Chapter Nineteen

168 5 0
                                    

CARRHIZA

Nakaupo ako dito sa isa sa mga Bench at hinihintay si Prim. Mahigpit kong niyakap ang libro ko at napabuntong hininga. Matagal ko na talagang gusto lapitan at kaibiganin si Prim pero natatakot akong lapitan siya dahil unang tingin ko palang sa kanya ang sungit-sungit niya. Lagi kasi siyang tahimik at hindi palakibo.

Napatingala ako ng may dalawang babae na tumigil sa harapan ko. Si Reeva at Celeste. Ang mga kaklase namin na walang ibang ginawa kung hindi pagtawanan ako at abuauhin ang kabaitan ko.

"Hoy, Nerd! Napapansin ko lagi kayong magkasana nong babaeng higad na'yon?" Ani ni Celeste at tinaasan ako ng kilay. Alam kong ang tinutukoy nila ay si Prim.

"Ano? Naging julalay ka rin niya?" Natatawang wika naman ni Reeva kaya napahigpit ang yakap ko sa mga libro. Hindi ko magawang sumagot dahil natatakot ako sa kanila. Mga mayayaman sila at makapangyarihan samantalang ako, simple lang ang buhay at scholar pa dito.

May itinapon sa akin na dalawang notebook si Celeste. Kahit hindi ko itanong kung ano ito ay alam kong may ipapagawa na naman sila saking assignments o report.

"Wala kaming pakialam kung julaylay ka nong malanding 'yon. Basta, gawin mo ang pinapagawa namin" Wika ni Reeva habang nakahalukipkip. Wala akong nagawa kundi kagatin ang ibabang labi ko at kunin amg mga notebook.

"Carrhiza, ibalik mo 'yan sa kanila" Isang tinig mula sa di kalayuan sa amin ang narinig ko. Nabuhayan ako ng loob ng makitang si Prim ito. Napabaling rin doon sina Reeva at Celeste. Nakita ko na nagulat ang mga ito pero kalaunan ay napairap din.

"Huwag ka ngang makialam dito. Kung gusto mo ng alalay, maghanap ka nalang ng iba" Matigas na turan ni Celeste. Lumapit lang sakin si Prim at kinuha sa kamay ko ang mga notebook saka hinarao ang dakawa.

"Talaga? Maghahanap nalang ako ng iba?" Walang gana nitong tanong habang binubuklat ang notebook. Inangat nito ang tingin at nginitian ng nakakaasar ang dalawa. "Pwedeng kayo nalang ang gawin kong alalay? Total kayo naman ang nag-suggest" Nakangiting saad nito dahilan para sumama ang timpla ng nga mukha nito. Hindi ko naman mapigilang tumawa sa isipan ko.

"Anong?! Hoy, malandi! Umalis ka dito kung ayaw mong madamay!" Sigaw ni Celeste rito na halatang asar na asar.

"Paano ako hindi madadamay eh kaibigan ko 'tong mga ginuguyo niyo? Mga putragis kayo! Ganyan na ba kayo ka bobo para iasa sa kanya ang mga simpleng bagay na 'to? Ang yayaman niyo pero wala namang laman ang utak!" Sigaw ni Prim dahilan para manlaki ang mata ng dalawa at napamaang ang labi.

"A-Anong sabi mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Reeva kay Prim at parang handa ng sabunutan ito kaya mabilis akong napatayo at hinawakan si Prim sa braso.

"Ay hindi lang bobo, bingi pa. Gusto mo ulitin ko ang mga sinabi ko?"

"How dare you!" Nanlaki ang mga mata ko ng iangat ni Reeva ang kamay niya para sampalin si Prim pero mabilis na nahawakan ito ni Prim at pabalyang binitawan.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon