Prologue

782 13 0
                                    

I am a loner, an introvert person and I never try to socialize with anybody since I find it uncomfortable. Masaya na ako sa ganitong set up ng school life ko. Less hassle, less trouble, less stress. But unfortunately, isang pangyayari ang naging dahilan para magkandaleche-leche ang tahimik kong buhay.


"Hoy, Primitiva!"

A girl is standing now in front of me wearing a fitted dress and a Versace tote bag. Hindi ko alam kung saan ito galing dahil sa suot niyang damit. Nakataas ang makurba nitong kilay. Sa tingin ko ay Senior namin sila. I don't know where she got my name.

"Yes?" Clueless kong turan.

"Walang hiya ka! Bakit mo nilalandi ang boyfriend ko?!" Biglang saad nito at sinampal ako. Hindi kaagad ako nakapagsalita sa ginawa niya.

Like what the hell?! Sino ba naman ang hindi magugulat diba?

Lahat ng estudyanteng nandito sa cafeteria ay napatingin sa gawi namin.

How can she accused me for something that I'd never done?

"Huwag mo nga akong pagbintangan, Miss. I don't know what you're talking about" Saad ko at niligpit ang gamit ko.

Mas mabuting umalis nalang ako dito. I don't have time for this!. Aalis na sana ako ng harangin naman ako ng mga kasama niya dahilan para hindi kaagad ako makaalis sa pwesto ko.

What is wrong with this people?!

"Ha!" She scoffed. "Anong hindi?! Diba ikaw 'to?!" And she throw photos in front of my face.

Nagkalat ang ilan nito sa sahig. Napakunot noo ako at kinuha ang isang litrato.

It's me and my......cousin?! Napakuyom ang kamao ko. Walang hiya! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Lintik ka talaga, Aziz Lysander! Napabuntong hininga ako at tinitigan ang babae.

"I'm sorry if this looks like 'panlalandi' for you" I almost puke after saying it. It's disgusting! "But to tell you honestly, hindi ko siya nilalandi. I'm just his tutor" Mahinahong paliwanag ko pero halatang ayaw nitong maniwala.

Totoo naman talaga. Tutor ako ng mongoloid kong pinsan. I can't tell them that we're relatives since we have an agreement.

"Tutor? Am I dumb para maniwala sayo?!" Galit nitong sabi kaya kinalma ko ang sarili ko. Ngumiti ako sa kanya.

I don't have choice but to tell her the most dumbest alibi that I have in my mind.

"Miss, kung iniisip mo na may relasyon kami ng boyfriend mo" I even emphasizes the word 'boyfriend' para dama niya. "Wala talaga dahil may boyfriend na ako" Saad ko.

Ito na siguro ang pinakanakakatawang rason na nagawa ko sa buong buhay ko. Mabuti nalang wala dito yung bakulaw kong pinsan kung hindi, pinagtawanan na naman ako non. Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Boyfriend?" Then she scan me from head to foot. Napakunot noo nalang ako. "Kung totoo ang sinasabi mo, ipakita mo sa 'kin ang sinasabi mong boyfriend" Matigas nitong sabi kaya parang nalunok ko ng buo ang dila ko.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon