Chapter One

362 10 0
                                    


PRIMITIVA

Isang tunog mula sa cellphone ko ang nakapagpagising sakin. Napabaling ako sa wall clock at nakita kong 6:15 am palang. Tss. Sino naman kaya ang nambulabog sa tulog ko? Kinapa-kapa ko ang cellphone ko habang nakapikit hanggang sa mahawakan ko ito.

Tamad akong umupo sa kama at kinusot ang mga mata ko. I yawn before opening my inbox. A text message coming from my cousin. Napakunot ang aking noo. Ano na naman ba ang kailangan sakin nito?

'Insan! I need your help. Kita tayo sa Library. Hintayin kita dito ngayon'

I rolled my eyes after reading his text. Aba't! Halos umabot na sa beynte ang text messages nito pero puro 'yon lang naman ang laman ng menshe. Hindi ko na nireplyan pa.

Tamad akong bumalik ulit sa pagkakahiga. Bahala kang maghintay diyan. Tinatamad ako. Malapit na sana akong dalawin ulit ng antok ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Putakte! Tsk. Kainis!
Inis kong tiningnan ang caller. Iniinis talaga ako ng bakulaw na 'to. Sinagot ko nalang.

"Kapag hindi importante ang sasabihin mo, ibabalik talaga kita sa tiya ni Tita" Paunang bungad ko rito. Narinig ko naman ang hagikhik nito sa kabilang linya.

[Chill lang, insan. Wala manlang bang good morning diyan?]

"Anong maganda sa umaga kung ikaw agad ang mang-iistorbo sakin?" Masungit kong tanong dahilan para mas lalo itong matawa.

[Good morning din po. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh]

Mas lalo lang akong nainis sa sinabi nito. Iyang topic na naman ang ayaw na ayaw kong marinig sa lahat. He really know how to pissed me off.

"Pake mo ba? Palibhasa babaero ka" Ganti ko rito pero ang loko mas lalo pang natawa. Sungalngalin ko kaya 'to? Tss.

[Hindi ko kasalanan kong gwapo ako, insan]

"Huwag mong sirain ang umaga ko, Aziz" Bagot kong saad. "Ano bang kailangan mo?" Seryoso kong tanong. He cleared his throat and heave a deep sigh. Mukhang malaki yata ang problema nitong bakulaw.

[Turuan mo 'ko sa Physics, insan. Hindi daw ako makakagraduate kapag hindi ko maipasa ang ibibigay nilang exam sakin mamaya]

Seryoso ang tinig nito kaya napaikot na naman ang mga mata ko. "Yan! Puro kasi pambababae ang alam! Tss"

[Grabe ka naman. Sadyang mainit lang talaga ang dugo sakin ng instructor namin. Matandang dalaga kasi]

Aba't! Kung kaharap ko lang talaga ang bakulaw na 'to malamang kanina ko pa nadagukan. Sisihin ba naman ang guro.

[Please? Ililibre kita ng ice cream] Saad nito ulit kaya napabuga nalang ako ng hangin.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon