Chapter Sixty-Eight

108 4 0
                                    

Prim's POV

HAPPY MONTHSARY BABY LOVE

I ♥ YOU

Iyon ang mga lumabas don sa langit nang sumabog ang fireworks. Lahat tuloy ng mga tao naglabas ng mga cellphone nila saka nagkuha ng mga litrato at videos. Tumingin ako kay Kane na ngayon ay ngiting-ngiti na sakin. Hinampas ko naman ang balikat niya.

"Happy 2nd Monthsary. I'm sorry if this is the first time that we celebrated our monthsary" Wika nito na ikinakunot ng noo ko."The truth is aside from the fact that this is my first time doing this I also forget our monthsary" Kakamot-kamot sa ulong wika nito. Natawa naman ako.

"Nakalimutan ko rin, hindi ka nag-iisa" Sabi ko. I heard him chuckle. "Pero third monthsary talaga natin ngayong araw?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. September 26? Niyakap naman ako nito.

"Remember the day that you claimed me as yours Harriette? This is the exact date" Bulong nito kaya nabigla naman ako. Kumalas naman ako sa pagkakayakap saka tumingin sa kanya at ngumiti ng hilaw.

"Talaga? Ang totoo niyan Kane, hindi ko nga rin alam kung ano ba talaga ang official date na naging tayo kaya wala na rin sakin ang ganitong klaseng ganap. The important for me is how much we love each other and spending my time with you" Saad ko. I heard him chuckle and pinch my nose lightly.

"Then, this will be our official date of love, Harriette" Wika nito saka hinalikan ang noo ko. "I love you"

"I love you too" Malapad ang ngiting saad ko. Kulang ang salitang saya sa nararamdaman ko ngayon. He cup my both cheeks at unti-unti nitong inilapit ang mukha sakin. I was about to close my eyes when I heard someone not far from us.

"Ayan na...Ayan na. Malapit na" I heard Ayrton's voice. Mahina ito pero narinig parin namin. Tumigil si Kane at tumingin sa di kalayuan. Kunot ang noo nito.

"Huwag kang maingay, bwisit!" Reklamo ni Levi. Binitawan naman ni Kane ang pisngi ko. Natawa nalang ako.

"Takte, kanina pa tayo naghihintay dito wala paring kiss" Rinig kong sambit naman ni Raiden kaya tuluyan na akong napatingin sa kanya. Nakita ko naman na kompleto silang lahat kaya mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nila at dinamba ng yakap si Raiden.

"Buti nandito ka!" Masayang saad ko sa kanya saka hinampas ang braso niya kaya napakamot siya sa ulo niya.

"Syempre ako pa! Dapat present ako sa ganitong okasiyon. Ako ang mas may ambag eh" Sabi nito kaya natawa ako saka inakbayan siya kahit hindi ko siya abot dahil kasing tangkad sila ni Kane.

"Ulol! Anong ikaw? Ako ang mas may ambag dito!" Sabi naman ni Ayrton.

"Ayan na naman kayo. Pero seryoso, masaya ako sumama ka. Kompleto tayo" Nakangiting sabi ko. Ngumiti ito ng pilit.

"P-Prim, masaya rin ako pero kailangan mo munang lumayo sakin baka bumulagta ako dito bigla" Hindi maipinta ang mukha nito ng sabihin niya 'yon saka unti-unting inalis ang braso ko sa balikat niya. Lumayo siya sakin at mabilis siyang nagtago sa likod ni Ayrton.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon