April 18, 20**
Raiden's POV
Papunta kami ngayon sa bahay ni Captain dahil April 18 ngayon, ibig sabihin lang kabuwanan ni Prim. Excited lang talaga kaming makita ang triplets. Sana naman paglabas ng dalawang anak na lalaki ni Captain sa amin nalang magmana dahil nakakatakot kung may maliliit na Kane tapos maliliit na Prim. Paniguradong sabog ang bahay sa kasungitan nila.
Bukod kasi sa cold at masungit si Captain, masungit at bad temper naman si Prim. Kapag pinagsama 'yon siguradong hindi na kami sisikatan ng araw. Pero joke lang 'yon, huwag niyo nalang ipagsabi sa kanila dahil paniguradong walang gwapong Raiden na sisikatan ng araw. Tsk. Tsk.
"Hoy, Raiden. Ano na naman ang nginingisi-ngisi mo diyan?" Tanong sakin ng tukmol na si Xavier at ang gago nagawa pa akong kutusan. Babatukan ko sana siya pero kaagad na itong tumakbo palayo.
"Gago talaga ang hayop na 'yon kahit kailan" Nayayamot kong sabi saka ko kinamot ang parte ng ulo ko na kinutusan niya.
Bumaling ako sa dalawang tukmol na parang artistang naglalakad sa hulihan namin. Kumunot ang noo ko ng makitang mga naka-porma ang mga ito at naka-shades pa. Tumigil ako at nagpameywang sa harapan nila.
"Hoy! Anong mga pakulo niyong dalawa diyan?! Dadalaw lang tayo kina Prim, walang fashion show don mga tanga!"
Hinubad naman ng gagong si Ayrton ang shades niya at pinalandas pa ang mga kamay sa buhok niya saka ngumiti.
"Anong pake mo kung ganito ang gusto naming outfit? This is what we called 'POOR YET FASHIONABLE" Pinagdiinan pa talaga ng loko ang huling sinabi niya.
"Poor? Mga ul*l ako ang mas dehado sa kalokohan nating apat dahil sa pesteng article na pinagsasabi nong hayop na si Xavier! Ipasa ba naman sakin ang kasalanan" Inis kong sabi.
Mamumulubi talaga kami sa mga ni-request ni Captain. Daig pa namin ang may isang dosenang anak dahil don.
"Mga loko hubarin niyo na nga 'yang mga shades niyo, umaambon. Walang araw at mas lalong walang red carpet dito"
"Being fashionable doesn't mean we have some parties to attend, it means being cool, handsome and confident" Proud naman na dagdag ni Levi kaya nahilot ko ang sintido ko. Isinuot muli ni Ayrton ang shades niya at naglakad silang muli padaan sa gilid ko.
"Tabi nga paharang-harang ka" Sarkastikong sabi ni Ayrton at sinagi pa ang balikat ko. Ano raw?! Pusang gala!
"Hoy! Mga g*go! Makakatikim talaga kayo sakin ng sapak!"
Pero bago pa man ako makalapit sa kanila ay nagtakbuhan na sila papasok ng bahay ni Captain. Mga p*t**i** talaga! Humanda kayo sakin!
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko sila na nagkanya-kanyang pwesto sa may sofa.
"Hoy! Kayo!" Sigaw ko saka tinuro ang mga pagmumukha nilang ang papangit.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...