Chapter Seventeen

168 5 0
                                    


Prim's POV

"Anyare sa mukha mo?" Carrhiza ask me while scanning my face. I shooed her away by gently pushing her face away from mine. "Hala! Bakit may kamay na bumakat sa mukha mo, Prim" Dagdag nito dahilan para iiwas ko ang mukha ko.

"Tss. Huwag mo nalang pansinin" Walang gana kong saad at inilabas nalang ang notebook ko habang naghihintay kami sa inatructor namin sa Physical Science.

"Owemge! Nandiyan na si Ma'amshie este Seeerrr!" Wika ng bakla naming kaklase habang papasok ng classroom na sinundan ko ng tingin. Natawa ako sa isipan ko ng makita ang mukha nito na todo sa kolorete.

My gaze diverted to the doorway when our instructor came in with his usual strict and stern face. Actually, our instructor has this handsome face and model-like body but unfortunately, he's a gay. Tumahimik kaming lahat ng tuluyan itong makapasok sa loob. Pumilantik ang kamay nito sa hangin at sinuri kami isa-isa. He put his bag on top of the table and look at us again.

"We have our oral recitation for today" Seryosong wika nito dahilan para magbulungan at magreklamo lahat ng kaklase ko. I even scratch my forehead. Oral recitation?! Siya lang talaga ang laging mahilig sa surprise. Sobra naman yata ngayon? "Kung sino ang makakasagot sa tanong ko exemted sa Quiz sa Wednesday" Dagdag nito.

"Seerrr, hindi kami nakapag-review!"

"Pwede five minutes review muna, Sir?"

"Gawwwddd! Dito na yata masisira ang kinabukasan ko!"

Samu't-saring saad nila na ikinangiwi ko. Carrhiza almost cried beneath me so I couldn't help myself but to shook my head. I let out a heavy sigh.

"No more buts! After I called your name stand up and asnwer my question!" Wika nito sa baritonong tinig dahilan para magsitahimik ang buong klase. Okay, kapag hindi na ipit at malamyos ang boses ng instructor namin alam kung galit na ito. "I'll start with you, Ms. Almero"

Aligaga namang tumayo ang isang babae na nasa pinakaunahang bahagi ng classroom. "S-Sir..." Halata ang kaba sa boses nito.

"Give me at least 2 branches of Physical Science"

"Condensed matter Physics and C-Classic Mechanics, S-Sir"

"Very good. How about you Mr. Lopez. What is Condensed matter Physics?"

Tumayo naman ang isang lalaking kaklase namin na mukhang rakista. "Kondensada Sir na may Matter?" Parang tangang wika nito dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko.

"Silence! Sit down, Mr. Lopez at umuwi ka na!" Inis na wika ni Sir Fukushima. Umupo naman ang lalaki na kakamot-kamot sa ulo niya.

Inilibot nama ni Sir ang mga mata niya sa buong klase at tumigil ito kay Carrhiza. Ramdam kong nanigas sa kinauupuan niya si Carrhiza.

"Ms. Caiazzo!"

"Sir!" Gulat nitong saad at mabilis napatayo.

"The same question with Mr. Lopez. What is Condensed Matter Physics?"

"A-Ahmm....The study of substances in their Solid State, Sir" Tuloy-tuloy nitong sagot dahilan para mapatingin ako sa kanya. Pinaupo na siya ni Sir. Kaagad itong napabuntong hininga.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon