Prim's POV
Nagkakasiyahan na sila lalaong-lalo na sina Levi, Ayrton at Xavier kasi may mga tama na. Levi is standing in front of us and I don't know if he's singing or shouting. Kanina pa ako tawa ng tawa habang kinukuhanan sila ng video.
"BINIBINIIII!~ ALAM MO BA KUNG PA'NO NAHULOG SAAAAYYYOOOOO~" He's singing his lungs out while dancing with a bottle of whisky. "N-NARAMDHAMHAAAN LAAANG *hik* BIGLA NG PUWSSSOOO!"
"Dre, i-ikaw ba si *hik* Naruto?" Tanong ni Xavier na kaharap si Ayrton pero nakaturo ang kamay sa may pool.
"B-Bakit, Dre?!" Susuray-suray na tanong naman ng isa.
"Dumami ka HAHAHAHA!" At ayon nagsimula na silang magbardagulan.
Samantala bigla namang napaupo si Levi sa damuhan at nagpagulong-gulong. Kung hindi ko kilala ang mga 'to, malamang iisipin kung takas sila sa mental. Does alcohol really makes you like this? They became retarded.
Si Carrhiza naman simula ng umalis siya sinundan yata siya ni Raiden tapos di na nakabalik. Samantala si Rainna naman tulog na sa may upuan.
Kami naman ni Kane dito sa harap ng apoy. Ako nag-iihaw ng marshmallow habang siya umiinom ng alak. I am sitting between his legs while he's caging me with his both arms. Nakasandal ako sa dibdib niya.
Malamig ang gabi pero wala akong naramdaman dahil bukod sa init na galing sa apoy, mainit rin ang katawan niya. Even though I feel uncomfortable before in this position, nasanay na rin naman ako. Tumingin ako sa langit at natuwa ako ng may makita akong shooting star.
"Kane, mag-wish ka dali" Nakangiting sabi ko saka tumingin sa kanya. Tumingin ito sakin.
"Wish?" Kunot-noong tanong nito.
"Oo. May shooting star, mag-wish ka na" Saad ko at tumingin ulit sa langit at may nakita na naman akong isa. "Ayon! May isa pa! Dali na mag-wish ka na" Tuwang-tuwa kong suhestiyon. Kung nakatayo lang ako, siguradong mapapatalon ako sa excitement.
Kaagad ko namang pinikit ang mga mata ko at humiling. Hiniling ko na sana kami ni Kane hanggang dulo at sana tumigil na si Shanaiah sa mga ginagawa niya. Sana naman hindi na matuloy ang kasal. I wish she'll find her own happiness too. Pagkatapos kong hilingin 'yon ay nagmulat ako saka tumingin kay Kane na ngayon ay nakatitig sakin.
"Nag-wish ka na?" Tanong ko sa kanya. He shook his head as an answer so I pouted.
"Why? Bakit hindi ka nag-wish?"
"That's a girlish thing
Napasimangot ako. "Tss. Hindi naman. Everyone can make a wish. Wala namang mawawala kung susubukan mong humiling diba?" Rason ko kaya napabuntong hininga naman ito.
"Tss. Sabi mo eh" Suko nito kaya ako naman ang natawa.
"So, may wish ka na?" Umiling ulit ito.
"I don't need, Harriette" Seryosong saad nito saka niyakap ako ng mahigpit. It is a tight hug but it's really comforting. "I don't need to wish for anything because my everything is in front of me right now. Having you is already a fulfillment"
Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad sa sinabi niya. "Sus. Ang cheesy mo" Pang-aasar ko. Napaigtad naman ako ng kilitiin ako nito.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...