Lanz.

Nung time kasi na umakyat ako sa gate eh gabi so hindi ko gaanong nakita. Naglakad ako papunta sa may gate. Hindi din ito naka lock! Lumingon akong muli, wala din ang sasakyan ni Lanz kaya ako lang talaga ang nandito.

Binuksan ko ung gate. Medyo malaki un kaya medyo nahirapan din akong pihitin ito pabukas. Sa wakas, nabuksan ko na din ito. Lumabas ako at tumambad sa akin ang isang napakahabang daan. Actually, walang daan. Walang kalsada kumbaga.

Tinanaw ko ang layo nito. Isang sagot lang, napaka fucking layo. Shit. Tinignan ko ang paa ko na na injure. Hindi ko kakayanin na lakarin ito. Siguro mga ilang kilometro pero hindi ako paniyak na tatagal. Tangina nga naman talaga. Nilingon ko din ang paligid ko. Wala ni isa mang bahay na malapit dito. Talaga palang liblib itong lugar.

No choice ka Elise kundi ang bumalik sa loob ng bahay. Nagpupuputok ang butse ko kasi naririndi ako na nakakulong ako dito, in the middle of nowhere at hindi ko din alam kung nasaan ba itong si Lanz! Binggong binggo na ang mokong na un sakin. May napansin ako sa gawing kanan kaya hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay. Parang taniman? Ang daming tanim. Mga sari saring gulay. Ung iba maliliit pa. Pero ung iba, wow, ready na para iharvest. In fairness, may pagka magsasaka pala itong si Lanz.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Uminom na lang ako ng tubig tapos humiga akong muli. Tinignan ko ung oras, 1:30pm. Iidlip muna ako. Baka sakaling paggising ko ay nakabalik na ang mokong na si Lanz. Ipinikit ko na ang nga mata ko.

Nagising ako sa mga kaluskos sa labas ng bahay. Napabalikwas ako.

"Lanz?", pupungas pungas ako ng mga mata ko sabay tingin sa paligid ko. Gabi na pala? Teka? Gabi?! Tinignan kong muli ung oras, 8pm. Napanganga na lang ako. Binuksan kong bahagya ung pintuan ng kwarto tsaka ako sumilip. May ilaw sa labas. May sasakyan na dumating. Pero hindi tunog kotse gaya ng kay Lanz. Parang truck ata un? Mas malakas kasi sa pandinig ung makina.

Lumabas ako at dali daling nagpunta sa may main door. Ini lock ko ung pintuan. Sakto naman sa paglock ko eh may humawak na ng doorknob at sinusubukan nitong buksan ito. Kinabahan ako. Ayoko namang sumilip sa bintana. Natatakot ako. Shit. Hindi pa din nito tinitigilan ang doorknob.

Pumunta ako ng kitchen, naghanap ako ng puwede kong panglaban. Ah! Sandok! Shunga ka ba Elise? Huwag sandok. Kaldero? Magbigat masyado. Ah, alam ko na. Kutsilyo. Yes. Kung kelangan mo syang saksakin Elise, saksakin mo! Puwede. Puwede na ito. Nagpunta akong muli sa may pintuan. Sige, subukan mo pang buksan yan ng makita mo ang hinahanap mo.

Huwag ako. Huwag ngayon na gutom pa ako. Tangina talaga. Magiging pin cushion ka kapag nagkataon. Nag uunat din ako na parang naghahanda sa laban. Pilit pa din nitong binubuksan ung doorknob. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Itinaas ko ung mga braso ko. Ready position na just in case.

Biglang tumigil ang mga pagpihit sa doorknob. Nagtaka ako. Shit. Mas lalo akong kinabahan. Mas gusto ko pang naririnig sya kesa sa hindi kasi ngayon hindi ko na alam kung nasaan sya. Fuck! Fuck talaga! Ano na gagawin ko? Naiiyak na ako sa kaba at takot.

"Elise?"

Sa gulat ko ay napatalikod ako sabay kumpas ng kamay ko na may kutsilyo.

"Sino ka?! Sino ka ha?! Magnanakaw ka noh?! Wag kang lalapit sakin! Makikita mo hinahanap mo!"

"Elise! Ano ba?!", nahawakan na nito ang mga braso ko. Nabosesan ko na ung tao. Bigla na din bumukas ang mga ilaw.

"L—Lanz?", hindi ko na kinaya. Umiyak na ako ng todo. Kinuha ni Lanz ung kutsilyo sa kamay ko at ipinatong nya ito sa side table.

"Ano ba nangyayari sa'yo?", kalmadong tanong nito. Gulat na gulat din ito.

Bigla na lang akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon