PRIMITIVA
Mahigit limang minuto na akong naghihintay pero walang Kane na dumating. Asan ba kasi nagpunta 'yon? Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at ginawang pang-ilaw. Napa-sign of the cross pa ako bago dahan-dahang tumayo saka inilawan ang buong sala. Takot talaga ako sa dilim Jusko!
"K-Kane?" Tawag ko pero walang sumagot. Nag-umpisa naman akong maglakad at maingat na iniilawan gamit ang flashlight ng cellphone ko ang nadadaanan ko. Peste! Bakit kasi nag-brown out?!
"Kane?" Tawag kong muli ng malapit na ako sa may Kitchen.
"I'm here" Sagot nito na nanggaling sa may Cr. Kaagad akong tumungo sa kanya at nakita ko itong nakasandal sa pinto ng CR at parang hingal na hingal saka may namumuo pang pawis sa kanyang noo. Kinabahan naman ako kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
"O-Okay ka lang?" Tanong ko at tanging tango lang ang isinagot nito. Nag-umpisa na itong maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Kumapit nalang ako sa laylayan ng damit niya dahil napapraning na naman ako.
"Ano nga pala 'yong naupuan ko kanina?" Tanong ko kaya nakita kong nanigas bigla ito sa kinatatayuan niya pero pagkaraan ng ilang segundo ay napabuntong hininga ito.
"Just don't mind it, Harriette. It's something that only the boys have" Wika nito na ikinakunot ng noo ko. Ano naman 'yon? Tss.
"Eh ano nga?" Tanong kong muli kaya tumigil ito sa paglalakad at naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha bago tumingin sakin.
"Damn! Just s-stop asking!" He blurted out kaya napanguso ako at hindi na nagtanong. Ano bang ikinagagalit niya nagtatanong lang naman ako. Tsk.
"I need to go home, Harriette" Wika nito ng makarating kami sa sofa. Napalunok naman ako. Uuwi na siya? "The rain already stopped. You need to rest too" Dagdag nito kaya napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit niya.
I swallowed hard when he started to fix his belongings. Nanatili lang akong nakatayo habang hawak parin ang laylayan ng damit niya. Napansin nito ang pagkakahawak ko sa damit niya kaya tumigil ito sa ginagawa at humarap sakin.
Hinawakan nito ang kamay ko at marahang inalis sa laylayan ng damit niya. He heave a deep sigh. He put his both palms on my cheecks and look at me. Mainit ang palad nito. Inilagay nito sa kaliwang tenga ko ang ilang takas na hibla ng buhok sa mukha ko.
"It's not good for the both of us to stay in one roof, Harriette. I need to go" Wika nito kaya nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin.
Binitawan niya naman ang pisngi ko at sakto namang umilaw ulit. Nakahinga naman ako ng maluwag. Thank you, Lord. Kinuha na nito sa sofa ang mga gamit niya pati narin ang coat na hiniram ko. Naalala ko naman ang T-shirt na pinahiram niya rin sakin last time.
"Teka, 'yung T-shirt pala na pinahiram mo. Kukunin ko lang saglit"
"No need. Sayo nalang" Wika nito kaya napatigil ako. "I have to go" Wika nitong muli. Tumango naman ako at sinamahan siya patungo sa may main door. Bubuksan na sana niya ito ng pigilan ko ito. Tumingin ito sakin.
"I-I just wanted to say thank you" Wika ko at umiwas ng tingin.
Naramdaman ko naman ang paglapit nito sakin kaya napatingala ako sa kanya. Matagal ako nitong tinitigan saka niya ako nginitian. It's not a smirk or a grin but a real one. A smile that can melt anyone's he---Crap it! Iiwas na sana ako ng tingin pero mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
I'm not prepare to the next thing he did. His soft and warm lips touches my forehead. It wasn't that long, it was more likely a quick kiss. Natuod naman ako sa kinatatayuan ko at hindi nakapagsalita. Tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.
"Good night, Harriette. Sleep tight. Don't forget to lock the door" Rinig kong wika nito. Matagal akong hindi kaagad nakasagot.
Tanging tango nalang ang isinagot ko rito pagkaraan ng ilang segundo. Sinundan ng ito ng tingin na papalabas na siya ng gate.
Matagal akong nakatulala lang rito sa hamba ng pinto. I suddenly hold my chest. God! Nababaliw na yata 'tong puso ko. Mabilis kong isinara ang pinto at ini-lock saka patakbong tinungo ang sofa at tinalon iyon saka kinuha ang throw pillow at kinagat-kagat. Nang matauhan sa ginagawa ko ay tinigil ko ang ginagawa ko at tinampal ang noo ko.
"This is not you, Primitiva! Come back to your senses!" Pasaring ko sa sarili ko.
___________
KINABUKASAN"Harriette, may sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Kuya habang naglalagay siya ng pagkain sa plato ko. Nakahalumbaba lang ako sa la mesa at tinititigan ang malaking pritong tilapia sa harapan ko.
"Wala po, Kuya" Matamlay na sagot ko at umayos ng upo. Umupo naman siya sa katapat kong upuan at tiningnan ako saka napakunot noo ito. Kinuha ko naman ang tubig at uminom.
"Eh bakit, ang lalim ng eyebags mo? Mukhang puyat na puyat ka? Ano bang ginawa mo kagabi ng wala ako rito?" Tanong niya dahilan para masamid ako at mapaubo. Mabilis itong lumapit sakin at tinapik-tapik ang likod ko.
Nang matigil ako sa pag-ubo ay bumalik na ulit ito sa pwesto niya. "W-Wala naman, Kuya. Napuyat lang sa pag-review" Dahilan ko at kinuha ang kutsara't-tinidor. Naalala ko naman ang halik ni Kane sa noo ko kagabi kaya nabitawan ko ang hawak kong kubyertos.
"Ano bang nangyayari sayo, Harriette? Ba't namumula 'yang pisngi mo?" Tanong ni Kuya dahilan para kaagad akong umiling ng sunod-sunod.
"W-Wala, Kuya. P-Parang mainit lang kasi" Parang timang kong saad at nagsimulang kumain. Ramdam ko ang mga mata nito sakin kaya nagdasal ako na sana hindi niya mapansing may tinatago ako. He heave a deep sigh.
"Ki-aga aga naiinitan ka? Tss. Ubusin mo nalang 'yang pagkain mo at ihahatid na kita sa school mo" Wika nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Kung hihindi ka na naman at irarason mong busy ako. Well, mamaya pa ang pasok ko sa trabaho. No buts, for now. Princess" Sunod-sunod na wika nito kaya wala na akong nagawa kung hindi itikom ang bunganga ko at kumain nalang.
_____
[A/N: Dear readers. Sorry for grammatical and typographical errors. Thank you for reading]
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...