[A/N: Canon in D (Pachelbel's_Canon) Cello_&_Piano is the chosen music for Prim's wedding]
_________
Prim's POV
I am now standing in front of the huge and big threshold while holding this well-fixed white and pink roses Bouquet. Sa simbahan na 'to naging opisyal kaming dalawa na mag-on at sa simbahan rin na 'to kami ikakasal. Ngayon palang sobrang saya ko na. I can't wait to see him.
Nang bumukas ang dalawang malaking pinto ng simbahan ay bumungad sa akin ang loob ng simbahan na punong-puno ng bulaklak sa gilid ng aisle at mayroon pa sa iba't-ibang parte nito. May rose petals na nakakalat sa aisle kung saan ako maglalakad.
May maliwanag na mga ilaw na mas nagpaganda sa buong lugar at may mga naglalakihang tela na kulay puti at pink sa buong lugar na may palamuti na roses at kung ano-ano pa na makikinang na bagay. Oh my gosh. Wala akong masabi dahil sobrang ganda talaga. It's glamorous, magical and romantic.
Nang mag-umpisa na ang musika which is my dream wedding music, I started to walk in the aisle. Habang naglalakad ako ay tumingin ako sa buong paligid at napakaraming tao. Nakatingin silang lahat sakin at may mga ngiti sa labi nila. May nakikita rin akong photographers at videographers.
Habang naglalakad ako ay unti-unting bumilisbis ang luha sa pisngi ko. Kusa silang tumulo. Hindi ko na kailangang pilitin ang sarili ko. Nang makita ko si Kane na naghihintay sakin sa harap ng altar ay napangiti ako. He's wearing a white tuxedo matches my gown. Ang gwapo niya. May bago pa ba, eh kahit siguro marumi ang suotin nito, ayos pa rin sa kanya.
Napatingin ako sa kanang bahagi ng simbahan kung saan nandoon lahat ng mga taong kilala ko. Raiden, Levi , Xavier, Ayrton, at iba pang mga lalaking bisita. Nakangiti silang lahat sakin kaya hindi ko mapigilang mapangiti rin. Parang kailan lang ang lahat. Hindi ko akalain na itong apat na unggoy na 'to ay magiging parte ng buhay ko.Sila ang naging dahilan kaya mas naging maganda ang kalahating taon ng school year ko. Iyong mga kalokohan talaga nilang nagbigay saya sakin.
I saw Yvo too. He's smiling. It's a genuine one. We had a heart to heart talk the day after I was discharge at the hospital at doon na niya ako pinalaya. I'm happy for him too because Shanaiah and him get along well with each other. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung paano sila na-engage.
Nalipat ang paningin ko doon sa kabilang bahagi at nakita ko roon si Carrhiza which is my Maid of honor. She's smiling genuinely at me and I couldn't help but to smile too. I didn't know that I have found a true friend in this world where somehow other people are fake and pretentious. Nandoon rin si Shanaiah na may ngiti sa labi.
Napabaling ako kina Mama at Papa na ngayon ay umiiyak rin. Si Kuya naman nakangiti lang. Mas lalo tuloy akong umiyak. Kanina pa silang umaga. Hindi ko alam pero nadadala ako sa kanila pati na rin sa musika.
Napatingin ako sa isang bahagi ng simbahan kung nasaan nandun rin si Nemo. Present siya. Hinanap naman ng mata ko si Hurricane at nakita ko siya na buhat-buhat ni Aziz. Ang pinsan kong bakulaw.
Nasa kalahating bahagi na ako ng aisle. Napabaling ako sa harapan kung saan nandoon ang isang taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon. He's staring at me. His biting his lower lip while tears are streaming down to his face. Kung pwede lang takbuhin ko ang pagitan namin ginawa ko na. Na-miss ko siya.
Isang linggo ba naman kaming hindi nagkita. Masyado kasi akong busy at bukod pa roon lagi akong sinasama sa galaan nina Rainna, Shanaiah at Carrhiza. Idagdag mo pa ang three-day rule na bawal kaming magkita before the wedding. Kinuha pa nga ni Mama ang gadgets ko para sure. Hindi naman ako makaalma.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
Storie d'amoreIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...