Prim's POV
Nakangiti kong inilagay lahat ng kailangan ko sa isang maleta. Including my personal belongings and everything. Sakto lang naman 'yung dadalhin ko for two days and one night. Narinig ko naman na may kumatok kaya kaagad kong binuksan ang pinto. Si Kuya ang nabungaran ko sa may hamba ng pinto kaya pinagbuksan ko ito. Nakapamulsang pumasok ito sa loob.
"Sino nga ulit yung mga kasama mo doon?" Tila naniniguradong tanong niya habang nakasandal sa likod ng pinto at nakatingin sakin. Dumiretso ako sa maleta ko saka ito isinara bago tumingin ulit sa kanya.
"Sina Ayrton, Xavier, Levi, Kane, Rainna, at Carrhiza" Inisa-isa ko na para sigurado. Tumaas naman ang kilay nito.
"There's a lot of boys, Harriette. Kung ako lang ang masusunod ayokong sumama ka don" He said seriously. Napabuntong hininga naman ako saka tumayo at lumapit sa kanya. Kumapit ako sa braso niya.
"Minsan lang naman Kuya. Payagan mo na kasi ako" Pakiusap ko saka ngumiti ng malapad.
"Wala na ba kayong ibang kasama don na mas matanda sa inyo?" Tanong niya ulit kaya umayos ako ng tayo.
"Meron si Aling Minda yung naglilinis don sa bahay. Pumupunta siya don lagi" Saad ko.
Nakuwento kasi samin kanina ni Levi na may taga-linis daw ng vacation house nila don para kapag may biglaang mags-stay don ready na 'yung bahay. I heard him sigh.
"Tss. Fine. Basta tatawagan kita palagi to make sure that you're safe. Wala pa naman akong tiwala sa mga kasama mo" Nakasimangot niyang saad.
"They're harmless Kuya. Promise tatawag kaagad ako kapag nandun na kami"
"Basta ang paalala ko sayo, Prim. Mag-ingat ka don lalo na at kasama mo pa si Kane. Tss" Kahit hindi na niya sabihin sakin alam ko kung ano ang tinutukoy niya.
"I know, Kuya. Thank you" Saad ko at niyakap siya. Hinalikan niya naman ako sa noo saka na siya ngumiti.
"Alright. I'll go ahead" Saad niya kaya tumango naman ako. Nang makalabas na siya ay napahugot ako ng malalim na hininga saka binuksan ang cellphone ko. Humiga ako sa kama at nag-browse ng kaunti sa site ng school.
Natuwa ako dahil naka-post na sa site ng school ang pagkapanalo ni Kane kanina sa Archery. Dikit ang laban nila kanina ng Falcon at nagkaroon pa ng tiebreak but Kane did a great job. Napadako naman ang paningin ko sa itaas ng cellphone ng may lumabas na mensahe. Si Yvo. Napabangon ako at napakunot noo.
'Can we talk? Nandito ako sa park' Basa ko sa text niya.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Mamaya pa naman ako susunduin ni Kane. Siguro pwede ko naman siyang kausapin. I wear my hoodie at kinuha ang maleta ko saka na ako lumabas ng kwarto.
Nakita ko sina Mama at Papa sa living room they're busy talking with each other. Napangiti ako ng makitang nakasandal ang ulo ni Mama sa balikat ni Papa. Ang sweet talaga nila. Napatingin sila sakin ng mapansin ako. Umayos sila ng upo.
"Aalis ka na, Baby?" Tanong ni Mama kaya umiling ako.
"Pupunta lang po ako sa park, Ma. Kakausapin daw ako ni Yvo kapag dumating si Kane sabihin niyo po na nandun ako" Saad ko kaya tumango naman ito. Inilagay ko muna sa isang tabi ang maleta saka nagpaalam rin ako kay Papa.
Carrhiza's POV
Nandito kami sa may plaza dahil tinawagan pala ni Kane kanina ang apat na unggoy na isurprise si Prim. Nakaktawa nga lang dahil ngayon niya pa naisipang isurprise si Prim para sa monthsary nila. September 26.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...