Part 38 Nabati

60 1 0
                                    

"Elise!", sigaw ko sabay takbo palapit sa kanya. Hinawi ko ang buhok nya at hinagod na din ang likod nya. Tuluy tuloy ito sa pagsusuka.

"L—Lanz.. I'm scared..", sambit nito sa bawat suka nya. Medyo garalgal na ang boses nito.

"Shh.. sige lang. Isuka mo pa. Baka sakali na maginhawahan ka", sabi ko naman sa kanya.

"What's happening to me?", tumuloy na ang pagluha nito. Kinabig ko sya palapit sakin. Hinagod kong muli ang likod nya.

"Halika sa banyo para makapag hilamos ka", sabi ko sa kanya. Tumango naman si Elise.

Inalalayan ko sya papunta sa banyo. Doon ay nagsimula ng magtanggal ng damit si Elise.

"E—Elise! Sandali lang. Lalabas na muna ako", sabi ko.

"Samahan mo ako please? Kung okay lang. I'm really not feeling well Lanz", sagot naman nito.

"S—Sige..", un na lang ang nasabi ko. Ang sarap sapakin ang sarili ko dahil naiilang ako sa pagkakataong ito.

Naghubad na si Elise ng suot nyang tshirt. Tumambad na sa aking harapan ang malulusog at mabibilog nyang mga dibdib. Wala itong suot na bra.

Tumingala ako sa langit. Diyos ko po Panginoong mahabagin, pinaparusahan ba akong talaga? Bakit ganito naman po ang inihahain Nyo po sa aking harapan.

"Lanz! Help me out!", nabasag ang pananalangin ko nang marinig ko ang sigaw ni Elise. Lumapit naman ako kaagad sa kanya.

Sheet! Eto na ako, sobrang lapit na sa kanya. Habang naduduwal at nagsusuka sya ay eto naman ako at nahihirapan sa aking kalagayan. Hindi ko alam paano SUSUportahan ang sitwasyon na ito. Takte ka Lanz, nakuha mo pang magbiro.

Hinagod ko ang likod ni Elise. Napakalambot ng balat nito. Ang kinis. Ang lamig ng balat nya kumpara sa sobrang init na mga palad ko. Hinawi kong muli ang buhok nya. Buti na lang at may nakita akong panali na andun sa may lababo. Itinali ko ang kanyang buhok.

Halos yakapin na ni Elise ang lababo. Ung mga dibdib nya ay naiipit sa gilid ng lababo. Napapakagat na lang ako ng aking mga labi. Binasa nya ang kanyang mukha at nagmumog. Pag angat nya ng ulo nya, tumulo sa dibdib nya ung tubig.

Parang ramdam ko din ang pagtagaktak ng aking pawis sa mga nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at inakma kong pupunasan sana ang dibdib ni Elise. Sobrang lapit ko na ng—

"Lanz! Don't you dare!", singhal nito sakin. Sa isip isip ko, nasa wisyo pa pala ang dragona.

Sumuka itong muli. Yumuko ito sa lababo. Grabe na ang pagdadahak nya. Para itong buntis na may morning sickness. Ganito siguro ang pakiramdam ng may mga asawa na tumutulong sa asawa nilang buntis na may morning sickness.

"Elise, sa tingin ko dap—", bigla akong natigilan ng iharang ni Elise ang mga daliri nya sa bibig ko. Napunta tuloy sakin ung suka nya. Parang masusuka na din ako.

"Lanz! Pigilan mo yan! Akin ang lababong ito!", sigaw nya sakin.

"Pero, pero..", sabi ko naman. Pigil na pigil na ako sa pagsusuka.

"Pigilan mo yan! Huwag mo yan ilalabas! Grr!"

"Okay, Elise, okay!", nagulat din ako sa sarili ko na nakapagpigil pa ako. Siguro dahil na din sa takot sa dragonang ito. Sigawan ba naman ung suka ko na huwag kong ilabas eh di natakot at bumalik ung suka ko diba.

Naka ilan pa syang suka hanggang sa wala na syang maisuka. Binasa nito ang mukha nya hanggang sa mga dibdib nya. Hinagod nya ung leeg nya pababa sa mga dibdib nya. Tangina naman eh. Kanina pa ako nagpipigil sa mga bagay na gusto kong gawin at hawakan. At ganito pa talaga ang ginagawa ni Elise sa harapan ko? Napakagat na lang ako sa kamay ko.

"Lanz, tuwalya please", sabi nito.

Titig na titig pa din ako sa mga dibdib nya. Para akong nahuhumaling na hindi ko maintindihan.

"Lanz!", winisikan ako ni Elise ng tubig.

"Ha? Ano nga ung sinasabi mo?"

"Tuwalya!"

"Ah.. okay, okay..", sabi ko na lang sabay abot sa kanya nung tuwalya. Pinunasan nya ang mukha nya at ibinalot nya ang tuwalya sa katawan nya.

Nagpunta kaming muli sa kwarto. Nagbihis na sya at humiga sa kama. Pinainom ko din sya ng gamot para sa allergy. Nang makasiguro na ako na medyo okay na si Elise ay saka ko naman pinunasan ung suka nya na nasa sahig. Nang matapos akong maglinis, pinagmasdan ko si Elise. Parang halos buong mukha na nya ang namamaga.

"Ano bang nangyayari sa'yo Elise?", bulong ko sa sarili ko. Nag aalala na ako sa kanya ng sobra. Hindi ko din maintindihan kung bakit. Kung may nakain man sya nung nasa pasilungan kami eh dapat sa isang gamot ay gumaling na sya.

Naupo ako sa sala at pilit na nag iisip ng kung ano ang posibleng rason kung bakit sya nagkakaganito. Maya pa eh tumunog ung cellphone ko.

"Pareng Lanz, kumusta?", tanong ng kababata ko.

"Oy Pare okay naman. Kumusta? Bakit ka napatawag?"

"Ano kasi Pare, ayain sana namin ikaw sa inuman. Tayo tayo lang magkababata".

"Naku hindi ako puwede. Masama pakiramdam ni Elise. Hindi ko sya puwedeng iwan Pare".

"Ha? Ano nangyari?"

"Galing kasi kami sa pasilungan. Tapos paguwi namin, kinabukasan, bigla na lang namaga mata ni Elise. Tapos nagsuka na sya ng nagsuka", pagkuwento ko sa kababata ko ung nangyari at mga sintomas na meron si Elise.

"Pareng Lanz, parang alam ko na kung anung nangyari kay Elise".

"Ha? Ano? Gagaling naman sya diba?", tanong ko sa kanya.

"Oo Pare, pero kailangan mo nang gawin itong sasabihin ko ngayon na", sagot naman nito.

"Gawin ang alin?", tanong kong muli.

"Hindi ko alam Pare kung naniniwala ka ba sa ganito, pero alam mo naman siguro diba?"

"Ang alin ba Pare?"

"Naalala mo dati nung itinakbo natin sa ospital ung kababata natin na ganyan din ang nangyari?"

"Oo, bakit?"

"Kung natatandaan mo Pare, hindi sya gumaling dun sa ospital".

Natigilan ako. Bigla ko ngang naalala ung pangyayari na un dati.

"Ang ibig mong sabihin..", sabi ko na lang.

"Oo Pare. Kailangan dalhin mo na si Elise dun ngayon na".

Ibinaba ko na ang cellphone. Napaisip din ako.
Maya maya pa eh ginising ko na si Elise.

"Elise.. Elise.. gising ka na. May pupuntahan tayo", paggising ko kay Elise.

"H—Ha? Saan?", tanong nito habang naalimpungatan sya.

"Kay Inang Puring.. ung albularyo namin dito sa probinsya".

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon