Chapter Fourteen

186 7 0
                                    

PRIMITIVA

Kinahapunan ay sabay kaming lumbas ng klase ni Carrhiza dahil pag-uusapan pa namin kung anong historical place ang pwede naming puntahan. Medyo aloof pa ako sa kanya dahil hindi ako masyadong sanay na makipag-usap sa mga hindi ko ganun kakilala but still, I try my best to get along with her. She's kind tho pero nag-aadjust parin ako.

"May naisip ka na ba na pwede nating i-present next week?" Una nitong tanong kaya umiling ako. Actually, wala pa talaga akong naiisip na maaaring puntahan namin.

"Ikaw?"

"I was thinking about EDSA Shrine" Wika nito kaya napatingin ako sa kanya.

"EDSA Shrine. There are lots of choices. Gusto ko 'yung hindi masyadong common tapos 'yung hindi rin masyadong malayo"

"Okay. I'll research again later tapos sasabihin ko nalang sayo" Wika nito habang ang mga mata ay sa kanyang notebook at may kung ano-anong sinusulat. Alam kong medyo demanding rin ako kaya hinawakan ko ito sa braso kaya napatingin siya sakin.

"Magre-research rin ako mamaya. So, we will have choices" Wika ko kaya ngumiti ito at tumango.

Napabaling naman ako sa may hallway ng may marinig akong nagtatawanan. Nakita ko na naman ang mga unggoy na may pinagti-tripan na estudyante. Napailing nalang ako. Napabaling ako kay Carrhiza ng mapansin ko ang biglang pagtigil nito sa paglalakad. Titig na titig ito sa lima na parang inis na inis.

"Hey. Any problem?" Takang tanong ko sa kanya kaya mabilis itong napatingin sakin at inayos ang may kakapalan niyang salamin bago umiling.

"W-Wala. Tara na" Wika niya. Tumango nalang ako even though I feel that she's not really fine.

Nang makalapit na kami sa pwesto ng apat ay tumigil sila sa ginagawa nila. Tumakbo naman palayo ang kawawang estudyante na may kung anong sinulat at ginuhit sa mukha niya. Nang mapatingin ang mga ito sakin ay ngumiti sila at kinawayan ako.

Napairap nalang ako. Tss. Hambalusin ko kaya ang mga ito? Magaling talaga sila sa pantitrip. Lalagpasan ko na sana sila ng mapansin kong napatigil si Carrhiza kaya tiningnan ko ito. She's looking somewhere. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at napansin kong si Xavier pala.

"Woah, bakit kasama mo 'tong si Nerd, Prim?" Gulat na tanong ni Ayrton kaya napakunot noo ako. Napatingin ako kay Carrhiza at nakita kong humigpit ang hawak niya sa notebook niya.

"She's my classmate. Bakit naman?"

"What a small world, isn't it Xav?" Tanong ni Raiden na halatang may halong pang-aasar saka bumaling kay Xavier na nakatitig parin kay Carrhiza.

"Alam mo kasi Prim. Umamim 'yang si Nerd kay Xavier na may gusto daw siya sa kanya. Kaso nga lang binusted siya ng lokong 'to" Natatawang kwento ni Raiden dahilan para sumalubong ang kilay ko.

"Tss. Stop it, Raiden" Halata ang inis sa boses ni Xavier. "Umalis na lang tayo" Dagdag nito.

"Bakit Tol? Sinasagot ko lang naman ang tanong ni Prim" Saad ni Raiden at tumawa pa. Nakita kong parang maiiyak na si Carrhiza sa tabi ko kaya hinawakan ko ito sa braso at inilagay sa likuran ko.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon