Prim's POV
CAFETERIA
Nandito na kami sa cafeteria ni Kane kasama ang tatlo. Wala parin si Raiden na ipinagtaka ko kanina pero ang sabi nila may pinuntahan daw at mamaya nalang babalik kapag nag-umpisa na ang laro nila laban sa Monteverde High dahil sila ang nanalo laban sa Falcon University. Magkatabi kami ni Kane samantalang nasa harap namin namin 'yung tatlo.
"Asar talaga ako don sa mukhang sapatos na 'yon" Inis na saad ni Ayrton at tinusok ng tinidor ang hamburger sa harapan niya na ikinangiwi ko. Kailangan pang idamay ang hamburger? Tss.
"Ul*l! Ang sabihin mo mas gwapo lang talaga sayo 'yon" Napapailing na sagot naman ni Levi sa kanya dahilan para magsukatan na naman sila ng masamang tingin. Ayan na naman sila sa mga ka-ungasan nila.
"At least we won, paghandaan nalang natin ang sunod nating makakalaban mamaya" Seryosong sabi ni Xavier na nasa pagkain lang ang paningin.
"Xav, buti nakalaro ka kanina. Akala ko hindi ka makakarating" Sabi ko kaya napatunghay ito sakin.
"Syempre naman talagang maglalaro ako. Mawawalan ng gwapong player ang team natin kung wala ako" Nakangising sabi nito kaya natawa ako.
"Salamat sa pagbuhat ng bangko, Dre. Nadadala mo kami" Puna ni Raiden kaya kinutusan siya ni Xavier.
"Hindi kayo kasali" Walang gana nitong sabi.
Napapailing nalang akong napangiti. Wala talagang matinong usapan na mangyayari kapag sila ang magkasama.
Napatingin ako kay Kane na ngayon ay nakapatong sa braso nito ang kanyang ulo at nakadukmo sa la mesa. Napansin ko na namumula ang pisngi nito pati ang labi although mapula naman talaga ang labi niya pero iba kasi ngayon.
Nakatingin lang ito sakin kaya tinigil ko ang pagkain saka inilapat ang kamay ko sa noo niya. Namilog ang mga mata ko ng mas maramdaman kong napaka-init nito.
"Kane, may lagnat ka" May kahinaang sabi ko. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya.
Hinawakan ko ang pisngi nito at mainit talaga siya. Bukod sa nag-aalala ako sa kanya ay nag-aalala rin ako para sa laro niya mamaya. Baka mapano siya. Hindi pa naman biro ang lagnat dahil paniguradong mahihilo siya saka mabigat talaga 'yon sa pakiramdam.
Hinawakan nito ang kamay ko saka siya napabuntong hininga bago siya umayos ng upo. Namumula rin ang mga mata nito.
"Captain, ayos ka lang?" Tanong ni Xavier na ngayon ay napansin niya rin ang pagkamatamlay ni Kane. Nakuha rin ang atensiyon ng dalawa na ngayon ay nasa amin na ang mga mata.
"I'm fine" Sagot nito pero bakas sa boses niya na hindi talaga siya okay. Napansin ko ang pag-aalala sa mukha ng tatlo.
"Mukhang hindi ka talaga okay, Captain. We have an hour before our next match siguro magpahinga ka muna sa clinic" Suhestiyon naman ni Levi pero umiling lang ito.
"I said, I'm fine" Pagmamatigas nito kaya pinisil ko ang kamay niya dahilan para mapatingin ito sakin. Binigyan ako nito ng nagtatanong na tingin.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...