Part 28 Ang Babaeng Walang Balakang

59 2 0
                                    

"Ha? Ano ba sinasabi mo dyan? Wala namang nangyari sa bahay mo ah", sagot sakin ni Elise na may kasama pang pag irap.

"Elise, sobrang usok ng buong bahay! May sunog ba?!", tanong kong muli.

"Maghunus dili ka nga dyan. Nagluto lang ako noh", pagtatanggol naman nito sa sarili nya.

"Nagluto?! Eh mukhang ung bahay ko ang niluto mo eh!", malapit na talaga akong mapuno sa babaeng ito.

"Hoy Lanz, una sa lahat, wala namang masusunog dito sa bahay mo kasi wala ka namang ganung kadaming gamit! Pangalawa, kung intensyunal kong susunugin ang bahay mo eh di sana matagal ko ng ginawa noh! At pangatlo bakit pa ako mag aaksaya ng panahon para sunugin itong bahay mo kung puwede na lang akong magsayang ng panahon sa pagtakas mula sa'yo!", magkahalukipkip ang magkabilang braso nya.

Natahimik na lang ako. Ang dami na naman nyang sinabi. Mukhang naka recharge na ang alaga kong dragona. Sunud sunod ba naman ang buga ng apoy. Mabuti na lang at marunong din akong umilag. Hehehe. Kapag nagkataon, hay ewan ko na lang. Ang mga babae nga naman. Lagi na lang galit. Nakakapagod kaya ang laging galit. Tapos mukha pang hindi napapagod ang dragonang ito ah. Nakakadagdag stress lang. Lalo na siguro kung ganitong babae ang makakasama mo sa bahay sa panghabambuhay. Nakupo talaga nga naman.

"So ano?! Natahimik ka dyan noh?!", singhal nyang muli. "Sa susunod kasi eh alamin mo muna ang buong pangyayari. Hindi ung nang husga na kaagad", medyo malumanay na ngayun ang pagkakasabi ni Elise. Grabe din ang mood swings ng babaeng ito. Para akong nasa roller coaster. Nakakahilo at nakakalula.

"Ano ba kasi ang niluto mo?", iniba ko na lang ung usapan. "Na halos pati bahay ko ay nailuto na din", dagdag ko pero pabulong ko lang ito sinabi kasi alam nyu na kung bakit.

"Ayun nakahain sa lamesa", sagot naman nya. Pagkahugas ko ng mga kamay ko eh lumapit na ako sa hapag kainan sabay upo. May isa akong nakitang ulam. Tsaka may isa namang nakatakip na hindi ko alam kung ano.

Inabutan ako ni Elise ng isang plato at mga kubyertos. Kinuha na din nya sa microwave ung kanin na ininit nya.

"Hindi ako marunong magsaing kaya yan lang ang kanin. Wag kang mag alala, hindi naman ako mahilig sa kanin. Sa'yo na yan", paliwanag ni Elise sakin.

"Kasya na yan sa ating dalawa. Puwede naman tayo maghati", sabi ko naman. Tumango naman si Elise.

"Nagpunta pala dito ung girlfriend mo. Ipinagluto ka ng ulam ni Amanda".

"Ahh, nameet mo na pala si Amanda?"

"Bingi ka ba? Kakasabi ko nga lang na nagpunta sya dito kanina diba? Hindi ka kasi nakikinig sa mga sinasabi ko", singhal nito sakin.

"Ay grabe sya sakin oh. Nagtatanong lang naman ako", sabi ko. Napakamot na lang ako ng ulo ko. As usual, inirapan lang ako ng mataray na babaeng ito.

Akma ko na sanang tatanggalin ung takip nung isa pang ulam nang pinigilan ako ni Elise.
Napatingin na lang ako sa kanya. May bigla din akong naalala sa mga sinabi nya kanina.

"Teka, bakit mo nasabi na girlfriend ko si Amanda? Hindi ko girlfriend un noh", paliwanag ko sa kanya.

"Ipinagluto ka daw nya ng paborito mo. Gatang tilapya. Puro ka na gata sa katawan. Wala na ba syang alam na lutuin na iba kundi gata lang? Good luck sa presyon mo at kolesterol", nakasimangot na sabi nito.

"Ahh, so itong gatang tilapya ay galing kay Amanda. Kaya ang ibig sabihin ay itong nakatakip ang niluto mo", pagkumpirma ko sa kanya. Tumango na lang sya.

Hinayaan na ako ni Elise na tanggalin ung takip. Sa gulat ko, hindi na ako nakapagbigay ng reaksyon.

"Elise? Ung totoo? Galit ka ba sa tilapya? Anong ginawa mo dito? Daig pa nito ang uling na tinda sa palengke", gulat na sabi ko.

"Piniritong tilapya yan noh. Huwag ka ngang ano dyan", pagtanggol ni Elise sa sarili nya.

"Pinirito?", paglilinaw ko.

"Toasted, ganun", sagot naman nito.

"Elise.. iba ung piniritong tilapya sa sinunog na tilapya. Kaya pala amoy sunog ang buong bahay".

"Eh di wag mo kainin! Yang tilapya na naliligo sa gata na luto ng malanding hipon na un na walang balakang na lang ang kainin mo!", galit na singhal nito sakin. Napakapit na lang ako sa kinauupuan ko.

"Teka, sino na naman ang itong malanding hipon na sinasabi mo dyan?", buong pagtatakang tanong ko.

"Sino pa eh di ung babaeng walang balakang!", sigaw muli ni Elise.

"Si Amanda? Walang balakang si Amanda? Ano nga un? Nakita mo ba kaya nasabi mo na wala nga syang balakang? Naguguluhan na ako", daig ko pa ang mga lasing sa kanto.

"Sinabi ko na diba?! Pay attention Lanz!", inirapan na naman ako nito.

"O sya sige na. Panalo ka na. Puwede na ba tayong kumain?", malumanay na tanong ko.

Nanatili lamang itong tahimik. Maya maya pa eh nasinghot na ito. Nakayuko ito nang tinignan ko sya.

"Elise? Naiyak ka ba?", buong pag aalalang tanong ko.

Shit! Sa lahat pa naman ng ayaw ko eh kapag naiyak ang isang babae. Sobrang weakness ko talaga un. Pinunasan ni Elise ang mga luha nya. Tangina. Parang napupunit ang puso ko sa mga nakikita ko kay Elise.

"Tahan na okay? Huwag ka ng umiyak Elise. Please?", pagsusumamo ko.

"Ipinagluto kita kasi gusto kong magpasalamat sa pag aalaga mo sakin nung isang araw. Ramdam kong sobrang taas ng lagnat ko. Salamat kasi hindi mo ako iniwan", kalmado nyang sabi sakin.

Napatitig na lang ako kay Elise. Napatingin din sya sakin. Nagtamang muli ang mga mata namin. Kitang kita ko na sincere naman sya sa mga sinasabi nya sakin.

"Walang anuman Elise. Natutuwa ako na ipinagluto mo ako. Pero kung maaari sana ay wag ka ng makipagkumpitensya kay Amanda pagdating sa lutuan kasi baka sa susunod, matuluyan na talaga itong bahay ko".

Ung maamo nyang mga mata eh biglaang napalitan ng mga matang naglilisik. Tangina Lanz. Wrong answer ka na naman malamang. Hinihintay ko ng singhalan at sigawan ako ni Elise pero nanatili lamang itong tahimik. Tumigil na din sya sa pag iyak nya. Maya maya pa eh biglang tumayo ito, sabay talikod at panhik sa kwarto. Walang lingon lingon sakin. Tanda un na galit na ang dragona.

"Ibang iba talaga sya sa'yo Elaine", mahinang sabi ko sa sarili ko. Shit! Bigla ko na naman naalala si Elaine.

Nasaan ka na ba Elaine? Naaalala mo pa ba ako? Namimiss mo pa ba ako? Mahal mo pa ba ako? Ako pa din ba ang itinitibok ng puso mo at laman ng isipan mo?

Sana ay mahanap ko din kaagad ang mga sagot sa mga tanong ko.

Kasi napapagod na ako.

Sobrang pagod na pagod na ako.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon