Chapter Fifteen

182 6 0
                                    

PRIMITIVA

Tahimik lang ako buong biyahe at inaaliw ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng sasakyan. Ang totoo niyan ay wala akong maisip na topic para pag-usapan namin ni Kane. Gusto ko sana itong tanungin kung bakit niya pa ako kailangang isabay gayong kaya ko namang maglakad pauwi.

Saglit ko itong tiningnan at nakita kong nakatutok lang ang mga mata nito sa kalsada. Hindi ko naman napigilang pagmasdan ang mukha nito. He had this white complexion, messy dark brown hair, not-so-thick eyebrows yet gives more additional charm to his deep set of chocolate orbs, he also had this pointed nose, red kissable lips and perfect jaw. Ngayon ko lang ito natitigang maigi na hindi ako nakaramdam ng kahit anong weird sa katawan ko.

Kaya pala ganun nalang ang reaksiyon ng mga babae sa tuwing nakikita ito. And, you too, Primitiva. Napaiwas ako ng tingin ng magsalita ang sarili kong isip. Napailing nalang ako. Kung ano-ano nalang ang naririnig ko.

Nang ibaling ko ang tingin sa kanya ay nabigla ako ng magsalubong ang mga mata namin. Ako nalang ang unang umiwas dahil may nangangarera na naman sa dibdib ko. I heard him tsked. Kaya tumingin ulit ako sa kanya.

"Stop staring at me, Harriette. Hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nasa kalsada lang ang paningin nito kaya nangunot ang noo ko.

"Hindi kita tinititigan, Mister" Saad ko at napairap.

"Really, MISIS?" Nakangising saad nito dahilan para muntik na akong masamid kahit wala akong iniinom.

"H-Hoy! Anong Misis ka diyan?!" Masungit na turan ko at inirapan siyang muli.

"Why? You called me Mister so I called you Miisis. What's wrong about that?" Nakangisi paring sagot niya sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"H-Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan! Hindi mo ako Misis at hindi rin kita Mister"

"But I'm your boyfriend and you're my girlfriend" Mabilis nitong sagot dahilan para mapamaang ang labi ko.

"Excuse me? Hindi kita boyfriend at hindi mo rin ako Girlfriend. Misunderstanding lang ang nangyari" Salungat ko sa sinabi nito. He just chuckled and stop the engine. Napatingin ako sa labas at nakita kong nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"Even though it was a Misunderstanding, still everyone knows that you're my girlfriend" Kontra nito kaya napa-make face nalang ako.

"Tss. Tigilan mo 'ko. Everyone knows too that Maddox is your Fiancé. Ano ako kabit mo?" Saad ko at inalis ang seatbelt. Hindi pa ako nahihibang noh! Ano nalang ang iisipin nila kung lagi kong kasama 'tong lalaking 'to? Tss. Baka kuyugin na naman ako ng mga julalay nong Maddox na 'yon.

Hindi naman ito nagsalita kaya binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan. I was about to step out from his car when a sudden rain pour heavily. Mabilis akkng napabalik sa loob. Ano ba 'yan? Okay naman ang panahon kanina bakit biglang umulan? Inis akong napatingin ulit sa labas. Buhos na buhos naman yata?

"Use this" Napabaling ang paningin ko sa kanya ng magsalita ito. Nakita kong hinubad nito ang coat ng uniform niya. Mabilis niyang ipinatong sa ulo ko ang coat niya. Napatitig ako sa kanya habang abala siya sa pag-aayos nito sa ulo ko.

Ako nalang ang umiwas ng tingin at ako na rin ang nag-ayos nito sa ulo ko.

"S-Sige, salamat" Saad ko at tipid na ngumiti saka binuksan ulit ang pinto ng sasakyan. Nang makalabas ako ay dumungaw pa ako sa loob.

"Ibabalik ko nalang sayo 'to bukas. Ingat" Saad ko at kaagad isinara ang pintuan ng sasakyan niya. Mabilis kong tinungo ang gate at kaagad pumasok sa loob. Saglit ko pa munang nilingon ang sasakyan nito na mabilis ng umandar palayo.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon