PRIMITIVA
Nang makalabas na ako ng opisina ni Dean ay napabuntong hininga ako. There is a part of me na medyo nagi-guilty sa sinabi ko sa ina ni Maddox. If I'll put myself in her shoes, alam kong pinoprotektahan niya lang ang anak niya pero ang mali lang doon ay kinokonsinte niya ang mga maling ginagawa ng anak niya.
The best lesson comes from home. Unfortunately, Maddox learned differently. She's an indeed spoiled brat. Napatingin naman ako sa tabi ko ng may mapansin akong bulto ng lalaki. Napatingin ako dito at nakita ko si Kane na nakatayo sa tabi ko. He's still wearing those glasses that suits him well. Umiwas ako ng tingin bago pa man ito mapatingin sa akin.
Nag-umpisa akong maglakad pero naramdaman ko ang mga kamay nito na humawak sa palapulsuhan ko. Napabaling ako rito at napansin kong naka-kunot ang noo nto. His eyes are focus on my cheek. Particularly, on my left cheek. Napakislot ako ng lumapat ang palad nito roon. A sudden weird feeling envelopes my system kaya mabilis akong lumayo sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa paligid at mabuti nalang walang masyadong estudyante. He step forward and hold my wrist again saka niya hinawakan ulit ang pisngi ko kaya napatitig ako sa kanya.
"Your face is swollen" Mahinang saad nito kaya napalunok ako.
Naalala ko naman ang bilin sakin ni Aziz kaya mabilis kong inalis ang kamay nito sa pisngi at pulsuhan ko saka lumayo ulit sa kanya. Kaagad akong umalis na hindi nagsasalita. Naramdaman ko naman na parang uminit ang pisngi ko dahilan para tapik-tapikin ko ito. Napabuga ako ng hangin para ikalma ang sarili ko. Napahawak rin ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog ng puso ko.
Napapadalas yata 'to. It all started that night. Noong hinatid niya ako sa bahay. Tss. Mukhang hindi pa talaga ako fully recovered. Napahugot ako ng malalim na hininga at umayos ng tayo tsaka tinungo nalang ang klase ko ngayong umaga.
Hindi na rin naman ako masyadong pinapansin ng ilang estudyante dahil halatang ilag sila sa 'kin sa hindi malamang dahilan. Isinawalang bahala ko na lamang iyon. Nang makarating ako sa classroom ay napatingin silang lahat sakin. Hindi ko nalang sila pinagtuunan ng pansin at umupo nalang sa pwesto ko.
Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang hallway na kitang-kita mula rito sa pwesto ko nang bigla naman akong may maramdamang tumabi sakin. Napatingin ako rito at nakita ko ang isang babae na nakangiti. Napakunot noo ako ng iabot nito ang kamay sakin. I know her face but I don't remember her name. Call me weird but most of my classmates' name are not familiar to me o mas maiging sabihin na hindi ko talaga alam ang mga pangalan nila.
Almost half a year kaming magkasama pero ni isa sa kanila hindi ko maalala ang mga pangalan.
"H-Hi..." Bati nito sa akin at halatang kinakabahan ito. Tinanggap ko nalang ang kamay niya at binitawan rin pagkaraan."Can I sit beside you?" Tanong nito. Weird. Ngayon pa talaga may nagtangkang makipag-usap sakin? Kyuryuso ko itong pinagmasdan.
"Nakaupo ka na diba?" Wika ko kaya namula ang pisngi nito at nahihiyang napatungo. Awkward itong natawa kaya napailing nalang ako.
"S-Sorry" Hingi niya ng paumanhin at napakamot sa ulo niya.
"Pwede ba akong magtanong?" Tanong ko sa kanya kaya umangat ito ng tingin at tumango. "Anong pangalan mo?" Seryosong tanong ko.
Napanganga naman ito at halata ang gulat sa mukha niya. Matagal itong natulala sakin kaya pumitik ako sa hangin dahilan para mapakurap-kurap ito.
"H-Hindi mo ako kilala?" Tanong nito sa akin at sinagot ko ng iling. "Matagal na tayong magkaklase ah?" Nagtataka nitong saad dahilan para umiwas ako ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil parang bigla akong nakaramdam ng hiya at awkwardness.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...