Prim's POV
Tumayo naman sina Levi at Ayrton saka napatingin saming dalawa ni Carrhiza. May mga katanungan sa mga mata nila. Naglakad palapit si Kane sa sofa saka kinuha ang bag niya na nakapatong doon. He heave a deep sigh.
"Just let them talk. Everything will be alright" Saad nito sa amin kaya nagkatinginan kami ni Carrhiza.
"Teka, ano bang mga pinag-uusapan niyo?" Nagtatakang tanong samin ni Ayrton pero hindi kami sumagot.
"I-share niyo naman samin" Dagdag naman ni Levi.
"Tss. Don't mind others business morons. Let's go to the field" Malamig na saad nito saka na siya naunang lumabas ng opisina.
Napakamot naman sa ulo ang dalawa saka kinuha rin ang mga bag nila. Nagkatinginan ulit kami ni Carrhiza at wala kaming nagawa kung hindi sumunod sa kanila.
Pansin ko ang panlalamig ng kamay ni Carrhiza na nakahawak sa braso ko. Maski ako kinakabahan rin baka kasi mag-away yong dalawang 'yon, magbugbugan tapos friendship over na. Napabuntong hininga ako. Huwag naman sana.
Third Peron's POV
Inis na napabuga ng hangin si Raiden habang mabilis na tinatahak ang daan patungo sa parking lot. Binabati siya ng mga babaeng nadadaanan niya pero hindi niya ito pinansin dahil nawawalan siya ng gana at masyadong okupado ang isipan niya tungkol sa maraming bagay.
Mahigpit ang pagkakahawak nito sa susi ng sasakyan at pagkakuwa'y ginulo nito ang kanyang buhok. Nang marating nito ang sasakyan niya ay binuksan na nito ang pintuan sa may driver seat. Itinapon nito ang kanyang bag sa loob saka napabuntong hininga.
"Raiden"
Hindi siya nakapasok ng tuluyan sa loob ng sasakyan ng marinig ang boses ni Xavier na nakatayo na ngayon sa likuran niya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa pintuan ng kotse saka siya napatiim-bagang. 'Anong kailangan nito?' Inis nitong tanong sa sarili.
"Raiden, pwede ba tayong mag-usap?" Mahinahon na tanong sa kanya ng kaibigan kaya kinalma niya ang sarili saka pabagsak na isinara ang pinto ng kotse at inalis ang inis sa kanyang mukha saka seryosong binalingan ng tingin ang kaibigan.
"Anong pag-uusapan natin?" Walang gana nitong tanong saka napatingin sa wrist watch niya. "Nagmamadali ako" Dagdag nito.
"You know what it is, Raiden" Seryosong saad ni Xavier saka lumapit rito. Nasa isang dipa ang layo nito kay Raiden.
"I don't get it, Xav. Hindi ako manghuhula"
Napabuntong hininga si Xavier para pakalmahin ang sarili. "It's about Carrhiza"
Natigilan naman si Raiden pero pagkaraan ng ilang segundo ay napangisi siya saka tumingin sa kaibigan.
"Kung tungkol lang sa kanya huwag ka ng mag-aksaya ng oras. Wala akong panahon para pakinggan ang sasabihin mo" Malamig nitong bigkas.
Walang anu-ano'y nabigla siya ng suntukin siya nito sa mukha na hindi niya napaghandaan. Napaupo siya sa semento at napahawak sa labi niya na ngayon ay dumudugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya.
"Putangina! Anong problema mo?!" Galit nitong bigkas at tumayo saka sinuntok rin sa mukha si Xavier na tinamaan naman sa panga kaya napahawak siya sa isang nakaparadang sasakyan para hindi siya tuluyang matumba.
"Gago! Para 'yan kay Carrhiza, Raiden!" Sigaw ni Xavier saka sinuntok muli si Raiden sa mukha na nailagan niya naman. Kaagad na napaatras si Raiden.
"Anong sinasabi mo?! Wala kong ginawang masama sa kanya, Gago!"
"That's for ignoring her, douchebag!"
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...