Chapter Fifty-Eight

97 3 0
                                    

Prim's POV

Tumigil ako sa harapan niya at hindi alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kahit basang-basa na ako ay hindi ako natinag at nanatiling nakatayo sa harapan niya habang tinitingnan ang mukha nito.

"Kane" Tawag ko rito upang makuha ang atensiyon niya. Unti-unting umangat ang paningin nito sakin. Kita ko ang gulat sa mukha niya habang nakatingin siya sakin.

Pinagmasdan ko ito. He's not okay. He seems so exhausted and frustrated. Nababasa na ang magulo niyang buhok at salubong ang kanyang mga kilay. Kaagad dumapo ang mga mata ko sa hawak niyang lata ng beer. He immediately hid it behind his back but it's too late. Nakita ko na ito.

"Sh*t!" Mabilis nitong hinubad ang basa na niyang coat at mabilis na ipinulupot sa ulo ko at hinila ako palapit sa kanya. Ginagamit nito ang coat at mga kamay niya upang hindi ako mabasa pero wala na rin namang silbi dahil basang-basa na ako.

""W-What are you doing here?! Sinong kasama mo? It's not safe for you walking here alone, Love" Natatarantang wika nito habang binabalot ako ng coat niya.

"S-Sinundan kita" I honestly said. He frustratedly run his fingers through his wet hair.

"Why did you do that? P-Paano kung may nangyaring masama sayo habang nakasunod ka sakin?! D*mn it!" Sabi nito at batid ko ang pag-aalala sa boses niya. Hindi ako sumagot at walang pasubaling niyakap siya ng mahigpit at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Kahit sobrang lamig ngayon ay hindi ko ito alintana dahil yakap-yakap ko siya.

"I knew you saw us, Love. Hinabol kita upang magpaliwanag ako tungkol kay Y-Yvo" Sabi ko saka ako napabuntong hininga. "Baka kasi galit ka sakin d-dahil hindi ko nasabi sayo na nandun siya. But to tell you honestly, hindi ko rin alam na nandun siya sa bahay. Basta pagdating ko nandun na si----" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ng marinig ko ang marahang pagtawa nito kaya kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumingin rito na nakakunot noo.

"I know. You don't have to explain. I trust you too just like how you trusted me, Harriette" Sabi nito at saka napabuntong hininga at ngumiti. Isang matamlay na ngiti.

Hinalikan ako nito sa noo. Nawala naman ang pangamba sa puso ko. Hinila niya ako sa isang tabi kong saan may puno na masisilungan pero nababasa parin naman kami ngunit hindi na ganun kalala. Pinunasan nito ang pisngi ko na nababasa ng ulan.

"K-Kane, pwede ba akong magtanong?" Tanong ko sa kanya then he nodded. "Ano bang problema? I've been asking you since this morning but you diverted the topic. Simula ng magkausap kayo ni Shanaiah kaninang umaga naging ganyan kana. Ano ba talagang problema?"

Hindi ito umimik at seryosong tumitig sa mga mata ko. He heave a deep sigh. "I-I think you should go back, Love" Pakli nito upang ilayo na naman ang usapan. Walang gana ko itong tiningnan.

"Kane naman" Reklamo ko habang nagmamakaawa sa kanya para sagutin niya ang tanong ko but he just sigh. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.

"Your parents will get mad at me. Baka magkasakit ka. Tara na, ihahatid kit---" He didn't finish it as I hug him again. Rinig na rinig ko ang kabog ng puso nito habang nakadantay ang ulo ko sa dibdib niya.

"No. Hindi ako aalis hangga't hindi ko alam ang problema mo, Kane" Pagmamatigas ko.

"Harriette, huwag ng matigas ang ulo. Ihahatid na kita" Seryosong sabi nito at hinawakan ang braso ko para kalasin ang pagkakayakap ko sa kanya pero hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon