Chapter Two

229 8 0
                                    

Third Person's POV

Nang mapalingon si Prim ay kaagad nagkubli ang babae na kanina pa nakasunod sa kanya simula ng lumabas siya sa library. Pinagkasya nito ang sarili sa isang malaking halaman. Nang makalayo na si Prim ay lumabas na sa pinagtataguan nito ang babae.

"Lagot ka ngayon kay Frida" Bulong nito habang pinagmamasdan ang mga litratong kinuha niya kanina sa library. Kaagad nitong itinago ang kanyang cellphone saka ipinagpatuloy ang pagsunod kay Prim.

Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa North Wing ng school. Gusto niyang malaman kung saang department nabibilang si Prim. Habang sinusundan niya si Prim ay ipinadala nito ang mga litrato sa babaeng tinatawag niyang Frida. Afterwards, her phone started to ring. Naging marahan ang kanyang paghakbang habang ang mga mata ay nanatili kay Prim.

[What was that, Avie?!]

Napangiwi ang babae dahil sa sigaw ng taong nasa kabilang linya. "Relax. Ako 'tong kausap mo, okay?" Nakasimangot na turan ng babae.

[Paano ako mag-rerelax? Can't you see it?! Nawala lang ako saglit may nilalandi na siyang iba!] Halata ang inis at galit sa boses ng babae habang sinasabi ito.

"Kaya nga pumasok ka na ngayon dahil baka ahasin na nong malanding 'yon ang boyfriend mo" Turan ng babae na hindi parin inaalis ang paningin kay Prim na papasok sa Department for Business Degree.

[Keep an eye on that bitch. Papasok ako ngayon]

Hindi na nakasagot ang babae ng patayan na siya ng tawag sa kabilang linya. Nakasimangot nitong ibinalik sa bulsa ng uniform niya ang kanyang cellphone. Saglit muna siyang tumingin kay Prim bago ito pumihit pabalik sa west wing upang tunguhin ang Tourism Department.

Prim's POV

Isinawalang bahala ko nalang ang pakiramdam kong iyon at pumasok nalang ako sa loob ng classroom. Fortunately, our instructor is not here yet. Kapag nagkataon malilintikan ako. She's the most terror among our subject instructors.

No one can surpass her supremacy when it comes to teaching isama mo pa doon ang pagiging strict niya sa pagsunod school's rules and regulations. Lahat ng estudyante dito sa department namin ay takot sa kanya at wala ring palusot na bebenta sa gurong iyon.

Even though she's like that we still respect her since she's one of the most hardworking and talented teacher here in our school. Kung hindi rin dahil sa kanya hindi pa titino ang ilan sa mga kaklase ko.

Habang papunta ako sa seat ko ay napansin ko ang iilan sa mga babaeng kaklase ko na may tinitingnan sa cellphone nila. Nagbubulungan ang mga ito at panaka-naka akong tinitingnan na ikinataka ko. Hindi ko nalang iyon pinansin pa ng dumating ang guro namin.

-----------

Break Time

So, as usual I headed to the school's cafeteria. I decided to take the spot near the entrance. Dumating ang isang waiter kaya sinabi ko na ang order ko. While waiting for my order, I decided to browse some files on my phone. I have to check my PowerPoint presentation later.

"Where is she, Avie?" Rinig kong tanong ng isang babae. Medyo may kalakasan ito kaya napatingin ako doon. A petite girl was standing at the cafeteria's entrance and I can see that she's mad on something or someone rather? Ibinalik ko nalang sa cellphone ko ang aking paningin.

I stopped from what I'm doing when a group of people approached me. Tiningnan ko naman sila. She's that girl. Anong ginagawa niya sa harapan ko? Nabigla ako ng banggitin nito ang pangalan ko. In a rude way.

"Hoy, Primitiva!" A girl is standing now in front of me with flashy dress and Versace tote bag. She have a class yet she's lack with fashion sense. Hindi ko alam kung saan ito galing dahil sa suot niyang damit. Nakataas ang makurba nitong kilay. Sa tingin ko ay Senior namin sila. I don't know if where the hell did she got my name.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon