Chapter Seven

211 9 0
                                    

PRIMITIVA

Mabilis ko itong tinulak palayo sakin saka sinamaan ito ng tingin.

"Tss. I already said thank you. Pwede na ba akong umalis?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Inilagay nito sa magkabilang bulsa ng slacks niya ang kanyang nga kamay saka naglajad palapit sakin kaya umatras naman ako.

Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. "H-Huwag ka ngang lumapit!" Asar kong saad sa kanya pero ang kumag tuloy lang kaya napalunok ako hanggang sa naramdaman ko ang malamig na pader sa likuran ko.

Tumayo ito sa harapan ko saka may inilabas sa kaliwang bulsa niya at inilagay sa mismong harapan ng mukha ko dahilan para halos maduling ako sa sobrang lapit nito sa akin.

"You're going home without this?" Taas-kilay nitong tanong. Kaagad dumapo ang mga kamay ko roon ng mapagtanto kung ano iyon. Parang nabuhay naman ang dugo ko kaya mabilis akong napatalon dahil sa tuwa. Kaagad kong niyakap ng mahigpit 'yung cellphone.

"Tss" Saad nito saka na niya ako tinalikuran saka siya nakapamulsang naglakad paalis. Nakangiti kong pinagmasdang muli 'yung cellphone sa kamay ko.

Tiningnan ko siya na papalayo na sakin at mabilis akong tumakbo upang habulin siya. Nang sabay na kaming maglakad dalawa ay tumingin ako rito.

"Thank you dito ha?" Saad ko pero wala itong imik at nanatili lamang ang paningin sa dinadaanan namin. "Saan mo pala 'to nakita?"

"Outside"

"Huh? Saang outside?" Ang labo namang kausap nito.

Tumigil naman ito sa paglalakad saka humarap sakin. Ayan na naman ang famous serious/fierce look nya.

"Outside of that fucking stockroom beside that fucking door" Malamig nitong saad saka na siya naglakad ulit. Napairap ako. Susunod sana ako sa kanya pero tumigil ulit ito kaya bumangga ako sa likod niya.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong umalog ito. Kaagad itong humarap sakin.

"Stop following me" Ma-awtoridad nitong sabi kaya sinamaan ko nalang ito ng tingin. Parang sasabay lang naman ako sa paglalakad. Psh. Ang arte.

"Pareho lang naman ang daanan namin. Tss" Bulong ko na sa tingin ko naman ay hindi na niya narinig pa.

Napahawak ako sa likod ng ulo ko dahil parang bigla akong nahilo. Kapag talaga nagkaroon ng something itong utak ko malilintikan sila sakin. Narinig ko na ang yabag nito na paalis. Napabuntong hininga nalang ako saka humawak muna sa pader para suportahan ang sarili ko. Madilim na ang buong school dahil 6:20 pm na pala.

Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ko na ang daming text ni Kuya. Ni-replyan ko nalang siya kaagad para hindi na siya mag-alala. Mahirap pa naman 'yon kapag nag-alala dahil siguradong ipapahalughog niya ang buong baranggay sa mga pulis kapag hindi pa ako umuwi. Tss.

Hinilot ko muna ang sintido ko panandalian. Nang masiguro kong maayos na ang pakiramdam ko ay umalis na rin ako. Palabas na ako sa corridor ng mabigla ako dahil may isang bulto ng tao na nakasandal sa mismong bukana ng corridor. Automatic na tumama sa mukha nito ang kamao ko.

"Darn it!" Daing nito habang hawak ang mukha. Kaagad kong binuksan ang flashligt ng cellphone ko at tinutok sa mukha ng taong nasuntok ko.

"K-Kane?!" Gulat kong bigkas at mabilis na lumapit sa kanya upang tingnan ang mukha niya. "A-Ayos ka lang?" Parang timang kong tanong sa rito. Akala ko ba umalis na 'to?

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon