Chapter Sixty-Three

103 2 0
                                    

Third Person's POV

Halos liparin na nito ang court para makalapit kay Kane kaagad. Malapit na ito sa pwesto kung saan si Kane ng may tumulak sa kanya dahilan para muntik na itong matumba.

Mabuti nalang at naibalanse nito ang sarili. Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ang babaeng tumatakbo papunta sa boyfriend niya. It was Shanaiah.

Napakuyom ang kamao nito at malalaki ang hakbang na sinundan si Shanaiah. Uminit ang ulo nito. Mabilis niyang hinawakan sa braso si Shanaiah bago pa man nito malapitan si Kane na hanggang ngayon ay nakaluhod sa sahig at hinihilot ang sintido niya.

Nilingon siya ni Shanaiah na ngayon ay salubong ang kilay.

"Get off me!" Galit nitong sabi at tinulak si Prim dahilan para mabitawan siya nito. Naagaw nila ang atensiyon ni Kane at ng ilang mga estudyante na nasa paligid.

"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong ni Prim habang matalim ang tinging ipinupukol kay Shanaiah. Nainis si Prim dahil sa pag-eksena nito at idagdag pang nag-aalala ito kay Kane. She can't take it anymore. Napuno na ito kay Shanaiah sa mga oras na ito.

"Problem?! Kailangan mo pa bang magtanong? Of course it's you! You're my problem. Ang hilig mong umeksena!" Tila nahihibang nitong saad dahilan para kumibot ang gilid ng labi ni Prim at hindi makapaniwalang tiningnan si Shanaiah.

"Me? Oh come on, Shanaiah! Hindi ako umeeksena dito! Tanungin mo nga ang sarili mo! Para kang kabute na sulpot ng sulpot!" Inis na wika ni Prim saka ito tinalikuran upang puntahan si Kane na mukhang bigla nalang na-stress. Pakiramdam nito mas sumakit ang ulo niya dahil sa nangyayari.

"I should be taking care of him and not you!" Galit na ganti ni Shanaiah dahilan para mapalingon sa kanya si Prim saka tinaasan ito ng kilay.

Unti-unti na talagang lumalabas ang tunay na kulay ni Shanaiah. Wala na rin itong pakialam na mag-eskandalo kahit pa may ibang estudyante na nakatingin sa kanila at kasama na roon si Kane.

"Huwag kang umasta na girlfriend ka dahil ako ang girlfriend niya. Matuto kang lumugar" Malamig na wika ni Prim pero tumaas lang ang ang kilay ni Shanaiah.

"Ikaw ang matutong lumugar dahil ako ang may mas karapatan dito! You're just his girlfriend but I am his fiancé!" May kalakasang sabi nito dahilan para mapasinghap ang ilang estudyante. Inis na napabuga ng hangin si Prim saka inayos ang buhok niya. Napayuko ito para pakalmahin ang sarili bago tumingin kay Shanaiah at ngumiti.

"To tell you honestly, hindi lang naman ikaw ang naging Fiancé ni Kane eh" Umpisa niya saka tumingin ng nakakaloko kay Shanaiah na ngayon ay kunot na ang noo. "Kane has a Fiancé before you came back but unfortunately they don't end up together. You know what happened?" Nanunuyang tanong ni Prim rito.

She bit her lower lip and heave a deep sigh. She feel sorry for saying this. Ayaw na niyang i-bring up pa ang tungkol kay Maddox pero punong-puno na siya sa babaeng 'to.

"Nabaliw dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Kane kaya ayun nagpapagaling na. So, you better watch out baka ikaw na ang sumunod" Nakangiwing saad ni Prim dahilan para mapalunok si Shanaiah dahil sa narinig. Although it wasn't the reason after all, wala na siyang maisip na iba pa.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon