PRIMITIVA"C-Captain, bakit hindi mo sinabi na nandito pala siya?" Pabulong na tanong nong si Raiden kay Kane na hindi makatingin ng maayos sakin.
"Why? Did you ask?"
Napakamot nalang sa ulo ito dahil sa naging sagot ni Kane sa kanya. Napailing nalang ako saka tumingin sa wrist watch ko. Makakaabot pa ako sa next class ko.
"Alis na 'ko" Paalam ko sa kanila saka kaagad na akong tumalikod para umalis. Wala akong nakuhang sagot kaya nakahinga ako ng maluwag. Baka may sasabihin na naman siya sakin. Bago pa man ako lumabas ay lumingon muna ako.
Nakita ko ang dalawa na nakatingin sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay. Mabilis silang nagsiyukuan at may kung ano-anong pinagkaabalahan bigla. Napairap nalang ako.
"By the way, salamat nga pala dito Mr. President" I try to sound sincere kahit ang totoo'y ayoko talagang gawin 'yon dahil sa pinaggagawa niya sakin kanina.
Hindi ko na hinintay pa siyang magsalita at mabilis na akong lumabas ng opisina daw niya. I heave a deep sigh saka napahawak sa lace ng bag ko at pinagmasdan ang damit na pinahiram niya. Tipid akong ngumiti. May bait rin naman pala 'yon kahit papaano. But I can't change the fact that I still hate him.
Dumiretso nalang ako sa classroom ko at habang dumadaan ako sa corridor ay napapatingin sakin ang ilang estudyante at may mga tinitingnan sila sa kanilang cellphone. I don't have to guess because I knew that it was all about what happened earlier. Ang bilis talagang kumalat ng balita.
Pagpasok ko ng classroom ay nagulat ako ng may isang crumpled paper na sumalubong sa akin mabuti nalang maagap akong nakaiwas kung hindi sapul ang mukha ko. Kunot-noo akong napatingin sa mga kaklase ko. Nakangisi sa akin ang grupo ng kababaihan na may hawak na nilamukos na papel.
Ano na naman bang problema nila? Tsk. Dumiretso ako sa upuan ko at kaagad na naupo pero kasunod non ang pagtapon nila sakin ng mga papel na ikinainit ng ulo ko. Idagdag mo pa ang tawanan nila na nakakairita. Inilabas ko ang isang karton na ballpen at ipinatong sa table.
"Anong mga problema niyo?" Walang ganang tanong ko sa kanila kaya tumigil sila sa pagbato ng papel sakin saka sila nagkatinginan. Akala ko titigil na sila pero nagtawanan lang sila at binato ulit ako.
Ibinagsak ko sa desk ang kamay ko dahilan para tumahimik sila at tumigil sila sa pinaggagawa nila. Mahigpit kong hinawakan ang ballpen sa kamay ko.
"Kung wala kayong magawa sa buhay, huwag niyo akong pakialaman" Malamig kong saad saka tiningnan sila isa-isa. Particularly those people who throw these crumpled papers on me.
"Well, sorry to say this pero wala kaming pakialam sa sasabihin mo dahil hindi ikaw ang susundin namin. Susundin namin si Maddox kaysa sayo" Matapang na saad ng isang babae na naka-ponytail saka binato ako sa mukha ng nilamukos na papel dahilan para mapapikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili ko.
Rinig na rinig ko ang tawanan nilang lahat kasama na doon ang mga kaklase naming lalaki. Mga bwisit! Napabuntong hininga ako saka nagmulat at inilabas lahat ng ballpen sa karton saka inilagay lahat sa kamay ko. Umayos ako ng tayo at tumingin sa limang babae na nagsimula ng gulo.
"Do we have this famous phrase; 'Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay'" Umpisa ko dahilan para tumahimik silang lahat. Ngumisi ako. Ngising sisigursduhin kong tatatak sa mga bunbunan ng mga 'to.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...