Chapter Seventy-Eight

124 6 0
                                    

AFTER THREE MONTHS

Prim's POV

Mabilis lang natapos ang mga buwan. Heto kami ngayon at nagpi-picture. Graduation day namin ngayon. Kakatapos lang ng ceremony. We're holding our diplomas. Hinanap ng mata ko kung saan si Carrhiza. Nang mamataan ko ito ay kaagad akong lumapit sa kanya at saka ito niyakap.

"Kyaah! Graduate na tayo!" Masiglang sabi niya. "Tapos kasal niyo na two months from now Waahh!" Mas sumigla ang boses nito kaya nahihiya akong napatingin sa ibang estudyante.

Buti nalang hindi kami narinig dahil sa musika na galing sa banda nila Azazel.

"Huwag mo na munang ipaalala!" Nahihiyang sambit ko at mahinang tinapik ang balikat niya. Humiwalay ito sa yakap ko at napakunot noo.

"Bakit naman?"

"Tss. Alam mo namang hindi pa ako ganun ka-ready"

Napanguso naman ito bago siya kumapit sa braso ko.

"So, hindi ka natutuwa na ikakasal na kayong dalawa? Imagine, mapapakasalan mo ang taong mahal mo? Diba ang sarap lang sa feeling" Tila nagd-daydreaming nitong sambit at tinampal ng mahina ang braso ko.

"Syempre gustong-gusto kaya lang ano...."

Tumigil ito kaya nasama pati ako.

"Kaya lang...?"

Mas lumapit ako ng kaunti sa kanya.

"Diba may h-honeymoon 'yon after ng kasal?" Pabulong kong tanong sa kanya dahilan para mapatingin ito sa akin at niyugyog ang braso ko.

"Kyaaahhh! Syempre naman!" Kinikilig nitong sabi kaya pakiramdam ko uminit ang pisngi ko.

"Hinaan mo nga ang boses mo!" Saway ko sa kanya. Tumigil naman ito at nginisihan ako bago sinundot ang tagiliran ko kaya napaigtad ako.

"Sorry naman! Mas na-excite tuloy ako sa honeymoon niyo" Pinagdiinan pa talaga nito ang salitang 'honeymoon' kaya mas nahiya ako.

"Tumigil ka na nga! May makarinig pa sayo mamaya!" Saway ko ulit.

"Oy ano 'yan ha?" Rinig kong puna mula sa isang pamilyar na tinig. Siniko ko naman si Carrhiza kaya tumigil ito. Nakita namin doon ang apat na unggoy kasama si Kane na suot ang mga formal suit nila tapos nakapatong sa mga braso nila ang itim nilang toga.

Mas gumwapo sila sa suot nila at mas lumitaw ang kaputian nila . Their hair are well-fixed. Nakangiti ang apat na unggoy samantala nakatitig naman sakin si Kane at seryoso ang mukha. Lumapit sila sa amin.

"Congrats satin" Raiden said and tap my shoulder then he hug Carrhiza.

"Congrats din sa inyo!" Bati ko sa kanila saka niyakap sila isa-isa. Nang nasa harapan ko na si Kane ay nakangiti akong tumingala at sinalubong ang tingin niya.

Nakatingin ito ng seryoso sakin. "Congrats, Baby Love. Graduate na tayo" Masayang sambit ko saka winagayway ang diploma ko sa harap niya. Ngumiti ito saka ipinatong ang kamay niya sa ulo ko.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon