Kaegan's POV
Napaupo ako sa sofa pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi ni Aziz. Pinagmasdan ko ang buong paligid.
"Magkakilala kami nila Kane simula noong mga bata palang tayo hanggang High School. I once met his friends noong high school rin. Pero noong oras na nagkaroon ng sigalot ang pagkakaibigan namin ni Kane, hindi na kami nagkaayos pa. Iyong tatlo nalang ang lagi kong kasama"
"Why? What happened to the both of you?"
Saglit itong tumingin sakin. "Let's say dahil sa isang babae"
Napaismid ako. "Dahil sa iisang babae, nag-away kayo? Hindi ko alam na nagseryoso ka rin pala noon?"
"Tss. Huwag na nga lang nating pag-usapan iyon" Reklamo nito kaya napangisi ako.
"So, this is your hideout?" I ask him na ngayon ay nakatuon na ang atensiyon sa kanyang cellphone.
"Hindi lang naman hideout. Tambayan rin at imbakan ng collections namin. Dito rin kami dumidiretso sa tuwing madaling araw na kaming umuuwi galing sa mga labanan"
Kumunot naman ang noo ko. "labanan?"
"Simpleng labanan lang naman"
"Kaya ba hindi ka nakagraduate kaagad dahil diyan?"
Napabuntong hininga ito. "Tss. Hindi naman sa ganun"
"Hindi ka lang pala babaero, mahilig ka rin sa gulo. Hindi ka na talaga magbabago" Puna ko dahilan para batuhin ako nito ng throw pillow sa mukha. Binato ko rin ito pabalik sa kanya.
Tumayo ako saka tumingin sa wrist watch ko. "So, what is the explanation about those hackings earlier? Alam kong hindi legal ang mga ginagawa nila" Seryosong tanong ko.
"But they don't do anything that is against the law. Simpleng pagtingin lang naman sa mga CCTV cameras 'yon. Another thing, they're good at it since some of their families own a Cyber security Company and telecommunication and software company" Pagpaliwanag nito.
"Tss. I don't care about those information about them. Sa akin ngayon ang mas importante ay kung mahahanap ba talaga nila ang kapatid ko dahil habang tumatagal mas lalo akong nag-aalala at kinakabahan"
Nilukob na naman ulit ng takot ang puso ko. Masyado ng matagal ang pagkawala ng kapatid ko. Hindi na rin ako makatulog ng maayos dahil sa pag-aalala sa kanya.
Tumayo naman siya at tinapik ang balikat ko.
"Mahahanap rin si Insan, Kaegan" Halata ko rin ang pag-aalala sa boses niya.
Sana nga mahanap na siya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kapatid ko.
___________
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...