Prim's POV
Hindi nalang ako nagsalita at napa-cross arms saka tumingin nalang sa labas ng bintana ng sasakyan. Tahimik lang kami at tanging ugong lang ng sasakyan ang maririnig. Mas mabuti nga 'yon dahil ayokong makipag-usap sa kanya.
Hanggang sa makarating kami sa subdivision kung saan dito rin pala siya umuuwi ay wala paring nagsasalita ni isa sa amin. Nang makita ko na ang gate ng bahay namin ay kaagad akong tumingin sa kanya.
"Dito nalang" Tipid kong saad kaya tinigil na niya ang sasakyan sa mismong harap ng bahay namin. Inalis ko na ang seatbelt at sinukbit ang bag ko.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka bumaba. I was about to shut the door close when he stop it using his hand kaya nagtaka akong napatingin sa kanya.
"Put ice on your head so it doesn't swollen" He uttered seriously while facing the road. Napakurap naman ako at hindi ako kaagad nakapagsalita. So, alam niya na nahampas 'tong ulo ko? I suddenly feel something unsual on me but I didn't bother to entertain it.
"Salamat" Tipid kong saad saka isinara na ang pinto ng sasakyan niya. Mabilis akong pumasok sa loob ng gate saka patakbong tinungo ang bahay. Wala pa yata si Kuya. Mukhang nag-over time na naman sa trabaho. I switch the lights on saka patakbong tinungo ang kwarto ko.
Matagal akong napasandal sa pinto saka napatitig lang sa kama ko. Kaagad akong natauhan ng maramdaman kong nakangiti ako. What thell?! Bakit naman ako nakangiti? It's just a simple advice, Primitiva! Singhal ko sa aking sarili saka napailing nalang. Mukhang matindi yata ang pagkakahampas sakin. Tss.
_______
KINABUKASAN
Third Person's POV
Nakangiting naglalakad si Prim sa hallway habang mahigpit na hawak ang lace ng bag nito. Napalinga-linga siya sa paligid upang masiguro na wala siyang makakasalubong na kahit sino. She went to school earlier than the usual to avoid any hassle and trouble. Kahit ngayon manlang ay maging maganda ang umaga niya. Malapit na siya sa cafeteria ng mapatigil siya bigla dahil may humarang sa dinadaanan niya.
Inangat niya ang kanyang paningin at nakita niya doon ang tatlong babae at ang isa doon ay kilalang-kilala niya. Kusang nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng blangkong ekspresyon. "Kung minamalas ka nga naman" Bulong nito na halata namang narinig ng tatlo. Lalagpasan na niya sana ang mga ito ng hawakan siya sa braso ng isa sa mga ito.
"Hep! Hep! Where do you think you're going, bitch?" Maarteng saad ng isa sa kanila na alam niyang si Maddox.
Tss. Isn't it a cliché? Sawa na nga ako sa mga napapanood at nababasa ko na may ganitong mga kontrabida sa buhay ng may buhay tapos pati rin dito sa reyalidad meron din? Wala bang mas may bago dito? Saad nito sa kanyang isipan at napaismid na lamang siya.
"Papasok sa klase ko? Ano pa nga ba ang ipinunta ko dito?" Walang gana nitong saad. Gusto niyang iikot ang mga mata nito dahil sa katangahang tanong ng babae sa harapan niya.
"Really? Akala ko kasi panlalandi ang ipinunta mo rito?" Matapang rin na sagot ni Maddox na humarang sa kanya.
"Panlalandi?" Kunot ang noong turan nito. Maddox just smirk.
"Yes. Todo kapit ka nga sa boyfriend ko kahapon diba? So, what do you call that? Isn't it flirting?"
Napatango-tango naman si Prim sa tinuran ni Maddox saka siya napabuntong hininga at sarkastikong natawa.
"Stop accusing me for something that I've never done in my entire life. You don't know the whole story and if I will tell you alam kong hindi ka maniniwala. So, excuse me" Mataray na saad nito at lalampasan sana si Maddox ngunit hinawakan nito ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...