PRIMITIVA
Pabagsak akong napaupo sa sofa ng makauwi ako sa bahay at tulalang napatitig sa cenrer table. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.
"Totoo ba talaga ang nangyari kanina? But I'm not dumb para paniwalaang panaginip lang lahat 'yon dahil kakauwi ko nga lang galing ng school" Inis akong napasabunot sa buhok ko dahil mukha akong tanga na kinakausap ang sarili ko.
Napatitig ulit ako sa center table at halos isang minuto rin akong nakatanga lang at nakipagtitigan sa flower vase habang paulit-ulit na bumabalik sa akin ang nangyari kanina. I'm sure everyone knows about it already at siguradong pinagpipiyestahan na nila ako. Siguradong nakarating na rin iyon kay Maddox. How am I supposed to go to school tomorrow?
Inis kong sinabunutan muli ang sarili ko at kinuha ang cellphone sa bag ko.
There's no one else should be blame for this but that moron! Kaagad kong hinanap sa contacts ang numero niya at mabilis na tinawagan. It takes three ringing tone until he answered it.
[Wow, insan napatawag ka yata? Miss mo na agad ang gwapo kong mukha?] Saad nito at kasunod noon ang nakakaasar niyang tawa dahilan para mas lalo akong mainis.
"Huwag mo ngang ibida sakin 'yang kapangitan mo! Pupunta ako diyan sa bahay mo may pag-uusapan tayo!" Sigaw ko na siguradong ikinalipad ng tutuli niya. Hindi ko alam kung bakit may pinsan akong ganito. Walang ibang ginawa kundi bwisitin ako.
[Aray ko naman! Kailangan sumigaw?. Ano bang pag-uusapan natin?]
"Let's talk about it later kapag nakarating na ako diyan" Saad ko habang kinukuha ang bag ko sa sofa para dalhin sa kwarto ko.
[Siya nga pala nabalitaaan ko kanina sa school, may boyfriend ka daw? May hindi ka ba sinasabi samin ng kuya mo?]
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa tanong niya. Sabi ko na nga ba ang bilis talagang kumalat ng balita.
"Shut up! Iyan ang dapat nating pag-usapan. Pupunta na ako diyan!" Inis kong sabi at pinatayan ito ng tawag. Kaagad akong pumasok sa kwarto at nagmadaling magbihis ng isang denim short at whte loose shirt. I tied my hair into a messy bun and wear my white sneakers.
Since we're on the same subdivision I decided to walk from our house to his. Actually, hindi naman ganun kalapit hindi rin ganun kalayo but I don't want to waste gas para makapunta lang don. Tss.
Better get ready, Aziz. Mababatukan talaga kita kapag nagkita tayo.
Pagdating ko sa bahay niya ay kaagad akong nag-door bell. Lumabas ang isang maid at pinagbuksan ako.
"Magandang hapon po, Miss Prim" Bati nito kaya ngumiti ako at binati rin siya.
"Si Aziz po?"
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...