Prim's POV
Napangiwi nalang ako sa sinabi nito. As if he's talking to his self.
"K-Kane...." Tawag ko sa pangalan niya saka tinapik ang likod nito. I suddenly feel shy and uncomfortable when every students' eyes are on us.
"Hmm?" Marahang saad nito. Kinilabutan naman ako ng maramdaman ang hininga nito sa leeg ko. I swallowed hard and bit my lower lip.
"Stop hugging me. Their eyes are on us" Saad ko. Hindi naman ito kumibo. Napabuga ako ng hangin.
"Kane naman"
"Just don't mind them. It's comfortable here" Ramdam ko ang pang-aasar nito kaya napasimangot ako. Nakuha pa talaga akong asarin. Tss.
"Suntok gusto mo?" Tanong ko rito. I just heard him chuckled.
Hindi ibig sabihin na may feelings rin ako sa kanya eh hahayaan ko lang siya diba? Dapat maging dalagang pilipina parin tayo---kahit may konting harot. Just kidding.
"Woah! Ano 'yan?"
"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?"
"Woah! T***na! Si Captain ba 'yan?!"
"Mahiya naman kayo sa mga single dito!"
Mas mabilis pa kay the flash na lumayo sakin si Kane. Ako naman ay napabuga ng hangin. Hindi ko magawang tumingin sa kanila. I just bit my lower lip and diverted my gaze to the foods in front of me.
Mabilis pa sa alas kwatrong umupo sa harapan namin 'yung apat. Ramdam ko ang mga tingin nilang ipinupukol saming dalawa. They didn't speak but I know that they're just analyzing our movement.
Mga unggoy talaga. Tss. Pasimple akong tumingin kay Kane at nakita kong tila wala itong pakialam. Ibinalik ko nalang ang paningin ko sa pagkain.
"Kanina magkayakap lang kayo, ngayon naman parang hindi kayo magkakilala?" Rinig kong tanong ni Raiden pero hindi ko nalang tinapunan ng tingin. "Sus. Mga pautot niyo. Ano, totohanan na ba?" Tanong nitong muli kaya napahigpit ang hawak ko sa kutsara. Ano bang sasabihin ko?
"Tss. Stop being nosy, Madrigal. Daig mo pa ang babae" Seryosong saad ni Kane dahilan para mabitawan ko ang kutsara at napatawa. Pati na rin sina Ayrton, Levi at Xavier ay nakisabay sakin.
"Burn!"__Xavier
"Sunog!"____Ayrton
"Tustado!"___Levi
Sunod-sunod na wika ng tatlo at nakipag-apir pa sa akin. Hindi naman maipinta ang mukha ni Raiden.
"Mga bwisit kayo!" Saad nito at dinagukan ang tatlo.
Tawa lang kami ng tawa. Tumigil lang ako ng hawakan ni Kane ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa habang tuloy lang siya sa pagkain. I just cleared my throat and started eating again. Tumigil naman ang tatlo sa pagbato ng mga shit talks sa isa't-isa saka ulit kami pinagmasdan.
Napatingin naman ako kay Kane ng kunin nito ang yakult at lagyan ng straw saka ibigay sakin. Ngumiti naman ako at tinanggap ito. Nabigla naman ako ng ilapat nito ang hinlalaki sa gilid ng labi ko.
"T*ng*na! Hustisya naman sa mga single dito!" Biglang sabi ni Raiden dahilan para mapatingin ako rito. Nakahawak pa ito sa dibdib niya at nakangiwi.
"Naospital ka lang, Prim. Ang sweet niyo na? Ibang klase ka rin, Captain" Wika naman ni Xavier at napailing-iling pa. Hindi ko naman mapigilang mapayuko. Bwisit talagang mga unggoy 'to.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...