Part 50 Ang Kanta ni Lanz

88 3 0
                                    

"Lanz!", gulat ba sabi ni Elise nang makabig sya papalapit ng humigit sa kanya.

"Ano ba ang ginagawa mo ha?! Kulang na lang eh maghubad ka sa harap naming lahat ah!", medyo galit ang tono ni Lanz.

"Ano ba sinasabi mo?! Hindi naman ako naghubad ah?!"

"Magpalit ka ng damit! Mag tshirt ka at shorts!"

"What?! Swimming with a shirt and shorts on?! Nababaliw ka na ba Lanz?!"

"Elise!"

"Ano ba?! Kapag ganun ang isinuot ko, hindi magiging pantay ang tan lines ko!"

"Elise! Isa!"

"Kahit magbilang ka pa hanggang sa kawalan, hinding hindi ako magpapalit ng damit panligo. Not now, not ever! Who says susunod ako sa'yo?! Sino ka ba?! Never akong susunod sa'yo! Never, ever!"

Ilang sandali pa ay lumabas na ng tent si Elise. Naka tshirt na ito at shorts.

"Susunod ka din pala ang dami mo pang sinabi", natatawang sabi ni Lanz.

Isang hampas sa balikat na naman ang biglang natamo ni Lanz. "Aguuyy! Ikaw Elise ha sumusobra ka na ha! Masakit un ha!", ngiwing sabi ni Lanz.

"Huwag mo na kasi akong asarin!", halos maiyak nang sabi ni Elise. Napansin naman un kaagad ni Lanz. Walang sabi sabi, inalo naman nya kaagad si Elise.

"Tahan na. Sorry na. Wag ka na umiyak. Bati na tayo".

Inirapan lang ni Elise si Lanz.

"Tignan mo ito oh! Ikaw na nga ang sinusuyo ikaw pa galit? Buhay nga naman oo".

"Ganun talaga", sabi ni Elise sabay ayos ng kanyang buhok. Itinali nya ang tshirt na suot nya para humapit ito sa kanyang katawan. Itinupi din nya ung shorts hanggang sa malapit na ito sa kanyang suot na panloob.

"What?! What are you looking at?!", singhal ni Elise kay Lanz nang mapagtanto nito na nakatitig si Lanz sa kanya.

"Salamat dahil sumunod ka sakin", seryosong sabi ni Lanz. Hinawakan nito ang gilid ng mga labi ni Elise.

Si Elise naman ay napanganga ng bahagya. Napalunok na lang si Lanz. Parang nang iimbita ang mga labi ni Elise na halikan nya ang mga ito.

"W—Walang anuman Lanz", matipid na sagot ni Elise. Hahawakan sana ni Elise ang kamay ji Lanz nang tinawag na sila ng grupo.

"Lanz! Ellie! Tara na at maligo na tayo!", sigaw sa kanila ng grupo.

"Papunta na!", sigaw din ni Lanz. "Tara na Elise", aya nito. Sumunod naman si Elise sa kanya.

Ilang isla din ang pumapalibot sa buong Puting Buhangin. Magaganda ang mga matataas na talampas na binabalot ng batong apog o "limestone" kung tawagin sa Ingles. Ang Puting Buhangin ay isang maliit na isla na may kweba sa dulo. Nag arkila lamang ang grupo ng bangka para malibot ang iba pang mga isla.

Maganda at sing linaw ng langit ang tubig sa beach na ito. Hindi din ito sobrang lamig at hindi din sobrang init. Saktong timpla lang kumbaga kaya nakaka engganyo talaga ang maligo at magpapresko.

"Huwag kang masyadong lumayo Elise", sabi ni Lanz habang naliligo sila kasama ng grupo. Ang ilan ay naglalaro ng volleyball sa tubig. Ang ilan naman ay busy sa pagkuha ng mga litrato.

"Excuse me Lanz. Anong ibig mong sabihin? Lampa akong lumangoy? Aba, don't me! Magaling kaya akong lumangoy noh!"

Nagtatalo pa sila Lanz at Elise nang makarinig sila ng isang sigaw. Dahil si Lanz ang pinakamalapit, lumangoy sya patungo kung saan nagmula ang sigaw. Si Elise naman ay sumunod kay Lanz.

Palapit pa lang si Elise nang makita nya na nasa pampang na si Lanz. Sa pakiwari ni Elise ay may buhat buhat si Lanz. Dali naman lumangoy si Elise patungo din sa pampang.

Nang marating nya un ay nakita nyang napalibutan na ng mga tao si Lanz. Nakahiga ang isang babae habang si Lanz naman ay nagsi-CPR. Nang mas lumapit pa si Elise, napagtanto nito na si Amanda pala ang babae. Biglang napa atras na lang si Elise.

Maya maya pa ay nagkaroon na ng malay si Amanda. Nag hiyawan din ang mga nakapalibot kina Lanz dahil sa ligtas na din si Amanda mula sa kapahamakan. Base sa salaysay ni Amanda, pinulikat ito kaya't biglaan din ang paglubog nito sa tubig.

Sa sobrang pasasalamat ni Amanda ay napayakap na lang ito kay Lanz. Wala naman nagawa si Lanz kundi ang mapayakap na din. Hindi na ito kinaya pa ni Elise. Dali dali itong nagbalik sa tent nila ni Lanz. Nagpalit lang ito ng damit at nahiga sa isang sleeping bag na andun. Hindi na namalayan pa ni Elise na lumuluha na pala sya.

Sa kung anong dahilan ay hindi din nya mapagtanto. Parang nasasaktan sya nang wala namang dahilan. Walang dahilan dahil wala syang karapatan. Niyakap na lang ni Elise ang isang unan at doon ay mas lalo pa syang umiyak.

"Elise?", boses ni Lanz.

Pinahid kaagad ni Elise ang kanyang mga luha. Naramdaman nyang pumasok si Lanz sa tent nila. Hindi gumalaw si Elise para isipin ni Lanz na natutulog sya. Maya maya pa eh nagsalita na si Lanz.

"Kanina pa kita hinahanap dun Elise. Sobra akong nag alala sa'yo. Akala ko eh may masama ng nangyari sa'yo. Kung hindi pa sinabi ni Sare ay hindi ko malalaman na andito ka pala", panimula ni Lanz.

"Maghahapunan na pala maya maya. Mag bonfire din tayo kasama ang grupo. Dala ni kumpare ung kanyang gitara. Magkakantahan tayo mamaya. May konting inuman din. Babalik na ako dun ha. Tutulong kasi ako sa kanila. Kapag okay ka na, sunod ka Elise", huling sabi ni Lanz sabay alis na din.

Iminulat ni Elise ang kanyang mga mata nang mapagtanto nyang wala na si Lanz. Kumuha sya ng damit pampalit at saka naligo. Pagbalik nya ng tent, medyo madilim na. Naririnig nya ang tunog ng gitara. Pagsilip nya, may bonfire na kagaya ng sabi ni Lanz.

Nagdesisyon si Elise na maki join sa grupo. Sayang naman kasi kung magmamaktol lang sya sa wala. Binati naman sya ng grupo. Si Lanz naman ay nakatitig lang sa kanya. Parang nawala ang pagkabahala nito nang makita si Elise. Naupo si Elise katabi ni Sare.

"Pareng Lanz, ikaw naman ang tumugtog", sabay abot kay Lanz ng gitara.

"Ha? Ang tagal ko ng hindi natugtog".

"Sige na!", kantyaw sa kanya ng grupo.

"O sige na nga! Pero isang kanta lang ha!", sabi ni Lanz.

Kinuha nya ang gitara. Pinakiramdaman ang kwerdas at itinono ito. Tinipa tipa hanggang sa medyo nasanay na sya ng konti. Si Elise ay nakatitig lang kay Lanz. Nagsimula nang tumugtog si Lanz. Nagtama ang mga tingin nila Lanz at Elise. Noon din ay nagsimula nang kumanta si Lanz—

"Ikaw ang lahat sa akin.."

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon